Kabanata 4

7 10 0
                                    

Kabanata 4

"Bakit ba ayaw mong sumama e sa mall lang naman yun?" nahihimigan ko ang tampo sa boses ni Marione.

Nagcoference call kami habang nag-aaral para sa midterm. Tama midterm na kaya ang daming gawain tas mag-aaya silang mag-mall na para bang walang exam next next week.

Napahilot ako ng ilong ko sa pangungulit niya. Conference call ba to bat parang ako lang yung kinakausap niya.

"Pass muna ako midterm is coming,hello." sarkastikong sabi ko. Narinig kong humalakhak ito wala ba silang balak magreview man lang.

"Hey watsup." dinig kong bati ni Julianne. Kadarating niya lang ba? Kanina pa siya nakakonekta pero makawatsup kala mo kadarating lang.

"Hoy bruha, san ka galing?" reklamo ni Marione dito. Nagbangayan pa ang dalawa sa kung ano-anong bagay. I ended the call at bumalik sa pagrereview.

Ilang minuto pa lang akong nagbabasa ulit ng magvibrate ang cellphone ko. It's from unknown number.

'Hi' seryoso ba to? Hindi na uso ngayon ang textmate. Dahil wala akong balak replyan mabilis kong ishi-nut down ang phone ko para makapagfocus sa inaaral.

"Avi, anak your friends are here. Bumangon kana dyan." It's mom. Inaantok pa talaga ako parang kakatulog ko palang a. Tinatamad kong inabot ang phone ko para tingnan sana ang oras pero ayaw magbukas.

I glance at the wall clock and it just 10:00 in the morning. Weekend ngayon kaya dapat mga 1 or 2 ako magigising. Ano ba kasing ginagawa ng mga yun dito, bahala silang maghintay dyan. Matutulog ulit ako.

Napabalikwas ako ng bangon ng pabalyang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok ang mga abnormal kong kaibigan. Parehong hawak ang mga tiyan nila at tawa ng tawa habang nakatingin sakin. Para bang isa akong dakilang comedian sa harapan nila.

Inirapan ko lang sila at tumakbo papunta sa CR at inilock iyon mahirap na baka may maisip na namang kalokohan. I do my morning routine at lumabas ng nakabath robe.

Hindi na ako nagulat ng naabutan ko silang nakatihayang nakahiga sa kama ko. Base sa pananamit nila ay balak talaga nila akong isama sa malling nila.

Pumasok ako sa walk in closet ko at nagbihis. Simpleng pants at crop top lang ang sinuot ko pairing with white sneakers.

"Serene, gurl guess what?" nadinig kong natatawang tanong ni Julianne. Alam ko na to. May nasagap na naman siyang tsismis tungkol sa crush 'kuno' ni Serene.

Pang-ilang crush na ba niya to this week. Serene is a walking crush collector. It's from Marione and Julianne and she's aware of it.

Sinuportahan namin siya sa crush thingy niya basta hindi boyfriend ang kinocollect niya dahil ako mismo ang sasampal sa kanya pag nagkataon.

"Did you find something interesting this time?" excited na tanong ni Serene. Napairap lang ako sa harap ng vanity mirror ko habang nagsusuklay at the same time nakikinig sa kanila.

"Dm ko sayo ang address." she giggled. Nag-aperan pa ang dalawa at tumawa ng parang ewan.

Tumayo na ako at hinarap na sila. Prenteng nakahiga ang mga loko feel at home talaga, mabuti at malaki ang kama ko at nagkasya sila. Nagsitayuan na rin at nagpaunahan pa sa vanity mirror ko para ayusin ang mga sarili nila.

Muntik pa akong sumubsob mabuti mabilis ang reflexes ko. Imbis na mainis ay iniwan ko sila at pumunta ng dining at makapaghanap ng pagkain.

