Amelia Vana
"What do you think you're doing Riri? You're not going to k*ll those guys because there's no way I can defend you on the court with that."
Napaiyak si Raegan sa kamay nito. "They k*lled my parents Carlei. They should die too!"
Lumipat si Carlei sa tabi nito at hinawakan ang magkabilaang balikat nito.
"Riri hindi ka mamamatay tao ok? Galit ka lang. Kapag pinatay mo sila wala ka na ring pinagkaiba sa kanila. You're better than that. At least nakaganti ka na at alam na natin kung sino ang nagpapatay sa mga magulang mo. Makakapaghabol na tayo. Diba hustisya naman ang gusto mo? So forget about k*lling them." Niyakap nito si Raegan saka hinaplos ang likuran nito.
Napasapo naman si Cara sa noo nito na parang nanakit bigla. She looked stressed habang ako? Heto at walang masabi. Parang bigla ay naging magulo ang lahat sa bilis ng mga pangyayari. Nagpunta lang ako rito para dumalaw and then nagkaaminan kami ni Raegan tapos ngayon heto at kamuntikan na itong makapatay.
"Let's go upstairs. Kailangan mong maligo Riri." Inakay ito ni Carlei sa kwarto nito.
"I'm sorry Amelia." Mahinang wika ni Cara sa akin. "Hindi ko lang inaasahan na ganun ang mangyayari. Mabait si Riri pero tinulak siya ng kanyang poot. Alam kong hindi pa nakakalaya ang puso niya sa sakit ng nakaraan hanggat hindi niya nakukuha ang hustisya para sa mga magulang niya."
"Ayos lang Cara. Naiintindihan ko si Raegan dahil hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. Malay mo pagkatapos nito. Babalik sa dating normal ang buhay niya, walang kinikimkim na galit sa puso at kahit malungkot ang nakaraan niya. May rason siya para bumangon at ipagpatuloy ang kanyang buhay. Hindi man ganun kasaya dahil wala na ang mga magulang niya. At least nandiyan kayo palagi na kokompleto sa kanya at magkaroon ng rason para ngumiti ulit." Alam kong kahit ako ay nalulungkot ngayon dahil sa nangyari. Mabigat sa dibdib ko, nasasaktan ako para sa taong mahal ko.
Hinawakan ni Cara ang aking kamay bago nito pisilin ng marahan. Napatingin ako dito bago sa mukha nitong bahagyang nakangiti.
"Amelia magkaibigan tayo. I know Riri loves you. I don't know what you feel towards her-"
"I love her too." There's no denying. "But I'm scared because this is all new to me. Alam mo iyan Cara plus I am worried about my reputation. She's my student and I'm her Professor."
Napatango ito. "Ever heard that love can conquer all?"
"Oo pero-"
"Amelia." Cara cut me off. "If you love someone. Show them, fight for it dahil hindi lahat ng tamang tao ay dumarating sa tamang panahon. Ikaw na ang nagsabing mahal mo si Riri. She could be that right person for you sa maling panahon na ito. Minsan kailangan mong magtiwala sa taong iyon at sa nararamdaman mo."
Napayuko ako sa sinabi nito. "You know I'm straight Cara-"
"Not anymore."
Nag-angat ako ng tingin rito. "What if they find out? Matatanggal ako sa eskwela and they will call me a pedophile."
"Why Amelia? What is wrong with the truth? All you have to do is be true to your self. Makakapaghintay naman si Riri. She's not rushing you Amelia dahil alam ni Riri ang sitwasyon niyong dalawa. Saka alam kong ayaw ni Riri na mangyari ang isang bagay na maglalagay sayo sa alanganin. At kahit anong mangyari, desisyon mo pa rin sa huli ang masusunod." Napaayos ito ng upo bago dumiretso ng tingin sa akin. "Nililigawan ka pa lang ni Riri diba?"
Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko sa tanong nito kaya natawa ito sa akin.
"Aalis na ako Cara. Hindi na ako magpapaalam kay Raegan at Carlei. You take care of her."
Tumango ito bago tumayo at sumunod sa akin ng palabas na ako ng bahay.
"Salamat Amelia. Drive safe! Itext mo ako kapag nasa bahay ka na para alam ko."
Kumaway ako dito bago sumakay sa aking sasakyan at mabilis na umalis doon.
*****
That was my last encounter with the Dela Questa's at kay Raegan. Pagkatapos kasi non ay hindi na pumasok pa si Raegan sa eskwela. She dropped in school at kahit nalulungkot ako ay wala akong magawa.
I had tried to visit Raegan pero wala na ito sa bahay ni Carlei. Wala rin si Cara at ganun din si Carlei. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mga ito. Hindi na rin kasi nagtetext si Cara sa akin kahit si Raegan at kung sinusubukan ko namang tawagan ang mga ito ay bigla na lang namamatay. Nagpalit ang mga ito ng numero.
Ako na talaga ang nag-inarte noon pero natakot lang ako. Naging duwag and now I'm paying the consequences of my action. Aaminin kong nangungulila ako kay Raegan. I go to school na ito ang laman ng aking isipan idagdag pang nalulungkot ako kapag napapatingin sa dating pwesto nito. Hindi ko rin mapigilang hindi masaktan.
Ang huling text ni Cara sa akin ay ng ibalita nitong nanalo si Raegan sa kaso at nakulong lahat ng dapat managot. And again, nag-undergo si Raegan para sa treatment. Natuwa pa ako noon pero ang tuwang iyon ay napalitan ng lungkot ng bigla na lang itong hindi magparamdam.
And that was a couple of months ago. Malapit ng matapos ang aming school year. Matatapos na rin sana si Raegan ngayon pero missing in action na ito.
I'm just hoping na sana ay ok ito kung nasaan man ngayon.
Napahilot ako sa aking sentido bago tumingin sa screen ng aking laptop. Tumunog ang doorbell at natatamad naman akong tumayo saka tinungo ang pintuan. Tinignan ko ang peephole at ganun na lang kabilis ang tibok ng puso ko. Nagmamadali kong binuksan ang aking pintuan.
"Ma'am-"
"Kuya sinong nagbigay sayo? Delivery boy ba?" Mabilis kong kinuha ang bulaklak na hawak nito saka agad binuklat ang card doon.
"Hindi po Ma'am. Iyong babaeng maganda at halos magkasintangkad po kayo pero mukhang mas bata."
I missed you.
RA-"Sh*t! Nakaalis na po ba Kuya?" Iyong puso ko ay sobrang lakas ng tibok. Kinakabahan ako.
Napakamot ito sa ulo. "E opo yata Ma'am kasi pagkabigay po. Agad akong nagpunta rito kaya hindi ko na alam."
"Kuya naman!" Naiinis kong sabi rito. "Sige Kuya salamat." Masungit akong tumalikod rito bago isinara ang pinto saka ko pa lang sinamyo ang bulaklak.
Para naman akong nakonsensya sa gwardiyang naghatid ng bulaklak kaya agad din akong bumalik para lumabas.
"Kuya." Tawag ko sa gwardya na hindi pa nakakalayo. Bumalik naman ito.
"Ma'am?"
"Heto po. Pang-meryenda niyo." Sabay abot ko dito ng pera.
"Salamat po Ma'am."
"Basta Kuya kapag bumalik ang magandang iyon para magbigay ng bulaklak. Huwag mo pong hahayaang umalis. Posasan mo kaagad Kuya."
"Ma'am ano pong violation?"
"Pagnanakaw ng puso!" Iyong kasungitan ko ay bumalik at walang lingon likod na tinalikuran ito deretso papasok ng aking bahay.
Nakakaasar ka Raegan!
Hindi man lang kasi ito nagpakita sa akin. Handa naman na akong magresign sa aking trabaho at magpatayo na lang ng kaunting negosyo para makasama ito. Masaya na ako doon. Bahala ng mahighblood ang mga magulang ko sa aking piniling buhay kung hindi matatanggap ng mga ito si Raegan. Buhay ko naman at si Raegan naman iyon. Dito ako sasaya at naniniwala akong lahat ay malalampasan naming magkasama.
"Malapit na akong mabaliw!"
BINABASA MO ANG
Inflicted _Book 3 (Completed)
General FictionRaegan Reese Abramowicz and Amelia Vana Braganza