Prologue

4 1 0
                                    

Third Person Point of View

"Okay Class sit down" saad ng kakapasok lang na guro ng ika siyam na baitang. Agad namang nagsipag sunuran ang mga studyante at kanya kanyang tigil ng pinagkakaabalahan.

"At dahil tapos na nating talakayin ang ating mga aralin sa grading na 'to, may nais akong ikwento sainyo." Saad niya pa habang nakangiti. Ang mga mag aaral naman ay kanya kanya namang nag sisipag-usapan sa kadahilanang unang beses pa lamang ng gurong itong mag kwento.

"Are you interested to hear my story?" Balik maldita nitong tanong kaya wala nang nagawa ang mga studyante kundi ang mag sipag tahimik. "Noong unang panahon sa malayong malayong lug--"

"Ma'am anong tawag po sa lugar na 'yon?" Pagpuputol ni Jacob sa kinikwento ng guro. Halata ang ini sa mukha ng guro pero hindi niya na ito sinagot pa.

"-malayong malayong lugar may isang batang nagawang protektahan ang kanyang sinasakupan."

"Sinong bata Ma'am?" Tanong muli ni Jacob kaya hindi na napigilan ng gurong batuhin ito ng chalk.

"Paano ko matatapos ang kwentong ito kung panay ang sabat mo!?" Inis nitong tanong habang nakapamewang. Hindi naman nakapagsalita ang mag aaral na si Jacob at iminuwestra na lamang na tatahimik na.

"Sa murang edad niya'y naprotektahan niya mula sa mga masasamang nilalang ang lahat ng kaniyang sinasakupan. May isang bansang ilang dekada nang inaatake ang lugar nila pero ang mga taong sinasakupan niya'y walang kaalam alam rito. Kaya labis ang inis ng kalaban' dahil akala ng taong 'yon ay mahihina ang kanyang pinapadalang mga alagad at walang silbi ang mga ginagamit na pang atake. Kaya napagdesisyunan ng taong itong magpadala ng mga mahuhusay at hasa na sa labanan upang alamin kung ano at kung paano nauuwi sa wala ang sakripisyo nila." Halos walang ingay ang maririnig sa silid na iyon kundi ang mga paghinga lamang nila. "Ngunit sa kamalas malasan ay hindi man lamang nakakaabot sa gitna ng lugar na iyon ang kanyang mga ipinadala. Dahil 'Kung sino mang may masamang intensyong pumasok sa teritoryo' ng batang iyon ay mamamatay. Walang kahit na sino ang nakakaalam kung sino ang batang 'yon hanggang sa dumating ang araw na pahina ng pahina ang proteksyong itinayo ng bata. Kaya palakas ng palakas ang pag atake ng mga masasamang kampo hanggang sa nawala na ang lahat ng proteksyong isinagawa ng bata at unti unti naring nalaman kung kanino galin--"

"Ma'am m-may I g-go o-out?" Tanong ng bababaeng mag aaral habang panay ang ubo. Naalarma naman ang guro kaya agad nitong nilapitan ang mag aaral at dali daling kinarga papunta sa pagamutan.

"Anong nangyari saiyo Ija? Maayos naman ang kalagayan mo kanina ah?" Tanong ng nurse sa clinic.

"I don't know Ma'am, nung nag simulang mag kwento yung guro nami'y bigla na lamang sumakit ito ng paunti unti" nakapikit nitong saad dulot ng matinding sakit. "Aggghhh" daing nito kaya naalarma ang mga nurses pati narin ang kanilang guro.

"Inah ano bang ginawa mo at sumakit ang ulo ng batang ito?" Tanong ni Nurse Zhay kay Teacher Hainah. Umiling iling naman ito at alalang nakatingin sa batang babaeng namimlipit sa sakit.n

"Hindi ko alam! Kwinento ko lang naman 'yong pangyayare sa bayan ng lateriflorum eh akala ko kasi magugustuhan nila iyon" pag dedepensa nito.

"Hindi kaya nasobrahan ka naman sa pag kekwento?" tanong pa ng isang manggagmot habang tinitignan ang Vitals nito.

"Hindi kaya! Siya lang naman 'yong nakaram--" naputol ang sasabihin nito ng biglang tumikhim ang head ng mga nurses.n

"Hindi kaya siya na ang matagal nating hinahanap?"

The Lost PetalWhere stories live. Discover now