Chapter 4

32 18 1
                                    

Chapter 4

Maaga akong nakapunta sa usapan namin nila Trixie. Buti nalang sinabihan niya sila Vien at Dane dahil nakalimutan ko. Nasa labas ako ngayon ng SM, medyo madilim pa dahil 5:30 palang ng umaga. Ilang minutes bago sila dumating.

"Buti naman maaga kayong pumunta ngayon"

"Oo naman! Mamaya nagtatakbuhan na kayo ako nasa jeep palang!" sagot ni Vien.

Naka-PE uniform kami dahil yun ang sinabi sa amin. Nilagay na din namin ang number namin sa bandang tiyan. Wala kaming dalang sling bag dahil mabigat. Nasa bulsa lang namin ang phone, panyo at wallet namin. Pare-pareho kaming nakalugay ang buhok, malamig pa kaya mamaya nalang kami magtatali.

"Let's go! Baka mahuli na tayo. Bilisan na natin maglakad" yaya ko sa kanila.

Sa first gate na kami dumaan papuntang Ayala. Sa likod ng Ayala ang umpisa. Marami din kaming kasabayan na taga iba't ibang school. Sobrang daming tao sa labas, may mga kasali din na athlete talaga, parang college ang iba dito. Nahanap namin kaagad ang mga ka-school namin pero nahirapan kaming hanapin ang mga kaklase namin.

"Ayun sila oh!" nakatingkayad si Vien habang tinutura ang mga kaklase namin. "Tara na!"

"Oh mag-attendance na kayo dito" inabot ng secretary kay Dane ang attendance sheet para ilista ang name at pumirma.

"Sulat mo na name nating tatlo" sabi ko kay Dane. Pinirmahan nalang namin yon saka sinauli sa secretary.

"Ay may pa-attendance? Daming alam. Wait niyo ako dito ha" pinuntahan ni Trix sa likod ang mga kaklase niya dahil mag-aattendance muna siya.

Kinalabit ako ni Trix sa kaliwang gilid ko. Katabi na pala namin sila. Pinatalikod niya ako at ginawang patungan ang likod ko para magsulat.

"Wag kang malikot" umirap ako at hinintay nalang siya matapos. "Okay na, thanks"

"Okay. Punta na po kayo sa starting line" sabi ng announcer sa stage. "Wala po sanang magsh-shortcut at mag ingat po sa pagtakbo. We have water station kung saan pwede kayong uminom. Please, wag po tayong magtutulakan"

"Ang tagal naman mag-start. Ang dami pang sinasabi!" reklamo ni Vien.

Nilibot ko ang mata, mas lalong dumadami ang students dito habang tumatagal. Ang ibang school ay naka-PE uniform din at ang iba ay naka civilian lang. Napatingin ako sa kaliwa ko, nakita ko si Zane na binatukan ang kasama niya. Bigla naman sumulpot sa likod niya si Zed, umiwas na ako ng tingin baka lapitan na naman ako ng pinsan kong mokong.

"Okay get ready!"

"Oh ayan na!" sigaw ng iba.

"In 3.. 2.. 1.. Go!" nagpaputok sila ng isang putok ng baril. Nagsimula na kaming tumakbo.

"Kuya yung bata!" rinig ko na sigaw ni Sherwin habang tumatakbo kami paalis ng Ayala. Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya.

Iikutin daw namin ang SBMA. Napagod kaagad ako kaya binagalan ko ng kaunti ang pagtakbo ko. Nasa likod ko sila Trix at Dane, nauuna naman si Vien sa amin.

"Bilisan niyo! Bagal niyo" sabi ko sa kanila.

Nasa right side kami ng kalsada. Walang dumadaan na sasakyan at may nakabantay na mga pulis. Hingal na hingal na agad kami hindi pa kami nakakaliko. Lumiko kami sa abandonadong hotel at dumiretso na. Nakita ko sa right side ko kung saan may kalsada sa kabila na dadaanan din namin, may tumatakbo na din doon pero mga athlete palang ang nakakaabot doon.

"Grabe! Ang bilis naman nila!" sabi ni Trixie. "Wait! lakad muna tayo!"

Naglakad muna kami pero mabilis na lakad. May mga huminto din sa pagtakbo sa harapan namin at naglakad lang din muna.

Once Upon a Time in City (Gapo Series #1) [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon