Amelia Vana
"Don't you dare talk to me." Mahinang wika ko rito.
"Pero mali ang pagkakaintindi mo sweetheart."
Napapikit ako sa inis. Noon Ma'am sweetheart. Ngayon naman sweetheart na talaga. Nagmulat ako ng mga mata bago ito tinitigan. Iyong sakit ng ulo ko kanina ay nagbalik at mas matindi na ngayon.
"Just leave me alone. I came here to visit Cara and not you Raegan." Angil ko rito.
"That's ok. I'm glad that I see you here."
Nagsalubong ang mga kilay ko rito. "Ano ba talagang ginagawa mo rito ha? Stalker ka ba ni Cara at Carlei? You said you don't know Carlei personally and you just bumped into her."
Raegan shrugged na mas lalong nagpabwisit sa akin. "I thought you don't wanna talk to me Professor Braganza?"
Ngayon naman ang hot lang ng pagkakasabi nito sa apelyido ko. Bakit ganun? Ano ba namang nangyayari sa akin.
"So I guess I don't need to explain anything to you. Niligawan kita and you pushed me away pero sa nakikita ko ngayon. Para kang isang jowang nagagalit diyan dahil nagseselos ka."
Sinamaan ko ito ng tingin. "Makapal talaga ang apog mo-"
"And for the second time I'm gonna ask kung anong apog Professor Braganza."
Iniinis talaga ako nito and I'm really piss right now.
"Ang kapal ng mukha mo alam mo iyon?" Mahina ngunit gigil kong sabi rito. "At hindi ako nagseselos!"
Natawa ito ng mahina. "Yeah right and pigs can fly Professor Braganza. You don't have to be shy and just admit that you feel the same way to me. I love you, you love me, we're both single. We're in Dela Questa's property. So what can you say?"
"I don't f*cking love you!"
Napaikot ito ng mga mata. "Sobrang defensive mo po Ma'am. Ang sakit mo pong magsalita sa totoo lang."
Natigil kami sa pagsasagutan ng makitang papalapit si Cara sa amin. May kinausap lang kasi ito sa cellphone kaya napilitan itong iwan kaming dalawa habang si Carlei ay nagluluto ng tanghalian.
"Hey, are you guys ok? Carlei's done cooking. Let's go and eat."
Nauna na si Raegan na tumayo at dumiretso ito sa kusina. Naiinis ako ng makitang tinulongan nito si Carlei. They're not doing anything else right? At kung meron man, ano naman ngayon sa akin?
Literal na sinabi ko kay Raegan na maghanap na ito ng iba pero hindi ko lang matanggap na ganito kabilis o baka naman kasi hindi talaga ito seryoso sa akin. Or Raegan's courting us both? Unahan lang kung sino ang unang sasagot?
Hindi naman siguro ito namamangka sa dalawang ilog diba?
Ng maupo kami ay hindi nakaligtas sa aking paningin ng ipaghanda ni Carlei si Raegan ng pagkain. Magkatabi ang mga ito sa aming harapan dahil si Cara ang katabi ko. Ang masaklap, katapat ko si Raegan at naiinis pa rin ako.
How dare she para pagsabayin kami nito ni Carlei. Kung hindi ito papasa sa akin na siyang nangyari ay ibabaling ang pansin sa isa?
Nakakainsulto!
Ano ba talagang problema mo? Hindi ka naman nagseselos diba? Hindi mo nga mahal gaya ng sinasabi mo. Sinungaling. Sigaw ng utak ko kaya saglit akong napapikit habang kinakalma ang sarili. Right, walang kami-
"Ate, Riri gave me a gift at muntikan na akong mahimatay." Agaw pansin ni Carlei sa aking kaibigan.
Nagsimula akong kumuha ng kanin saka ulam. Gusto ko ng matapos kumain dahil aalis na talaga ako.
I couldn't stand to see them na naglalandian at naghaharutan sa harapan ko. Masyadong masakit sa mata. Nakaka-sore eyes silang dalawa!
Natawa si Raegan ganun din si Cara pero hindi ako maka-relate.
"What gift?" Tanong naman ng katabi ko.
"You'll see later." Bumaling si Carlei ng pansin sa akin. "Hows the food Ate Amelia?"
Nilunok ko muna ang pagkain. "It's delicious. It's amazing you can cook different dishes like these." I'm referring about the foods that was serve on the table.
Ngumiti ito sa akin. Carlei deserve it kahit ayaw ko itong purihin ay wala akong magawa. Hindi ko pwedeng ikaila na magaling itong magluto dahil masasarap ang inihanda nito.
"Thank you." Pinagpatuloy nitong kumain. "Pero dapat matikman mo rin ang mga luto ni Riri. Mas magaling siyang magluto keysa sa akin Ate Amelia."
Mukhang sumama ang timpla ko dahil sa sinabi nito. Raegan can cook at natikman na ito ni Carlei? Kailan ba talaga naging close ang dalawang ito at kating kati na akong pitikin ang noo ni Raegan sa pagiging malandi nito.
Hindi siya malandi. Walang kayo at kung maglalandi man siya. E ano naman ngayon sayo? Remember Amelia, you said you don't love her. Kontra ng isipan ko. Isa pa ito. Dapat magkakampi kami pero baliktad ang nangyayari. Kailan din ako nagsimulang kausapin ang sarili ko? Recently lang at dahil iyon kay Raegan!
This young woman will be the death of me.
"I'm looking forward to it." Nasabi ko na lang ng hindi tinatapunan ng tingin si Raegan na alam kong nakatitig sa akin ngayon.
"Diba estudyante mo siya Amelia?" Tanong ni Cara sa akin. Bakit ngayong nagmamadali ako ay parang mas humahaba naman ang oras para sa amin.
"Yes, she's good actually. She always have an option." Patama ko rito dahil naiinis talaga ako.
Tumango tango naman si Cara.
"How long have you known each other you guys and Raegan?" I asked to no particular person.
"Recently." Sagot ni Carlei.
"Long time ago." Sagot naman ni Cara.
Sabay pa talaga ang dalawa kaya natigil ako sa pagkain. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo pero alam kong may mali sa sagot ng magkapatid. Hindi lang pala ako ang natigilan kundi pati na rin sila. Nagkatinginan ang magkapatid ng marealized ng mga itong magkasalungat ang sagot sa akin habang si Raegan ay nakatutok ang pansin sa pagkain nito. Nakikiramdam.
"Ah yeah recently."
"Yes it was long time ago." Sabay ulit na sagot ng dalawa pero ngayon ay nagkapalitan naman ng sagot.
Natawa si Raegan para mawala ang tensyon.
"I've known them recently Miss Braganza. Anyway let's eat. Let's enjoy the food." Wika nito para malihis ang topiko pero hindi ako tanga at mas lalong hindi ako gaga.
Theres something going on here sa tatlong ito o huwag naman sanang sabihing jowa nito ang magkapatid? Naipilig ko ang aking ulo.
"Namamangka ka ba sa dalawang ilog Raegan?" Lantaran kong tanong rito na hindi na nakatiis. Kanina pa talaga ako nagpipigil at nanggigigil.
Naibuga ni Cara at Carlei ang kinakain ng mga ito habang si Raegan ay natawa lang. Meron bang nakakatawa?
"Kung meron man akong pamamangkaan. Ikaw lang iyon Amelia Braganza." Lantaran ding sagot nito.
Nabaliktad yata ang sitwasyon dahil nakatingin na sa akin ang magkapatid ngayon. Nagtatanong ang mga mata.
Sh*t!
Hindi na lang dapat ako nagsalita!
BINABASA MO ANG
Inflicted _Book 3 (Completed)
General FictionRaegan Reese Abramowicz and Amelia Vana Braganza