Chapter 3

36 19 4
                                    

Chapter 3

Wala na ulit kami masyadong ginagawa, nag-announce lang ang STE grade 10 na may magaganap na funrun sa susunod na Sabado. Ang problema nalang namin ay yung walang katapusang sayaw sa MAPEH. Nagcheck lang kami ng test paper kanina. Magp-practice ulit kami ngayong hapon dito sa 'little stage' na tapat ng Science Building.

"Start na! Pwesto na guys!" sigaw ni Heart na nasa harapan. Tinitingnan ang pwesto namin.

Nakapag-start na kaagad kami magpractice pero nakakailang ulit kami dahil ang iba ay nagkakamali pa lalo na sa boys na hindi nagseseryoso.

Ang sabi pa ng ibang 4th year ngayon, magkakaroon pa ng labanan sa 4th grading ng sayaw na iba't ibang theme. Mapapagastos daw talaga kami doon pero 2nd grading palang naman, mai-stress pa kami ng bongga ngayong 2nd and 3rd grading.

"Ano ba guys! Anong oras na oh?! Paki-ayos naman! Kanina pa tayo paulit-ulit eh!" sigaw ni Heart. Pawis na pawis na kami dahil sa singaw ng init. Buti nalang may panyo ako pamunas ng pawis ko.

"Boys muna kaya sumayaw tutal sila naman madalas magkamali" sabi ko.

"Sige, pahinga muna ang girls." sabi ni Heart.

"Buti naman"

"Yes naman" sabi ng iba. Umupo kami sa hagdan. Kanya-kanya kaming paypay at punas ng pawis. Ang iba ay bumili muna sa Food Court ng tubig.

Kadalasan sa mga ganitong practice, boys talaga ang madalas na nagkakamali. Bukod sa makukulit, hindi pa sila nakikinig sa leader kaya kami natatagalan.

"Boys! Pwesto!" sigaw ni Heart. "Uulit kayo sa umpisa pag may nagkamali"

"Lah! Grabe naman!" reklamo ng isa kong kaklase.

"Oh bakit?! Ang dali dali lang niyan! Zumba na nga lang di niyo pa magawa ng maayos! Start na!" in-start niya na ang tugtog na 'Dear Future Husband'.

After ng nakakapagod na hapon, nagpaalam na agad ako kila Vien na uuwi na. Halos isang oras din nagsayaw ang boys sa amin pero buti nalang natapos na namin ng maayos. Sa labas na ng school ako sumakay ng jeep, naabutan ko pa sila Mama na kakauwi lang din galing sa school ni Sophia.

"Ate! May chinese garter na ako!" pinakita niya sa akin ang mahabang goma. "Laro tayo!"

"Bukas nalang Pia. I'm tired" sabi ko.

"Ahm oki!" sagot niya. Umakyat na ako ng kwarto ko saka tinanggal ang uniform at sapatos. Naligo ako saglit. Pinatuyo ko muna buhok ko bago matulog.

Paggising ko madilim na sa labas. Tumingin ako sa wall clock. 8:30 na. Tatlong oras pala akong tulog dahil sa pagod sa pagsasayaw kanina. Kinuha ko ang phone ko bago bumaba ako, naririnig ko ang boses ni Spongebob sa TV.

"Oh haba ng tulog mo Hope ah. Nandiyan ang ulam sa lamesa nakatakip" sabi ni mama na nakaupo sa couch.

Binuksan ko ang Instragram ko, nakita ko story ni Louie kasama si Celine sa KFC. Sumunod naman kay Zed, nasa Ayala na naman silang magt-tropa. Naglalaro sa timezone.

"Bobo mo Zed!" sigaw ni Eli na nagv-video. Hindi nai-shoot ni Zed ang bola galing sa malayo papunta sa ring. Biglang nag-notif ang message ni Vien kaya binuksan ko. Mangongopya ng notes sa Science at Math.

"Ay Ma sabi nga pala ni Zed kanina na pinapapunta tayo sa birthday ni Mamita" sabi ko habang may ngumunguya.

"Ahh oo. Nagmessage na sa akin si Queenie kanina. Pumunta ka na daw ngayon, last year kasi hindi ka sumama eh" sabi ni Mama habang nanonood din ng TV katabi ni Pia.

Once Upon a Time in City (Gapo Series #1) [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon