Chapter 8-------------------
Warren's POV
Nandito na ako sa condo ko, pero hindi ako makatulog. Naaalala ko nanaman siya. Si Vannesa
Nakita ko nanaman kasi 'yung letcheng picture frame na yun eh. Shet! Naiiyak nanaman ako
A while ago..
Bago ako pumunta sa condo ko, pumunta muna ako sa bahay namin para kunin ang ibang gamit ko.
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha na ang mga gadgets at ibang damit ko, nang palabas na ako may narinig akong ingay sa kabilang kwarto or sa stock room namin.
Nagtaka ako kaya binuksan ko yun, pagkabukas ko nandun yung isang maid namin at mukhang kakabaksak niya palang
"Julie, are you okay?" Tanong ko then inalalayan ko siya
"Opo boss, okay lang! Thankyou po"
"Ano ba kasi ginagawa mo dito?
"Pinapakuha po kasi ni ate Ann yung mga lumang dyaryo sa taas ng cabinet eh"
"Ah. Sige ako na kukuha.
"Sure kayo boss?"
"Yeah"
Umakyat ako ng cabinet habang kapit na kapit ako sa gilid ng cabinet para hindi ako mahulog.
Pagkakita ko ng mga dyaryo, kinuha ko na yun at tumalon ako. Muntik pa masubsob ng face kong napakapogi.
"Thankyou po boss. Thankyou po" pasasalamat niya then lumabas na siya
Lalabas na sana ako pero nabangga ko yung isa pang cabinet at nahulog yung frame na malaki.
Kinuha ko yun at pag kaharap ko ng frame, nahulog ko agad at bigla nalang akong naiyak
Nakita ko yung picture namin ni Vanessa na mag ka yakap. Bumuhos ang mga luha ko. Naalala ko nanaman yung time na namatay siya.
Nung time na dapat isusurprise ko siya sa dahil 3rd Anniversary namin, nagda-drive siya papunta sa place kung saan ko siya isusurprise pero nabangga siya at hindi na niya kinaya kaya namatay siya
Habang iniisip ko yung nangyari, bumubuhos ang luha sa mata ko. Isa akong womanizer pero siya palang ang minaha ko ng totoo. Hindi tumatagal ang babae sakin, pero si Vanessa, 3 years kaming nagmamahalan.
Iyak ako ng iyak nang makaramdam ako ng antok at nakatulog na din ako
I misw you Vannesa.
------------------------------
A/N: Okay ba? Magmomove-on na kaya si Warren? Huhu
Thankyouu Readers Mwua Mwua
BINABASA MO ANG
IFILWMBF
Short StoryThis is a story about Warren and Penny. They're bestfriends. Pero Can a boy and a girl be bestfriend? Paano kung nainlove sila sa isa't isa? Well, biglaan nalang nainlove si Warren kay Penny, pero tinago niya ang feelings niya kasi baka eto ang dah...