"You can now go to your house and take some rest. Ipinag paalam na kita sa Principal." Saad ng punong manggagamot kaya agad akong lumabas ng clinic. Kinuha ko muna ang mga gamit kong naiwan sa room at sumakay na ng taxi.
Simula ng magising ako ay nawala narin kahit papaano ang sakit ng ulo ko, samantalang ang iba namang manggagamot ay mga nakatulala na parang may malalim na iniisip.
"Anak ang aga mo naman atang umuwi?" Salubong saakin ni Mommy pagbukas ko ng gate. Palinga linga naman ito at parang kinakabahan.
"Bigla po kasing sumakit yung ulo ko habang mag kukwento 'yong bagong guro namin" sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Bigla naman niya akong hinila papasok sa bahay at nilock ang mga pinto at sinarado ang mga bintana. "Mom? What's happening?"
"What kind of story?" Pagsaswalang pansin nito sa tanong ko at umupo sa tabi ko.
"Tungkol po ata 'yon sa batang prinotektahan ang sinasakupan niya? Hindi ko matandaan mommy kasi sumasakit ng paunti unti yung ulo ko." Pagpapaalam ko sabay kamot sa ulo ko, siguro nainis saakin mga kaklase ko kasi sinira ko pa yung moment na nag kekwento si Mam.
"Alam mo ba yung kwentong 'yon mommy?" Tanong ko at tinignan siya. Mommy's acting weird, dahil tulala siya. "Helloooooooo" ani ko sabay wagayway ng kamay ko malapit sa mukha niya.
"I'm giving you 5 minutes to pack your things Bella." Matigas nitong saad at sumilip sa bintana.
"But why Mommy!?" Naguguluhan kong tanong at tumayo. "Bakit tayo aalis? Daddy said he'll comeback for us right? Paano kapag bu--"
"BELLATRIX!" Pagpuputol nito saakin kaya wala na akong ibang nagawa kundi sundin siya.
I'm Alessandra Bellatrix Smith, 17 years old, and I'm living alone with my mom. I don't know where my dad is, ang natatandaan ko lang ay umalis siya noong bata pa ako pero nangako rin siyang babalikan kami. It's been 12 years, but I'm still hoping because that's his promise. Kahit ilang beses ng sinabi ni mommy na hindi na babalik si daddy.
"Bella, faster we're running out of time!" Tarantang tanong ni mommy habang kinakalabog ang pinto ng kwarto ko. Dali dali ko namang linagay sa bag ang huling set ng contact lense ko at pinagbuksan na ng pinto si mommy.
"Mommy what's happening? Kanina ayos lang naman ah? May masama bang nangyayare?" Naguguluhan ko paring Tanong pero hindi parin ako nito pinansin at hinila na ako pa basement. This is the first time na makapasok ako rito dahil pinagbabawalan niya ako at palaging naka lock ang daan patungo rito.
"Run as fast as you can. Do you understand me?"
"Yes mommy" sagot ko naman.
"Now go!" Sigaw nito pero nanatili parin ako sa kinatatayuan ko. "What are you waiting for my daughter'?" Malambing nitong saad kaya tinignan ko siya at pinakita ang palad ko.
"Run with me Mommy, I can't go without you" malungkot kong saad kaya napahinga siya ng malalim at nakangiting hinawakan ang mga kamay ko.
Theresa's Pov
Nang makalabas ang batang babae ay agad ko namang nagsipag balikan sa ulirat ang mga kasamahan ko rito sa clinic.
"Kailangan natin siyang obserbahan!" Sambit ni Zhay habang pabalik balik ang lakad.
"Zhay's right. Paano kung maunahan tayo ng kabila? Malilintikan na." Saad naman ni Sab habang kinakagat ang kanyang mga kuko.
"Paano kayo nakaka sigurado na siya nga ang hinahanap natin?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Wala akong ibang napapansin sa batang babaeng 'yon kundi ang kanyang magagandang kutis. Hindi naman masyadong kagandahan dahil mukhang nakulangan sa ayos. Nakapagta--