Chapter 1
--------------------------"HOOOOY! GISING NA! DALIII. BUMANGON KA NAAA"
"PENNYYYYYYY"
"Hoy penny! Pag hindi ka gumising jan, hihilahin kita!"
"Ano ba kailangan mo!!" Sigaw ko. Paano, ang aga aga, nag-gigising 'tong si Warren.
"Bored ako sa bahay eh. Tara gala tayo," sabi niya sabay tanggal ng kumot ko
"NANG-GISING KA PARA SABIHIN NA BORED KA? ARE YOU CRAZY? IT'S 6:30 IN THE MORNING!" Sabi ko sakanya sabay hablot ulit ng kumot ko
"Dali naaa!" Pagmamakaawa ni Warren sabay pout. Tss such a gay. Haha joke
"A-yo-ko. Inaantok pa ko. Kaya labas na dun! Chupe!"
"Ah. Ayaw mo ah?" Bulong niya sabay hila ng paa ko
"Eto na nga! Babang-- ARAYYYY!"
"Sige. Sabi mo babangon ka na ah? Hintayin kita sa baba," sabi niya sabay takbo palabas ng kwarto ko
"WARRREEEEEEEN!"
Ouch. Ikaw ba naman mahulog sa kama diba. Tsk. Let me introduce myself pala, I'm Pennelope Lee. 16 years old, senior highschool. And that crazy guy, a while ago is my bestfriend, Warren Brace Evans, he's 17 years old and classmate ko rin siya. Nag-aaral kami sa Hilton International. Our parents are bussiness partners kaya kami nagkakilala.
Tinatamad pa talaga akong bumangon, pero nakaramdam ako ng gutom. Hindi na ako nakakain kagabi dahil sa sobrang antok. Kaka-gala lang namin ni Warren kahapon, eto nanaman siya. He's a bit childish pero i consider him as my big brother, only child lang kasi kami pareho kaya we treat each other like siblings.
Naligo na ako and nag-suot ng dress and flats. Well i'm the maarte-sa-damit kind of girl, ayoko na may humiheram ng mga damit ko and gusto ko ako ang mamimili ng mga susuotin ko.
Bumaba na ako para makaalis na kami, pero hindi ko nakita si Warren.
"Good Morning Princess" bati ni Manang Jules, our maid.
"Good Morning manang," sabi ko sabay smile. She smiled back
"Hmmm Manang, nakita mo po ba si Warren?," tanong ko
"Nasa kusina po, kumakain"
"Okay po"
Langya, pumunta ba talaga 'to para yayain ako gumala o para kumain? Tss. Istorbo pa sa pag tulog. Pagkapasok ko sa kusina, ayun, lamon ng lamon si Warren.
"So. Nandito ka ba para kumain?," tanong ko sakanya sabay taas ng isa kong kilay
Nilunok niya yung kinakain niya bago magsalita "Sorry naman. Nagutom lang ako. Tara kain tayo" alok niya.
Hindi na rin matiis gutom ko, kaya kumain na lang rin ako.
BINABASA MO ANG
IFILWMBF
Short StoryThis is a story about Warren and Penny. They're bestfriends. Pero Can a boy and a girl be bestfriend? Paano kung nainlove sila sa isa't isa? Well, biglaan nalang nainlove si Warren kay Penny, pero tinago niya ang feelings niya kasi baka eto ang dah...