Chapter 25

5.8K 241 5
                                    

Raegan Reese

Napailing ito sa akin. "I do love you but I'm sorry Raegan. We can't."

Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi nito. Hinayaan ko itong makaalis habang ako ay nakatulala. Bakit ganun? Mahal ako nito pero hindi kami pwede? Nasaan naman ang hustisya para sa puso ko.

Kung ang inaalala nito ay ang sitwasyon namin bilang guro at estudyante ay pwede naman namin itong ilihim. Malapit na rin naman akong makatapos sa pag-aaral but why do we need to suffer kung kaya naman naming itago.

Naupo si Cara sa lounge at tinitigan nito ang tubig sa pool.

"Now I know kung bakit inspired kang pumasok sa eskwela para mag-aral."

"Ang sabi niya mahal rin niya ako pero tinanggihan ako. Siguro dahil sa sitwasyon namin."

"Give her some time Riri. I know Amelia. Sobrang pokus niya sa trabaho na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. Hindi lingid sa aming naghihintay siya ng tamang tao sa tamang panahon dahil hindi siya iyong babaeng nakikipag-fling lang. Kung magko-commit man siya ay sa taong mahal niya. Never pa iyon nainlove kaya lahat ng ito ay bago sa kanya lalo na't ang buong akala non ay straight siya. Just understand her, hindi madali lalo na't hindi niya inaasahang magkakagusto at magmamahal siya ng babae lalo na sayo na estudyante pa niya." Mahabang paliwanag nito.

Hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko at hindi madaling tanggapin ang pagkaka-reject ko rito. Naiintindihan ko naman pero hindi ko lang inaasahang ganito pala kasakit ang mabigo.

Napabuntong hininga na lang ako. Tinitigan ako ni Cara.

"When did you start loving her?"

"Not sure. Couple of months I guess." Amin ko rito.

Tumango naman ito. "Naniniwala ka ba sa kasabihang kung kayo sa huli. Kahit anong mangyari ngayon, in the end. Kayo pa rin talaga?"

Natawa ako rito ng pagak. "I'd like to believe that pero malabo yata. Nangyayari oo pero iilan lang. Hindi lahat ng tao ay martyr Cara because if we get hurt by that someone, we intend to stay away from that person. Everybody deserve to love and be love in return pero hindi lahat ay masaya ang kinahahantungan sa huli."

Kung siguro katulad ng pagmamahalan ng aking mga magulang ay pwede pa. They had loved each other until the end. Kailangan ko ng kumilos sa ngayon para sa hustisya ng mga ito pero may hinihintay pa ako.

Siguro iyon muna ang uunahin kong lutasin sa ngayon bago si Miss Braganza. Ayaw ko itong madamay sa gulo ng buhay ko. Palagay ko ay magaling magtago ang taong may gawa non sa pamilya ko. Mga tauhan lang nito ang gumagalaw at iyon ang gusto kong malaman kung sino ang nag-uutos sa mga ito.

I'm waiting for Chak these couple of days pero wala itong paramdam sa akin. Alam kong ito ang magiging susi sa masalimuot kong nakaraan.

It's been fourteen years kaya kailangan ko ng singilin ang inutang ng mga itong buhay sa akin.

"Riri?" Tawag pansin sa akin ni Cara at wala sa loob na napatingin ako rito. "Your phone's ringing."

Nagulat pa ako sa sinabi nito at parang nahimasmasang bumalik sa reyalidad. Mabilis ko itong sinagot ng makitang si Chak.

"Anong balita?" Tanong ko rito.

Iyong mga mata ni Cara ay nagtatanong sa akin. Cara and Carlei doesn't need to know about anything kaya ako kumikilos sa likuran ng mga ito. Ayaw ko ng may masaktan pang iba.

Lumayo ako kay Cara.

"Kailangan nating magkita Ma'am."

Chak Dizon, the private investigator na inutosan kong kumalap ng impormasyon kung sino ang mga nasa likuran ng pagkamatay ng aking mga magulang.

Pagkatapos nitong sabihin kung saan kami nito magkikita ay mabilis akong sumakay ng sasakyan. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ni Cara sa akin.

Mabilis ko itong pinaharurot at nagtungo sa sinasabi nitong lugar. Ilang sandali pa'y nakarating ako sa isang abandonadong gusali. Basta na lang ako nag-park sa may tabi at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Nagulat ako ng hindi lang si Chak ang nandito. May tatlo pang kalalakihan na nakaporma. Mukhang mababait naman ang mga ito at hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba.

"Ma'am." Kinamayan ako ni Chak. "Mga kaibigan ko sila at kasamahan sa trabaho. Sila ang tumulong sa akin para mas mapadali ang paghahanap sa mga taong gusto mong makita."

Walang kaso sa akin tungkol sa bayad sa serbisyo ng mga ito matapos lang ang aking problema. Magaling nga ang ginawa nito dahil mas napabilis nito ang trabaho.

"Salamat. May nalaman ba kayo?"

"Tara sa loob Ma'am." Anyaya ni Chak sa akin.

Sumama naman ako sa mga ito. Pagkapasok sa loob ay tatlong lalaki agad ang bumungad sa akin. Nakatayo ang mga ito, nakapantalon pero walang pang-itaas na damit. Nakatali ang mga kamay sa tubo sa may ulohan at nakakadena ang mga paa. Nagmistulang mga presong pinapahirapan.

"Huwag niyo kaming papatayin! Ginawa naman namin lahat ng inutos ni boss!" Sigaw ng isang nasa fourty's pa lang yata.

Kitang kita ko ang tattoo sa gilid ng leeg ng mga ito. Iyon ang sinabi ko noon kay Chak na palatandaan ko sa mga taong may atraso sa akin. Tignan mo nga naman, gusto ko lang malaman kung sino ang nasa likuran ng pagkamatay ng mga magulang ko ngayon pero hindi ko inaasahang dadalhan ako ni Chak at ng mga kaibigan nito ng pasalubong.

Naging pula ang paningin ko sa mga ito at sa aking paligid. Iyong mga kamay ko ay nagsimulang manginig sa pinaghalong poot at pagkasuklam.

Sa aking tabi ay may lamesa kung saan may mga nakalapag dito na mga p*talim. Iba't iba ang haba at kurba. May latigo rin, may baseball bat. May kadena at kung ano anu pa.

Lumapit ako rito at nanginginig ang kamay na kinuha ang isang hindi kalakihang p*talim pero alam kong sobrang talas base sa itsura nito. Lahat naman sa tingin ko ay matalas pero magsisimula ako sa maliit hanggang sa malaki. Ipaparanas ko ang lahat ng sakit na dinanas ko.

Parang sa isang kisap mata lang ay bumalik sa aking alaala ang mga nangyari noon sa mga magulang ko ng bumaling ako sa mga ito ng tingin at marinig ang mga itong nagmamakaawa sa akin pero nagmistula akong manhid at bingi sa sakit.

Naririnig ko pa ang pagmamakaawa ng mga magulang ko lalo na ang mga sigaw at palahaw ni Mommy sa pagpapahirap ng mga ito noon. Begging for them to stop but they never listen to her.

"Huwag! Maawa kayo sa amin! Bakit niyo ginagawa ang bagay na ito? Hindi kami kailan man naging traydor sa grupo lalo na kay boss!" Sigaw naman ng isa.

Akala ba ng mga ito ay dinidispatsa na sila ng sariling amo ng mga ito? Masaya kung ganun. Siguradong kakanta ang mga ito and I'm so thirsty to hear the truth and reveal whose behind all these things.

Lumapit ako sa lalaking nasa gilid at walang pasubaling h*niwa ko ng dahan dahan ang kanang pisngi nito.

"Itatatak ko sayo ang ginawa mong marka sa puso ko."

I can hear him shouting while pleading pero naging bingi ako habang nag-uunahang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Umiiyak ako dahil sa sobrang galit.

Sa araw na ito. Maniningil ako.

Inflicted _Book 3 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon