Prologue

54 24 10
                                    

Prologue

"Is that Zane?! Oh my god he's so hot!" rinig ko na sabi ng babae sa kabilang table.

"I know may girlfriend na yan eh" sabi ng isa.

"Oh? really? Where's his girlfriend?"

"Hey your boyfriend is here" Andrea said. "Bakit di kayo sabay pumunta dito?"

"Oo nga Ella? umaasa pa naman ako sa picture niyo sa entrance parang artista ang datingan" sabi ni Hanna.

Napatigil ako sa pag inom ng cocktail at lumingon sa likod kung saan ang entrance. Nanlaki mata ko nang makitang nandito talaga siya, bigla akong kinabahan at humarap kila Andrea.

"Ella" bulong ni Jane sakin na nasa tabi ko.

Siya pa lang nakakaalam ng nangyari samin ni Zane and di ko pa sinasabi kila Andrea. Tumingin ako kila Andrea and I tried to smiled at them while hiding my nervous.

"Uh punta lang akong restroom" paalam ko.

"Huh? Di mo man lang pupuntahan si Zane?" tanong ni Steph pero di ko na siya pinansin at dumiretso nalang sa cr. Hirap pa ako maglakad ng mabilis dahil sa heels ko.

"Oh sorry!" may nabangga pa ako sa kakamadali kong maglakad.

"Oh! Ella?!" hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat.

"H-hi Eli! Ikaw pala yan" nanginginig pa ako labi ko habang nagsasalita dahil sumasabay din ang kaba.

"Where are you going? You look good ha, its been a year since I saw you in Club V" sabi niya. Hindi na ako mapakali dahil gusto ko nang umalis at pumunta ng cr.

"Thank you, I don't know that you're already engage congrats!" sabi ko. Naaninag ko sa likod ni Eli si Zane na nakatingin samin, binalik ko kaagad tingin ko kay Eli at pilit na ngumiti. "Where's your fiancè? I think she's searching for you"

"Ha? She's in restroom hinihintay ko lang" sabi niya at tumango tango ako. Napatingin ako kay Zane sa malayo habang may kausap na batchmates namin at may hawak na baso na may wine. "Ikaw? Saan punta mo?"

"Oh, sa restroom din"

Napatingin ako sa lugar kung saan si Zane. Our eyes met and he suddenly started to walk on my way. Nataranta ako bigla.

"Eli I'll go to restroom na ha? Nice to see you again" nagmadali na akong naglakad papuntang restroom.

"Oy teka lang Ella!" sigaw niya pero di ko na siya pinansin.

Pumasok ako sa cr at tumingin sa salamin. Huminga ako ng malalim, di ako mapakali. Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa cubicle. Narinig kong may mga pumasok dito at ang iingay pa nila.

"Ang pogi naman nung nasa labas" sabi ng babae. Di ko naman sinasadyang makitsismis dahil naririnig ko ang boses nila. After kong umihi, inayos ko ang dress ko.

"Si Zane? Oo ang pogi niya nga lalo"

Napatigil ako nang marinig ko na naman ang pangalan ng kupal na yon. Di muna ako nag flash, tumayo nalang muna ako at nakinig.

"Sino kaya hinihintay non dito?"

What?! Nasa labas siya?! Fuck.

"Diba may girlfriend na yon?"

Napa-angat dalawa kong kilay at tumingin sa pinto nitong cubicle.

"Ay oo sila pa rin kaya non? Wala na akong nababalitaan sa dalawang iyon eh"

Pfft, mga dakilang tsismosa 'tong mga ito.

"Raia? baka sa mukha kilala ko"

"Parang hiwalay na ata eh" sabi nung isa pang babae.

I decided na mag-flash na ng toilet and I confidently walk outside. I look on a mirror and nakita kong natunganga sila sakin maliban sa sa isa nilang kasama na busy mag retouch.

"Ang taray ang ganda netong powder mo Faith ha" napatingin ulit ako sila at napaiwas kaagad sila ng tingin sakin.

"A-ah oo naman teka tara na kaya baka mag-start na!" sabi nung Faith at nag- agree naman mga kasama niya.

"Huh? Wait I'm not done yet!"

"Okay na yan! Maganda ka naman na tara na!" sabay hatak niya sa kasama niya. Tumingin ako sa sarili ko sa salamin, hinintay sila makaalis lahat.

After I retouch my face, nilagay ko ang powder ko sa sling bag na Chanel ko. Dire-diretso na akong lumabas dahil naririnig ko na ang MC na nagsasalita.

"We need to talk" napahinto ako bigla nang marinig ko ang boses na iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kaba, galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon.

"About what?"

"Us.. about us Hope"

Nanatili ang tingin ko sa building na nasa harapan namin. Di ko alam kung titingnan ko siya.

"Wala na tayong pag uusapan Zane, we're done already and don't call me Hope"

"No, we're not" narinig ko ang yapak ng sapatos niya na papalapit sakin and I can smell his perfume. Tumigil siya sa harapan ko at nilabanan ko ang tingin niya. "And I have the rights to call you Hope"

"Rights?" natawa ako nang bahagya. "Bakit? Sino ka ba?"

"Well, I'm your boyfriend" ngumisi siya.

"You're not my boyfriend anymore Zane, nakipagbreak na ako sayo diba?" sinikap kong wag sumigaw sa kanya dahil sa galit. "After what you did to me? Ang kapal ng mukha mo!"

"Pumayag ba ako Hope?" matalim ang tingin niya sakin at natigilan ako.

"What?"

"Did I gave you a permission to break up with me? huh?" mahinahon niyang sabi at unti unti siyang lumapit sakin dahilan para mapaatras din ako. "And after all these years, why you don't want to hear my explanations Hope? You just want to believe on what you saw on that fucking video?"

"Bibilugin mo lang naman ako sa explanations mo. Hindi na ako maniniwala sa mga sasabihin mo Zane! You just broke my trust to you because of that bullshit girl!" hindi ko na napigilan sarili ko na sumabog at ramdam ko ang pag init ng mukha ko dahil sa galit. "You don't know how much I trusted you that's why I let you to attend on party of your friend! Ang sabi mo walang babae doon sa party pero ang daming babae at nandon din ang friend ko! Pinakita niya sa akin ang video habang lasing ka! At ano ang ginagawa mo?! You let that girl to kiss you?! Ang malala pa yung pinagseselosan ko pa talaga?!"

Punong puno ng galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Naiiyak ako habang naaalala ko ang video na yon. Yung itsura at ang ginawa nilang katarantaduhan nakita ko mismo. 

"Nakainom ako non Hope pero alam ko pa din ang ginagawa ko non! Walang nangyari sa amin at hindi ko ginusto yon"

"Dapat una palang umalis ka na o lumayo ka man lang sa kanya! Ngayon, wala na akong pakealam kung may nangyari sa inyo o wala!" naglakad na ako paalis sa harapan niya pero hinawakan niya ang braso ko. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!"

"What can I do to make you belive me Hope?" hawak hawak niya pa din ang braso at pinipilit kong tanggalin niya iyon pero di ko matanggal.

"Just leave me alone and don't talk to me again!" diretso kong sabi at binitawan niya na ang braso ko. Umalis na ako at naglakad papuntang Covered Court kung saan ginaganap ang reunion.



-aeracy

Once Upon a Time in City (Gapo Series #1) [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon