Chapter 31

6K 308 27
                                    

Amelia Vana

Kinakabahan ako ng dumating kami ni Raegan sa bahay namin pero wala ng atrasan. Sinalubong agad kami ni Daddy at Mommy.

"Hi Dad." Humalik ako sa pisngi nito ganun din kay Mommy.

"Good evening po Ma'am and Sir." Si Raegan at ngumiti ng matamis sa mga ito.

"Good evening hija." Si Daddy na sinuklian ang ngiti ni Raegan pero si Mommy ay tinitigan lang nito ang kasintahan ko.

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil kilala ko si Mommy. Mataas ang standards nito mula sa mga nagiging kaibigan ko ay pinapakialaman nito. Paano na lang kaya ang love life kong minsan na nitong pinanghimasukan.

"Dad sina Ate nandito na ba?"

"Wala pa anak. Pasok kayo at sa dining room na lang natin hintayin ang Ate mo."

Ng makarating kami sa loob ay walang kibuan kaming naupo. I could feel that tension dahil sa Mommy kong walang imik. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa.

"So tell me hija. Anong natapos mo?" Tanong ni Mommy kay Raegan.

Ganito rin ang ginawa nito kina Georgina, Heather, Kathzie, at Mikhaila noon. Akala siguro ng Mommy ko ay bagong kaibigan ko si Raegan. Wait till I drop the bomb later at siguradong sasakit ang aking ulo sa pagiging matigas nito.

I am aware na aristokrata si Mommy. Konting konti na lang ay papasa na ito sa pagiging perpekto. Nagtataka nga ako bakit Doktor ang kinuha nito kung pwede naman itong maging Abogado.

"Uhm, hindi pa po ako nakakatapos Ma'am. Graduate na sana ngayon pero nag-dropped ako dahil mas importante ang kalagayan ko po." Magalang na sagot naman ni Raegan kay Mommy.

Natawa si Mommy. Tawang insulto at sarkastiko. Hinawakan lang ni Raegan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa para pakalmahin ako dahil nagsimula ng umakyat ang dugo sa aking ulo dahilan para mamula ang aking mukha.

"Wala kang mararating sa buhay hija kapag ganyan." Kumuha ito ng wine saka sumimsim. "What about your family?"

Mataman lang namang nakikinig si Daddy. Kung gaano ito kabait ay siya namang kabaliktaran ng Mommy ko kapag may gusto itong hindi nasunod.

Oo masungit ako at mataray pero nilalagay ko iyon sa tamang lugar. Mas lalong pinisil ni Raegan ang kamay ko. Alam kong sensitibo pa si Raegan pagdating sa usapang iyon but Raegan's making sure na ok lang ito.

"Wala na po akong pamilya. Mag-isa na lang po ako sa buhay but I have good friends."

Nag-form ng letter O ang bibig ni Mommy saka nag-sorry pero hindi naman ito makitaan ng sympathy.

I look at Raegan apologetically pero ngumiti lang ito sa akin.

"Are we late?" Tanong ni Ate ng bumungad sa may pintuan habang hawak nito sa magkabilaang kamay ang dalawang pamangkin ko.

"Hindi naman hija. Nasan ang asawa mo?" Tanong ni Dad rito.

Humalik ang mga pamangkin ko sa akin ganun din sa aking mga magulang pagkatapos magmano ng mga ito. Bineso ko lang si Ate.

"Hi sis lalo kang gumanda. It's been awhile." Wika nito at ganun din ang ginawa nito kay Raegan na parang close na ito rito. Natutuwa naman ako kahit papaano.

"Nasa opisina pa po may tinatapos. Dederetso na lang daw rito Dad." Naupo ang mga ito saka kami nagsimulang kumain ng sabihin ni Ate na it's ok to start without her husband.

"So bakit anong meron?" Takang tanong ni Ate sa akin.

Siguro pwede na kahit wala pa ang bayaw ko total ay kumakain na rin kami. I cleared my throat.

"I brought Raegan with me dahil gusto ko siyang ipakilala sa inyo bilang girlfriend ko."

Walang nakaimik. Bakit pa patatagalin kung iyon lang din naman ang aking punto sa huli.

Si Ate ay napanganga habang nakangiti naman si Daddy. Si Mommy ay pinaningkitan ako ng mga mata at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

"Amelia." Si Ate ng makabawi ito although wala namang pagtutol sa mukha nito sa naging desisyon ko imbes ay nakakaunawa itong tumingin sa akin.

"Hindi ako papayag na diyan ka makipagrelasyon Amelia! Hindi ka namin pinalaking ganyan ng Daddy mo! Nasaan na ang moralidad mo isa kang propesora so think about it!" Makikita ang matinding galit sa mukha ni Mommy ngayon.

"I.LOVE.HER and above all siya ang nakakapagpasaya sa akin." I denfended Raegan.

Oo pinalaki kaming may respeto. Hindi naman siguro masamang sumagot minsan para sa aking inaasam. And my Mom's disrespecting the woman I love at hindi ako papayag na ipahiya nito si Raegan. Ako ang nagdala rito dito at higit sa lahat. Walang ginawang masama ang babaeng mahal ko para itrato nito ng ganun. Nasa Mommy ko ang problema.

"Suwail! Anong ipapakain niyan sayo ha? Nag-iisip ka ba? Tinanggihan mo si Caezar Philip noon para diyan? Ang cheap ng taste mo!"

Hinawakan ito ni Daddy para pakalmahin pero winaksi nito ang kamay ng isa.

"Kapag hindi mo hiniwalayan iyan. Itatakwil kita!"

Kinuyom ko ang aking kamao. "Then be it Mom."

"Hi everybody, sorry I was late." Ang bayaw kong halatang walang kaalam alam sa mga nangyayari.

Humalik ito sa pisngi ni Ate. "Pasensya na po Mom and Dad, Amelia at- Miss Abramowicz?!" Nagulat ito ng mapatingin kay Raegan.

Abramowicz?

Nabitawan ni Mommy ang hawak nitong kopita kanina. Naibuga naman ni Ate Amalia ang tubig na iniinom nito para sana pakalmahin din ang sarili.

Lumapit ang bayaw ko kay Raegan. "Miss Abramowicz. What an honor to see you here." Nakipagkamay naman si Raegan dito pagkatapos nitong tumayo.

"Hello Mr. Fonseco. So we meet again." Nakangiti si Raegan dito.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko sa dalawa.

Ngumiti ang bayaw ko bago ito naupo sa tabi ng Ate ko.

"She's my client, Amelia. Si Miss Abramowicz ang biggest client ko na nakwento ko noon." Excited nitong balita. "Sa kanya iyong latest project ko ngayon na malapit ng matapos."

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi lingid sa aming pamilya ang bagay na iyon dahil noong huling dinner namin ay nasabi nitong may kliyente itong kumuha ng serbisyo nito sa pagpapatayo ng isang mega mansyon na aabot sa isang bilyon pero apat na buwan ay dapat tapos na ito. So his men have to work hard day and night at nagdagdag pa ito ng mga tao para doon.

Ibig sabihin non, ang bayaw ko ang kinuha ni Raegan na engineer para sa mansyon nito? And she's a billionaire? Hindi halata, walang wala sa hitsura nito dahil napaka-down to earth at napaka-humble nitong tao.

"Hija, I'm a former family Doctor of Sigfrid and Astrid Abramowicz. Is there any chance you're related to them?" Si Daddy habang si Mommy ay para ng napipi.

"I'm their only child Sir."

Inflicted _Book 3 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon