Chapter 2

29 21 4
                                    

Chapter 2

"Guys after exam may zumba tayong performance sa Mapeh" sabi ng leader namin.

"Next week Saturday ng umaga tayo magp-practice madali lang yon kasi 2 minutes naman ang minimum na sinabi ni ma'am"

"Feel ko male-late ako non" sabat ni Michael na katabi ko.

"Bawal ang ma-late! 8 am tayo magkita-kita and for sure ang iba diyan 9 am pupunta sa Marikit" seryosong sabi ng leader namin, si Heart. "Oh sige na mag-recess na kayo, Michael yung speaker ha wag mo kalimutan"

"Sige boss"

"Ella mamaya tabi ka sakin sa Filipino ha? Si Kristine naman ang magrereport mamaya eh" nakayakap si Vien sa braso ko habang palabas kami ng room.

"Sige"

"Ella!" tawag sakin ni Trixie na nasa bintana ng room nila. "May sasalihan ka sa sportfest?"

"Di ko pa alam eh saka nalang pag nag announce na sila ng mga ganap doon" sabi ko. "By the way, nagrecess ka na?"

"Oo, masarap yung palabok doon sa Food Court try mo! Wait pala sama nalang ako sa inyo" pinuntahan niya ang bag niya at kinuha ang wallet.

"Nasan nga pala si Dane? Nawala agad yon ah" tanong ko.

"Di ko din siya napansin na lumabas ng room eh baka nauna na sa Food Court yon" nakadungaw pa din kami sa bintana ng room nila Trixie habang nag uusap.

"Ang daming boys sa kanila no? sa atin sampo na nga lang yung iba di pa sure kung lalaki talaga" bulong ko kay Vien na nakasilip din sa bintana.

"So true" sagot niya.

"Huy tara na! Ba't kayo nakasilip diyan? May bet ba kayo sa mga kaklase ko?" hinatak niya kami pareho at pumagitna siya sa amin.

"Si Vien may bet sa inyo" pang-aasar ko.

"Hoy! Imbento ka masyado diyan!"

"Sus! Wag kayo magkagusto sa mga kaklase ko mga siraulo yung iba doon"

"Sorry nasa STE bet ko" ngisi ko.

"Hope!" napalingon ako sa likod namin, nakita ko ang pinsan kong siraulo. Bigla niya akong niyakap nang makalapit siya sa akin. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Bakit ka nandito?"

"Awts! Ayaw mo ba ako makita insan?" may pahawak pa siya sa dibdib na parang nasaktan.

"Parang ganon na nga" tinaasan ko siya ng isang kilay and he pouted.

Sa lahat ng pinsan ko, siya ang pinaka-close ko. Bata palang ako madalas na ako sa bahay nila at nakakalaro ko din siya. Ang ibang pinsan kasi namin nasa probinsya. Magkaiba kaming school noong elementary kami pero kahit ganoon, close pa din kami and magka-batch din kami. Mas matanda nga lang siya ng isang taon sa akin.

"Pinuntahan ko si Eli dito baka kasi ma-rape eh" inakbayan niya ito at tinanggal naman agad ni Eli.

"Gago!"

"Libre mo nga ako insan!"

"Asa! Wala akong pera! Magpalibre ka diyan sa tropa mo" sabi ko saka tinalikuran ko siya.

"Ay ekis muna wala akong pera" sagot ni Louie na isang kaibigan niya.

"Ako din eh, gipit ako! Naubos pera ko diyan sa pinsan mo Ella" sagot ni Eli.

"Hoy tanga! Kala mo naman talaga nililibre ako! Ang kuripot mo ngang gago ka!" sigaw ni Zed. "Dali na insan para ka namang others, minsan lang eh" naglakad na kami sa corridor. Nakasunod pa din sila samin sa likod habang pababa ng hagdanan papuntang food court.

Once Upon a Time in City (Gapo Series #1) [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon