Chapter 03

2 1 0
                                    

Mag gagabi ng napagdesisyunan kong tumigil na sa pagtatakbo. Hindi ko na rin alam kung nasaan ako dahil ngayon ko pa lamang nakita o napuntahan ang lugar na'to. Napapansin ko lang na wala masyadong tao sa labas, wala ring mga nag tataasang bahay na parang rural areas ito pero magkakakatabi naman ang mga bahay, aissssh basta.

Naupo muna ako sa parang bench at panandaliang pinikit ang mga mata ko. Kamusta na kaya ang mommy ko? Natakasan niya ba sila? Papunta na ba siya rito? Nag aalala na ako, ang sabi niya susundan niya ako, mag gagabi na pero wala parin.

"Hey look at her, she's using ínvísibílíty"

"Wake her up, delikado dito sa labas"

"Why is she here? Is she new?"

"Paano kung blac--"

Iminulat ko ang mga mata ko kaya napatigil naman sila sa pag uusaap. Tatlong babae ang nasa harapan ko at may iba't ibang kulay ng mata. Isang mukhang mataray at dalawang mukhang mabait?

"Hi" cheerful na bati ng nasa left side, maputi ito at medyo mataba, hindi masyadong katangkaran, may bilugang mukha at rosy cheeks. "Anong pangalan mo?" Tanong niya pero hindi ko ito sinagot at tumayo, palinga linga, kailangan kong balikan ang mommy ko, kung hindi niya ako kayang hanapin ako ang hahanap sakanya.

Dinaanan ko ang tatlong babaeng nasa harapan ko at bumalik sa dinaan ko kanina. "W-wait! Wher are you going!?" Tanong ng mataray na babae habang nakataas ang kilay saakin, tinignan ko lang ito ng ilang segundo bago iniwas ang tingin.

Why are they talking to me?'

I was about to run when someone pulled my arm. "Ano ba!" Inis kong tanong at inaalis ang pagkahawak saakin ng mataray na babae.

"Delikado diyan! Gusto mo bang ipahamak sarili mo!" Inis ring sagot nito saakin. Paano naging delikado ang lugar na 'yan kung diyan ako dumaan? "You will stay here, hanggat hindi mo sinasabi kung saan ka galing." Final na sabi nito pero patuloy ko paring inaalis ang hawak niya saakin. Sino siya para mag desisyon? I don't even know her.

"Let go of me! I need to find my Mommy!" Pamimilit ko, ng maalis ko na ang pagkakahawak mula sakanya ay tatakbo na sana ako ng itulak ako ng babaeng unang kumausap saakin patungong kaliwa.  "Ano ba! Tigilan niyo na--Waaaahhhhhhhhh" sigaw ko ng parang mahuhulog ako. Ng maramdaman kong nasa lupa na ako ay agad akong tumayo at tinabig ang taong nasa unahan ko.

"Ano bang problema niyo!? Pwede ba hayaan niyo na akong umalis because I don't have time for your shits!" Ani ko pero pansin kong nasa ibang lugar na kami. What the hell? Bakit ang daming nakatingin saamin? Bakit.... Bakit mukhang nagtataka ang mga ito samantalang yung mataray namang babae ay nakangisi.

"Sinong kinakausap nila?"

"Kanino boses 'yon?"

Ayan yung mga naririnig ko mula sa mga studyanteng may pagtatakha. Hindi ba nila ako nakikita gaya ng mga taong nanghahabol saamin?

"Go, you're free to go, pero hanapin mo muna daan ha?" Nang iinis na saad nito bago ako iwanan.

Mommy where are you!?

Naghanap ako ng mauupuan at nag isip isip kung paano ako makakalabas, hindi ko alam kung anong lugar ito at kung nasaan ako, ang alam ko lang eh may mga nandito ring kaedad ko lang. I need to think, kailangan kong makalabas.

Nakatingin lamang ako sa mga paa ko ng maradaman kong may tao sa harap ko kaya agad kong ibinaling ang tingin sakanya. "Miss, help me. I need to find my mommy" pagmamakaawa ko pero umiling ito.

"Who are you?" Tanong niya, should I tell her? But Mommy said don't trust anyone lalo na kung ngayon ko pa lamang nakikilala. "I won't hurt you" ani nito at tumabi saakin.

The Lost PetalWhere stories live. Discover now