Raegan Reese
Napangiti ako ng makita ang taong minsan ng nagtanggol sa akin at paulit ulit din akong sinaktan. Hindi naman literal na harap harapan dahil hindi naman nito alam ang aking nararamdaman at wala akong balak ipaalam. Malabo naman kasi akong magkaroon ng pag-asa rito.
Sa mata ng mga tao. I'm just a simple student. Although I'm not an ordinary person pero pagkatapos ng nangyari sa mga magulang ko. I decided to just become a nobody.
Napatingin ulit ako sa taong iyon at parang nanumbalik ang mga panahong ok pa kami kahit papaano.
"Raegan!" It was Aarin. Ang taong mahal ko.
Hindi kami close. Nagkataon lang talagang palakaibigan si Aarin at lahat ng nakakasalamuha nito ay kanyang kinakausap. Pareho kami ng year at course pero hindi kami magka-klase.
"Bakit A?" Iyon kasi ang tawag ko rito.
"May gagawin ka ba mamaya?" Bakit kasi ang lambing ng boses nitong nakakadala sa akin. Matalino at idagdag pang maganda.
"Uhm.."
"Well look whos here!" Napapikit ako ng mabosesan si Gale. Ang nambubully sa akin palagi simula pa noon.
"Pwede ba Gale? Kung wala kang magandang sasabihin, lubayan mo si Raegan!" Pagtatanggol sa akin ni Aarin.
Napataas ang kanang kilay nito habang naka-krus ang mga braso sa dibdib.
"Don't you know she's a dyke?" Walang pakundangang wika nito na halos ikabingi ko.
Bigla akong nanlamig at kasunod non ang nakakabinging katahimikan sa aking paligid.
"And she have a thing for you Aarin." Nanunuya ang tono nito habang nakatingin sa akin.
Tumingin din si Aarin sa akin. "Raegan? Is that true?"
Paano nalaman iyon ni Gale? Ni wala ngang nakakaalam ang tungkol sa sekswalidad ko maliban sa akin.
Natawa si Gale. Palagay ko'y nanliliit na ako ngayon sa harapan ng mga ito lalo na kay Aarin. Nakakahiya.
Bigla akong sinakal ni Gale at inawat ito ni Aarin.
"Ano ba Gale! Tama na!"
"Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa iyong hayop ka. Huwag lang talaga kitang makitang pakalat kalat sa daan. Papatayin kita!"
"Let go Gale!" Si Aarin.
Pinakawalan ako ni Gale at pinangapusan talaga ako ng hininga. Hindi ko rin mapigilang hindi mapaubo.
Umalis na si Gale at ang apat pang kasamahan nito samantalang si Aarin ay nakatingin sa akin ngayon. Iyong dating tingin nito sa akin bilang isang kaibigan ay may nagbago. Kitang kita ko iyon sa mga mata nito.
"Is that true Raegan? You're-"
"Bisexual ako Aarin." Kahit mahirap ay kailangan kong umamin. Napasubo na pero ayaw kong mas lalo pang bumaba ang tingin nito sa akin. "Pero hindi kita gusto." Mahirap magsinungaling pero iyon na lang ang nakikita kong paraan upang maisalba ang dignidad ko kahit papaano.
Iyong puso ko ay parang piniga ng makita ang mapait na ngiti ni Aarin sa akin. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin non kahit hindi na nito sabihin. I could clearly see na ayaw nito sa mga katulad ko.
Naiwan ako doon na mag-isa pagkatapos umalis ni Aarin na walang salita. Napakuyom na lang ako sa aking kamao dahil sa sama ng loob. Hindi ko ginusto ang pakiramdam na ganito. Hindi ko ito pinili. Pinanganak na akong ganito pero naniniwala akong hindi iyon ang kabawasan sa pagkatao ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero halos takbuhin ko na ang hallway ng marinig ang bell. Masyado akong nag-isip ng mga bagay kaya hindi ko na namalayan pang male-late na ako sa aking klase.
Pagdating sa aming silid ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa ang professor naming si Mrs. Menandres.
"Dyke!"
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad upang maupo sa gilid pero pagdating sa gitna ay napatigil ako ng tumama ang binatong itlog sa akin. Kitang kita ko ng umagos ang malapot at malansang itlog pababa sa aking suot na hoodie. Napahinga ako ng malalim upang kontrolin ang aking sarili. I can fight pero iniiwasan kong makasakit at mapasuong sa gulo.
Biglang natahimik ang lahat at parang naging maamong tupa.
"Get out."
Bumilis ang tibok ng puso ko pagkatapos marinig iyon. Hindi pamilyar ang boses nito but there's something in it. Kasunod niyon ay naamoy ko ang pabango nitong nanuot sa aking ilong.
Nakatalikod ako rito kaya hindi ko pa ito nakikita. Narinig ko ang mga yabag nito papasok gawa ng tunog ng takong nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.
"You young disrespectful man with a blue shirt. Get out."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay ako na ang pinapaalis nito. Wala naman akong ginawang masama. Pinagpatuloy kong maglakad saka naupo sa aking upuan at bumaling ng pansin sa harapan.
Muntikan na akong mahulog sa aking upuan ng makita ang diyosang nasa harapan ko. Diyosa dahil kulang ang salitang maganda para dito. And who is she?
As if on cue. Pagkalabas ni Greg ay sinara nito ang pinto.
"I am professor Braganza and I will be teaching you starting today. Mrs. Menandres resigned and whatever the reason is, It's not my business. Now," She pause at pinagala ang paningin nito sa aming lahat. She's smoking hot. "I want you to pay attention. I don't like anyone being a bully like what happened earlier. I don't tolerate bad behavior so don't mess with me or else you're free to go. I can just fail you or simply drop this subject."
Walang nakaimik sa amin. Ito ang klase ng babaeng hindi maiisahan o mauuto. Simple lang ito pero ang lakas ng dating. She's way too hot para sa isang guro. She's more like a lawyer and a model together. She had this authoritative dark aura.
She screams power.
"Understand?"
"Yes professor."
Tumingin ito sa akin at parang nanunuot ang titig nito.
"You can take off your hoodie. I don't teach in my class with someone who got dirt on their clothes."
Mabilis kong tinanggal ang hoodie ko. Nakasuot lang ako ng itim na fitted shirt kaya alam kong bakat ang katawan kong nagpapakita sa korte ko. Inayos din ng mga kaklase ko ang sarili ng mga ito.
This woman in front is so strict. Mabuti na lang at maganda. Ayos lang itong magsungit at magtaray at least nakakaganda ito ng araw.
"Now let's proceed to introduction. Shall we?"
Nakataas ang isang kilay nitong nakatingin sa akin. Ako ba ang mauuna? Mainit yata ang dugo nito sa akin pero hindi naman ako ang nagsimula ng gulo kanina.
Shit naman.
BINABASA MO ANG
Inflicted _Book 3 (Completed)
Ficção GeralRaegan Reese Abramowicz and Amelia Vana Braganza