"Mommy, can we tale a rest?" I asked her in the middle of running. Mag iilang oras na kaming tumatakbo pero wala parin akong nakikitang lagusan, nauuhaw narin ako at nanginginig na ang mga tuhod ko. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang dahilan kung ba't namin kailangan tumakbo sa daang ito, mabuti nalamang at walang ahas o kahit ano rito.
"No anak, malapit narin naman tayo." Hingal na sagot niya, wala na akong ibang nagawa kundi magpahila kay mommy na nasa unahan ko.
Nang malapit na kami sa labasan ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. What the hell is happening?
"Belle I need you to hide" saad niya ng malapit na kami sa lagusan.
"Where? Wala namang taguan mommy" pagod kong tanong dahil mukhang kanal itong dinadaanan namin na walang tubig, hindi naman siya mabaho mukhang kanal lang talaga.
"I will hide you for a while, If I gesture you to run! Run! Don't let them notice you. Just hide your presence." Paliwanag nito pero naguguluhan parin ako. Una saan ako mag tatago? Pangalawa huwag kong hahayaang mapansin o mahalata nila ako kapag tumakbo ako, paano naman iyon? At paano ko matatago ang presensya ko kung tatakbo akoo??? Nakaka frustrate naman 'to.
"Isipin mo lang na tinatago mo ang sarili mo okay? Naiiintindihan mo ba ako?" Tumango na lamang ako at sinimulang isipin na nag tatago ako kahit nagmumukha akong tanga.
"Good. Now continue running and don't stop. I'll find you after I get rid of them." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad kaya ginawa ko narin.
"Thalia, it's nice meeting you again Traitor." Nakangising saad ng lalaki habang nakatingin kay mommy.
"Mommy who is he?" Mahina kong saad, hindi niya ako binalingan ng tingin kaya hindi nalang ako umimik.
"Tell us where she is Thalia so you won't get hurt." Matigas namamg saad ng lalaking nasa gitna. Kapwa nakaitim ang mga ito at may mga itsura rin. Kaya lang ang papangit ng ugali.
"Tell me where your daughter' is" sabi ulit nito. Why are they after us? At anong kailangan nila saakin? Ito ba ang rason kung bakit umalis kami sa dati naming bahay?
"She's not with me, she's dead! Tigilan niyo na ang anak ko!" Umiiyak na sigaw ni mommy.
"Mommy what are you talking about? I'm not dead mommy!" I whispered, mangiyak ngiyak na.
"Shhh don't talk" mahinang sambit nito habang umaarteng umiiyak.
"Thalia don't be stubborn. Alam mo kung ano ang pakay namin."
"Tie her!" Utos nito sa mga kasamahan kaya agad naman itong nagsipag sunuran at lumapit saamin ni mommy.
"Mommy I'm scared mom--" naiiyak kong saad habang nakahawak sa kamay niya, nang makalapit na saamin ang mga lalaki ay may inilagay silang tali sa kamay ni mommy. "Don--"
"Stop! Stop what you are trying to say B! Run! Run as fast as you can!" Sigaw nito habang nakatitig sa mga lalaki. I can't do this anymore. Hindi ako aalis ng wala ang mommy ko. I offered my hand but she ignore it. Ang mga lalaki naman ay inililibot ang tingin naguguluhan sa sinasabi ni mommy.
"Where is she!? Tell us where!?" Hysterical na saad ng lalakeng nasa gitna kanina, pulang pula na ang mukha nito na parang anong oras ay sasaktan si mommy. Inilibot ko ang tingin at naghanap ng pwedeng gamitin para mapaalis sila, ng may mga nakita akong bato ay kukunin ko na sana ito ng sipain ito ni Mommy palayo.
"Run B! Run!" Mas malakas na sigaw ni mommy habang nagmamakaawang nakatingin saakin kaya umiiyak kong nilisan ang lugar na iyon.
Hindi ko sasayangin ang sakripisyo ng nanay ko ngayon, I know she'll be safe, I believe her, I know she's strong, she can defeat them. Sa huling pagkakataon ay tinapunan ko ng tingin ang aking magulang, she's now fighting them, with no sweat. She looked at me and gesture me to continue running, and so I did. Bago siya mawala sa paningin ko ay binigyan niya ako ng isang nangangakong ngiti, nangangakong babalikan at hahanapin niya ako, nangangakong magkikita kaming muli.
I'll wait for you Mommy..... I will wait for you.
Third Person Point of View
"Asan ang batang iyon Thalia?" Sigaw ni Bruce na ngayo'y hawak ang buhok ni thalia. Nanatili namang hindi sumasagot si Thalia kaya agad siyang itinulak ni bruce sanhi ng pagkadapa niya sa sahig.
"Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, ano thalia? Nagawa mong pagtaksilan ang lahi natin para sa taong hindi naman kayang pagsuklian ang pagmamahal mo, eh 'no" pang aasar ng kapatid ni Bruce na si Lance. Nagtawanan naman ang mga masasamang lahi habang si Thalia ay sinosoportahan ang sariling tumayo.
"Hindi niyo ako kalahi! At hinding hindi niyo ako mag--" isang sampal ang nakapagpatigil sa pagsasalita ni Thalia.
"Sumasagot kana?! Sumasagot kana!?" Gigil na saad ni Bruce at mahigpit na hinawakan ang panga ni Thalia. "Dalhin ang hangal na 'yan sa lugar kung saan siya nararapat! At siguraduhing siya mismo ang maghuhukay ng sarili niyang libingan!" Dagdag nito sabay pabalibag na pagbitaw sa panga ni Thalia.
Hinding hindi ko hahayaang makuha niyo ang anak ko! Walang makakaalam ng tunay niyang pagkatao! Makikipag patayan ako kay kamatayan para sa kaligtasan ng anak ko.' saad ni Thalia sa isip niya bago siya hilahin ng mga kasama ni Bruce.
"Darating at darating ang araw na mahuhuli ka rin namin. Batang sagabal sa lahat ng aming plano."