Naabutan ko si mama na naghahanda ng sandwich hindi niya ko napansin kasi nakatalikod siya. Dahan dahan akong naglakad papunta sa likod niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning, ma!" sabi ko pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi niya. Natawa ako dahil nagulat siya at hinampas pa ako sa balikat. Hinawakan nito ang dibdib niya tanda na nagulat siya sa ginawa ko.

Nakakatawa ang reaksyon niya. Hindi na ata makapagsalita si mama sa gulat. Mabuti at wala siyang sakit sa puso.

"Ikaw talagang bata ka. Wag mo ng ulitin yun baka magkaheart attack ako." sabi nito ng makabawi. Gaya ng dati malumanay pa rin ang pananalita niya.

Napangiti nalang ako at kumuha ng sandwich na ginawa niya. Senenyasan ko si mama na pupunta sa garden hawak ang baso ng juice at platito ng sandwich.

"Yung friends mo?" pahabol niyang tanong. I used my index finger para iturong nasa taas pa rin ang mga loka.
Hindi ko na nakita ang reaksyon niya at tumuloy na ko sa garden.

It's a nice weather today. Ang sarap magmuni-muni sa ganitong panahon. The scent of morning breeze isama mo pa ang makukulay na roses na personally planted by my mom. Nakakaproud.

Ang plano kong pagmumuni-muni ay nasira ng magsidatingan ang mga friends ko kuno. Napapikit ako ng marinig ang mga boses nila papunta dito sa kinaroroonan ko.

"Oh, yes tita. Kami na pong magdadala." it's Serene voice.

"Kami na po kase napagod po kayo sa pagprepare ng masarap na sandwich." It's Julianne.

"Sobrang po tita, your the best!" pamomola ni Marione sa mama ko.

Nakuha pa ata nila ang kiliti ng mama ko, well palagi naman nilang nakukuha ang kiliti nito. Halos araw-araw ba naman sila dito. Hindi ko maiwasang titigan sila habang hawak hawak ang sandwich at baso ng juice.

Kanya-kanyang upo sa harap ko at nangingiting kumakagat ng sandwich nila. I sipped on my juice to avoid their silly stares. I know that stares exactly may mga agenda na naman.

Tumikhim si Marione kaya napatingin lahat sa kanya. Makatingin naman sila akala mo mga clueless ako lang naman ang walang alam dito.

"Well, Avi mag-mall tayo at sasama ka couz pinagpaalam ka na namin." seryoso niyang sabi. Drop the act her serious face can't hide her silly thoughts.

"Spill the bean." tamad kong sabi at inisang lagok ang natitirang juice sa baso ko.

"We're going to the blind date!" Nasamid ako sa sariling laway pinagtawanan naman nila ako. Makahalakhak sila parang wala ng bukas.

Hindi ko na sila mabasa minsan. Sometimes they're serious and sometimes they're unesxpected. Mas lamang lang talaga ang unexpected nila dala siguro ng kabaliwan.

"You're talking na parang walang midterm next next week." Sabi ko ng makabawi at isa-isang inirapan sila. Kahit anong sabi ko naman sa mga to hindi naman naniniwala hindi man pareho ang grades namin pero at least hindi nila pinababayaan ang pag-aaral nila.

"Just like you said, it's NEXT NEXT week." natatawang sabi ni Serene at diniinan pa ang salitang next.

"Let's go na gurls let's have some fun bago tayo baliwin ng midterm na yan." masiglang yaya ni Julianne habang hawak ang mga kamay ko at patalon-talon pa. Hinila niya ko patayo at nagpahila na rin ako.

"Fine, dalhin niyo sa kitchen yung pinagkainan niyo. Wala kayong katulong dito." pagsuko ko habang kinukuha ang pinagkainan ko. Nagtawanan pa sila. Hobby nilang tumawa.

"If you say so." sabay nilang turan. I smiled to their response.

************

Again. Sorry for the errors in this story. Hindi perpekto si author.

Feel free to vote and comment❤️ Kamsa!🥰

His Property (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon