Amelia Vana
Panakanaka akong kumakain ngayon habang nakatingin kay Raegan na tulala lang. May lagnat pa rin ito pero hindi na kasing taas katulad kaninang umaga. Dinalhan ko kasi ito ng pagkain sa kwarto nito pero hanggang ngayon ay hindi pa nito ginagalaw. Alam ko dahil tanaw na tanaw ko ito mula sa kitchen habang nakabukas ang pintuan ng guestroom.
Simula ng magising ito ay tahimik na lang, ibang iba sa Raegan na nakilala ko dati sa eskwela. This is the real Raegan outside the school. Sigurado akong hindi nito alam ang pinagsasabi kaninang umaga dahil alam kong dala iyon ng pagdedeliryo nito.
And even if she was hallucinating. I am sure she's telling the truth and that thing did really happened.
"Those men k*lled my parents."
Para akong nai-stressed ng umalingawngaw iyon sa aking isipan. Hindi ko makakalimutan ang pag-uusap namin kaninang madaling araw.
"They left me again right?"
"Why Raegan? What happened to them?"
Mas lalong bumuhos ang luha nito at sa nakikita ko ngayon ay sobra itong nasasaktan. Hindi ko alam na ganito pala ang saloobin nito. Akala ko kasi kapag nakikita ko ito ay parang ok lang ang lahat pero kabaliktaran pala.
Behind those smile and naughty gestures. She's in distress at hindi iyon maipagkakaila sa magaganda nitong mga mata. She's in too much pain na kahit pati ako ay apektado ngayon.
"They k*lled them. Those men did." Paulit ulit lang na wika nito. Para itong isang batang pinagkaitan ng pagmamahal at labis na nangungulila.
Hinawakan ko ang mukha nito at pinunasan ang mga luha sa pisngi.
"I'm here." Alo ko rito. "You're not alone."
Yumakap ito sa akin at kahit nabigla ako ay hinayaan ko ito. Wala ito sa sariling katawan at pag-iisip. Hinaplos ko ang likuran nito.
"Don't leave me. I need Cara and Carlei. I need Nanay Wanda and Wilham. Now, I need you. Please save me."
Hindi ko na naiintindihan pa ang pinagsasabi nito. Kailangan nitong kumalma lalo na't nanginginig ito.
"Nilalamig ka ba? Tell me Raegan." Umiling lang ito.
"I just want them back. I need them. Why did they left me."
"Tell me what happened to them so I can understand it." Patuloy pa rin ako sa paghaplos sa likuran nito.
Kumalas ito ng yakap sa akin saka dahan dahang tumayo. Tinulongan ko naman itong makatayo saka inalalayang makaupo sa gilid ng kama. Tulala ito ngayon habang nakatitig sa kawalan. Sinapo ko ang noo nito at ang init pa rin talaga.
"Those men, they took everything that I have. My parents were my everything."
Mas nakakatakot pala ang isang tao kapag walang pinapakitang emosyon kagaya ni Raegan ngayon. It's so not her. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon.
Naupo ako sa tabi nito habang ito'y nakatingin pa rin sa kawalan. In Raegan's world right now, I don't exist.
"They k*lled them in front of me."
Nagulat ako dahil sa sinabi nito. I am speechless. Her parents were k*lled in front of her? Theres nothing more painful than to witnessed your loved ones dying before your eyes pero paano pa kaya kung kailan napapanood mo sila habang pinapatay ng iba?
It was traumatizing.
"And I was only seven at that time. I saw how my Dad suffered while those men keeps on k*cking and p*nching him. They did the same to my Mom. She was even r*ped not only in front of me but also in front of my Dad. Do you know how painful is that? And when they're done."
Napalunok ako at hindi pa rin makapagsalita dahil sa isiniwalat nito. Mas masaklap pa pala. Hindi ko alam na ganun kasalimuot ang nakaraan nito.
"They shoot them multiple times, merciless."
Dahan dahan itong nahiga sa kama bago nagpikit ng mga mata. Hindi ako nag-aksaya ng oras ng makatulog ito kaagad. Tumayo ako at kumuha ng bimpo saka iyon binasa sa banyo at piniga. Pagbalik ay agad ko itong inilagay sa noo nito. Kinuha ko ang first aid kit at nilinisan ang sugat nito saka pinalitan ng panibagong bandage. Nagdugo ito dahil sa pwersahang paggalaw nito kanina kaya dapat ay nasa kama lang ito.
Parang may humaplos sa aking puso ng matitigan ang mukha nito. Hindi ko lubos maisip na ang isang kagaya nito ay may masaklap na nakaraan. Inipit ko ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa mukha nito. Para sa akin, Raegan Reese's a beautiful mistery.
Napabuntong hininga na lang ako. Para akong maloloka ngayon dahil sa nalaman. Hindi ko maisip kung sa akin iyon nangyari na huwag rin naman sana. Mababaliw ako.
Naputol ang aking pag-iisip ng mapatingin ako kay Raegan na tahimik pa rin sa kwarto at nakatulala habang nakahiga. Maganda ito at matalino pero nakaka-stress ang batang ito.
Mabilis ko ng tinapos ang pagkain saka ako nagligpit at pumasok sa kwarto nito. Tumikhim ako saglit para kunin ang atensyon nito at sa wakas ay lumingon naman ito sa akin.
She looked.. sick.
Namumungay ang mga mata nitong bahagyang namumula pati na rin ang tungki ng ilong nito at mga pisngi. She's sick yet she's adorable. Naipilig ko ang aking ulo dahil sa naisip. Seriously, I'm old enough to control my self. Kung noon e hindi ako naghaharot. Bakit ngayon kung kelan tumanda na ako ay saka pa nagiging marupok? Ayaw ko namang isiping pinagnanasahan ko ang aking estudyante at mas lalong hindi ako isang ladlad. Bakit kasi kailangang magkrus ang landas namin ni Raegan.
"Kailangan mo ng kumain Raegan because you need to drink your medicines."
"I am not hungry Professor. Wala po akong gana. I just wanna go home." Napabuntong hininga ito bago kinuha ang cellphone at may idinial. "Hello-"
Hinablot ko ang cellphone nito saka pinatay.
"I didn't leave school today just for nothing." Naiinis ako. I wanted to be the reason for her to get better. Malapit na rin yata akong mabaliw sa kakaisip rito idagdag pang nagpapagulo sa akin ang sitwasyon nito.
"Eat please." I never beg anyone yet I am here pleading her. "Then you can go home."
Kung kaibigan nito ang tinawagan nito para mag-asikaso rito. Hindi ako papayag dahil alam kong anti social ito. Iisa lang ang palaging nakikita kong nakakasama nito sa eskwela at parang hindi pa nito iyon nakakasama sa klase.
Ngumiti ito sa akin at halatang nagpapa-cute. Bakit parang ang bilis nitong magbago ng mood?
"Salamat Ma'am sweetheart. Kaya mas lalo akong naiinlove sayo e."
Nalintikan na!
Kung wala lang sakit ang isang ito ay nabatukan ko na.
Lantaran talaga? Iyong dibdib ko sobra ang kabog.
"Ang swerte ko sayo Amelia."
What?
BINABASA MO ANG
Inflicted _Book 3 (Completed)
Ficción GeneralRaegan Reese Abramowicz and Amelia Vana Braganza