Chapter 5

12 1 0
                                    

Chapter 5

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" nagpalakpakan kami after namin kantahan si Mamita. Nakapabilog kami sa pahaba nilang lamesa.

"Make a wish!" sabi ng mga kaibigan nila Mamita. Pumikit muna siya ng ilang seconds saka hinipan ang apoy sa kandila.

"Yey! Kainan na!" sigawan nila."Kumuha na kayo ng pagkain niyo diyan. Wag na kayo mahiya ha" sabi ni Mamita sa aming teenagers.

After namin kumuha ng onting pagkain, may pagkain pa kasi kami sa labas kaya di namin dinamihan ang kuha. Nauna nang bumalik sa labas mga kaibigan ni Zed at hinintay niya pa ako para yayain ulit sa labas. Tahimik lang akong kumakain. Minsan ay nakikitawa ako dahil sa mga kinekwento nila tungkol sa nangyayari sa kanila sa school. Habang tumatagal nagiging komportable ako sa kanila. Nakikita kong nilulugar nila ang usapan nila dahil kasama nila ako. Dumidilim na, kaya inopen na ni Zed ang party lights sa ilalim ng terrace nila pati ilaw sa isang swimming pool nila na sakto lang ang laki.

"Sarap magpa-party dito sa inyo Zed. Pool party" si Zane. "Oo nga eh. Balak ko pa naman mag pool party dito sa birthday ko" sabi niya.

"Para kang babae no" si Xzy habang kumakain.

"At bakit naman? Babae lang ba pwedeng magpa-pool party ha?"

"Hindi naman, para ka lang talagang babae"

"Sabihin mo lang Xzy kung gusto mo 'ko di naman kita lalayuan"

"Alam mo? Tangina mo"

Napansin kong kanina pa hindi lumilingon sa akin si Zane or kinakausap dahil siguro di naman talaga kami close or hindi siya lang talaga madaldal. Minsan naman kinakausap ako ni Eli at ni Zed dahil kung hindi, mapapanis lang laway ko dito.Medyo na-bobored ako kay kinuha ko nalang muna phone ko sa bag habang nag-uusap sila. Sunod sunod nag-notif sa akin ang mga chat nila Vien sa group chat.

"@Ella Cutie hatdog pakigalaw ang baso kung nababasa mo ito" - Vien

"Okay ka pa diyan? Siguro may pogi kaya busy" - Dane

"Ella hanapan mo nga ako" - Trixie

"Mga siraulo. Sila Eli lang nandito wala nang iba, buti kung sana si Zed ang may birthday" -ako.

"Huy magkibuan naman kayo diyan ni Ella, Zane!" nagulat ako nang marinig ko pangalan ko kay Eli. Napatingin ako sa kanya.

"Oo nga. Bakit di mo kinakausap si Ella?" si Xzy.

"Ha? Wala naman akong sasabihin" diretsong sabi ni Zane. Tama nga naman siya and we're not close naman.

"Sus!" "Pakealam niyo ba, hayaan niyo si Zane kung ayaw pang mag first move" humalakhak si Zed habang humahampas sa mesa. Kumunot noo ko at binalewala nalang pang-aasar nila kay Zane. Hindi ko alam mga nagiging reaction niya dahil di ko siya tinitignan kahit katabi ko lang siya.

"Joke lang baka maniwala si Ella eh"Naging mabilis ang oras, before midnight nakauwi na kami nila mama.

Maaga pa akong aalis bukas dahil last practice na namin ng Zumba. Onting tiis nalang, wala na kaming gagawin after ng sayaw na'to. Sportsfest na namin. Ang bilis lang ng weekend na ito, Monday na naman agad. Ramdam ko na agad yung pagod. Tulad ng nakasanayan late na kami nakapagsimula ng practice dahil late kami nagpunta sa Marikit. Pagod maghapon kaya maaga akong nakatulog. Buti nalang sa tuesday na itong performance na namin para matapos na 'tong kaartehan na 'to.

"Magpapalit ka na Ella? Sabay na ako sayo" si Vien. "Buti pa yung kabilang section tapos na sila kahapon pa"Kinuha ko paper bag ko na may laman na damit at sapatos ko para sa Zumba. Recess na namin ngayon, maraming tao sa cr kaya kailangan namin magmadali.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon a Time in City (Gapo Series #1) [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon