Kabanata 2

16 15 8
                                    

[Happy Valentine's Day Everyone🥰]

Kabanata 2

 

Hindi ako makapaniwalang ang nakilala kong malas sa library ay from Ateneo at marami pa talagang nahuhumaling kuno sa kanya. Nakakasuka naman ano bang nagustuhan nila don e nakakagago ang ugali.

Pagkatapos ng encounter namin sa library parang ayaw ko na ulit tumambay don. On the second thought akin nga pala ang mahogany table don. Dad give it to me dahil alam niyang mahilig ako sa mga libro kahit accessible na ang mga online books sa internet. I prefer on hand books than online masisira pa ang mata ko.

Naglalakad na ako papuntang canteen para kumain with my friends of course. Kasalukuyang naghaharutan sina Juliana at Marione may tinitingnan sila sa kanilang phone at biglang titili na parang bulateng sinabuyan ng asin. As of Serene hawak din nito ang phone niya at kung ano-ano ang kinakalikot. Masyadong tutok na tutok ang tatlo sa kani-kaniyang phone habang naglalakad. Madapa sana.

I hold the strap of my bag at nauna ng maglakad para makakain na dahil magbabasa pa ako. Narinig kong nagsinghapan ang tatlo pero di ko na pinansin. Napansin na ata ang pag-alis ko. Bahala sila.

Wala pang masyado tao pagkarating ko at konti palang ang pila. Gumanda tuloy ang mood ko bigla.

“ Pres, mauna na po kayo? Baka nagmamadali kayo?” alok ng isang estudyanteng nasa dulo ng pila. Binilang ko ang mga nakapila at they’re only six pangpito ako. I smiled to her generosity.

“ No, it’s okay. Hindi ako magmamadali.” Malumanay kong sagot. Ngumiti lang ito at tumalikod na.  Baka isipin niya na porket students council’s president ako e dapat na mauna ako sa anumang bagay. Hindi ako pinanganak para manggulang ng kapwa.

“ Grabe naman, Avannah tampo agad? Kailangang mang-iwan?” asar na tanong ni Serene. Na kadarating lang kasunod ang dalawa. “ At nauna ka pa talagang kumain how could you!” ani nito bago umalis para pumila.

Sinundan ko lang siya ng tingin at nakita kong nagrarant siya sa dalawa. Napailing nalang ako. Pano ko sila mahihintay  e ang tagal nilang dumating. Can you imagine magkasama kaming papunta rito pero almost 15 minutes na bago sila dumating. Anong ginawa nila sa daan, nirenovate?

At Isa pa, hindi pa naman ako kumakain actually kauupo ko lang dahil sa sobrang tagal nila nagpauna pa ko ng limang estudyante bago nag-order.

Pinaglalaruan ko ang spaghetti ng biglang may naglagay ng Coke in can sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang  isang batang lalaki nagbigay nito. I’m sure Grade 7 lang to. Tiningnan ko ang kabuunan nito at magsasabi kong mabuti siya. Complete uniform e, sumusunod talaga sa guidelines.

“ Bakit mo ko binigyan nito?” takang tanong ko at nakita kong parang nag-dadalawang isip pa siya kung sasagutin ba ang tanong ko. Nagkagulo ang cute niyang mukha.

“ Hindi po sakin galing yan. Kundi dun sa lalaking nasa library.” Pagkasabi nito ay dagling umalis. Tumatakbo pa e hindi ko naman siya inaano.

“ What did you do to the kid?” tanong ni Marione na kadarating lang na may hawak na tray laman ang pagkain niya. Mukhang nakita niya rin ang batang tumatakbo.

 Sinuri ko ang Coke in can at napansing may sticky note na nakalagay. Pati si Marione nakiusisa, tsismosa talaga.

Avannah Rhaine Cortez, My Property

 

The heck?! Why I am feeling this way. My heart beats so loud halos di ko na marinig ang ingay sa canteen. Parang may kumiliti sakin it’s feel so…argh! I can’t define what I am feeling right now. It’s just a note Avannah!

His Property (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon