Chapter 05

1 1 0
                                    

"Sorry pero...wala akong kilalang Belle" sabi niya sa malungkot na boses.

"Hindi mo na ba ako natatandaan?" Nawawalan ko ng pag asang tanong.

"I'm sorry baka nag kakamali kalang" saad niya naman.

"How about your promise? Sabi mo hindi mo kami kakalimutan?"

"Alam mo Belle? Kung sino man yang tinutukoy mong ate' siguro kailangan mo ng kalimutan." Saad niya at tumalikod na. Kalimutan? Ate ko 'yun bakit ko kakalimutan? Kung sakanya madali lang itapon mga pangako niya pwes ako hindi.

Tumalikod na ako at hindi pinansin ang titig ng mga tao saakin, pati 'yong mga malalamig na titig ng mga prinsipeng 'yon!

Bumalik nalamang ako sa dorm at napag isipang lumiban nalamang muna dahil wala ako sa mood. Gusto ko sanang matulog pero parang may dapat akong gawin, hindi tuloy ako mapakali kakaisip.

Dumating ang mga prinsesa't prinsipe, nakita ko ang ate ko, tapos......

"Tapos bumukas ang gate!" Sigaw ko at dali daling binuksan ang pinto ng kwarto ko, hindi ko narin pinansin si Lia na nasa dorm kumakain, tanghali na pala. Takbo lang ako ng takbo at nananalangin na sana andon pa ang gate at hindi pa binabalik sa pader. Hindi ko hahayaaang mabukasan pa ako, eto na ang chance ko, makakalabas na ako.

Nagtatatakbo parin ako kahit ang dami ko nang natatamaang naglalakad na estudyante, ang iba naman ay nagtataka, hindi ko inaasahang makakasalubong ko ang mga maharlika, kahit puno rin ng pagtataka nila akong tinitignan ay hindi ako nagdalawang isip daanan ang gitna nila.  Oras ang hinahabol ko rito.

"Stop." Saad ng kung sinong may hawak sa braso ko. Tinignan ko naman kung sino ang nagmamayari nito, isa pala sa mga yelo.

"Bitaw nga" sabi ko at inaalis ang pagkakahawak niya pero masyadong malakas ito. Tumingin naman ako sa mga kasamahan niya pero parang wala naman itong pake, kaya tumingin ako sa 'ate' ko ng nakakaawa.

"Clint, let her go" saad ni ate Bianca, kaya agad namang nabaling ang tingin nila sakanya, bigla namang sumunod iyong clint, may gusto ba siya sa ate ko? Hmmm kikilalanin muna kita bago mo siya saktan.

Nang bitawan niya na ako ay bumalik naman ako sa paglalakad, at inalis ang sapatos ko, malapit na itong sumarado kaya mas lalo ko pang binilisan. "Be-Biancaaaaaa!!!" Sigaw ng kung sino ng tuluyan na akong makalabas.

Charlotte Point of View

"Be-Biancaaaaaa!!!" Saad ko ng marealize ko kung saan patungo si Bella, kaso huli na ang lahat dahil nakalabas na siya.

She's my sister, but not here, pumunta lang ako sa mortal world para magpahinga pero hindi ko alam na mahuhulog pala ang loob kong sa batang bella. Iba na ngayon, kaht gusto ko siyang yakapin, hindi ko magawa dahil isa akong prinsesa. The least thing I can do is to protect her, from afar.

"I told you! She's planning something!" Galit na saad ni Clint habang nakatingin sa gate na ngayon ay pader na. He can sense anything, at hindi siya nagkakamali.n

"I'm sorry okay! Hindi ko alam!" Dipensa ko naman, kung gumana lang sana utak ko napigilan ko sana siya. Saan siya pupunta? Kasama niya ba mommy niya? May alam ba siyang lugar rito?

"What should we do now? Baka mapano siya" saad naman ni claire, habang nakatingin saakin, she's the princess of dianthus.

(Charlotte - lilum
Alessandra Bellatrix - _______
Claire - Dianthus.
Angeline - Freesia
Clint - alstroemeria
George - Gladiolus
Simon - Narcissus )

"We can't do anything, piling araw lamang bumabalik ang gate" malamig na saad naman ni Simon at tinalikuran kami.

"Fix this Charlotte" saad naman ni George at sumunod na, si claire at Angeline naman ay nginitian lang ako at sumunod narin.

"Clint, help me, she's not safe outside. "

"How can I help you huh? I was trying to stop her, but look what you did!" Galit na saad nito at iniwan narin ako. I need to think a plan, sabi ko babantayan ko siya mula sa malayo, pero paano? Malalaking pader ang lumalayo saamin, paano ko siya ma poprotektahan mula sa mga masasamang nilalang!?

Tinakbo ko rin ang daan papuntang office at walang pasabing binuksan ang pinto."what are you doing here charlotte!?" Nagulat na sabi ni Mr. Lucas.

"M-may nakalabas! I mean Bianca girl? You know? Bianca?" Tanong ko.

"Walang Bianca sa paaralang ito." Saad naman niya kaya napaisip ako, ilang pangalan ba ang gamit niya?

"How about uhm Ale...ale..ssandra??"

"Oh yeah I know her, what about her?" Tanong niya. Kaya agad akong lumapit sakanya.

"She's outside the school! As in nasa labas ng nagtataasang pader. Help her, hindi niya alam kung anong lugar ito!" Saad ko kaya agad siyang napatayo.

"Paano siya nakalabas?"

"I don't know just help me!" Napayuko naman ako ng marealize ko kung ano ang ginawa ko, kahit prinsesa ako ay hindi ko dapat sigawan ang mga nakakatanda saakin. "I'm sorry mister." Saad ko at tumalikod.

"Help me find her, she's so special to me"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost PetalWhere stories live. Discover now