Kabanata 15

0 0 0
                                    

Kabanata 15

"Close your mouth I can see your saliva from here. I know I'm a jaw dropping Adonis."

Natauhan ako ng magsalita siya. What the hell is he talking about? That I drool over him. He's nothing compared to my Korean idol, Kim Taehyung. Kadire naman kung ganito yung mukha ni Adonis.

"Wew, humahangin."it's Jehannah habang nanunuksong nakatingin sa'kin.

"Pres, wag magbuhat ng sariling bangko." parinig ng isa niyang kasama.

"Ehem, pres naman wag ganyan. Ako si Adonis Laurent dito. Baka lang nakakalimot."

Nakatanggap ng batok ang nagpakilalang Adonis. Adonis pala name ng katabi ni Jehannah. I thought it's near Jax or Jack but nevermind.

Hindi ako makapaniwala sa binitawan niyang salita. Mas gwapo pa nga si Adonis Laurent sa kanya.

"Tsss..." bulong ko sabay irap.

Ayan na naman yung nakakaloko niyang titig at ngiti. Napakaloko niya talaga. Alam ko na talaga he's a damn playboy. Magaling siya sa ganito. Dito siguro nahuhulog ang mga daga sa bitag ng isang maharot na pusang tulad niya.

Tinalikuran ko siya at nagsimula ng tumingin sa menu na nasa table. At dahil nagugutom na ako chicken barbeque with rice and ice tea ang inorder ko. Tahimik akong kumakain habang ang iba naming kasama sa table akala mo tag gutom na at nagkakaubusan na ng supply. Nag-aagawan pa sila sa inorder nilang palabok pati si Jehannah nakisali na rin. Mga isip mongoloid.

Nakatalikod pa rin ako sa katabi ko at hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Malamang Avannah kumakain! Hindi ko narinig na nakikipag-usap siya sa mga members niya.

Kanina ko pa nakikitang pasulyap-sulyap sa gawi ko yung isa nilang kasama. Hindi pa rin siya nagpapakilala. Anong sinusulyap-sulyap niya? Isa rin ba tong loko-loko.

"By the way, Ms. Pres I'm Francis Jhay Andrade. Jhay for short. Auditor." pagpapakilala niya. Naglahad siya ng kamay at agad ko namang tinanggap.

Nabasa niya ata ang nasa isip ko at nagpakilala. It's akward to eat with unknown person in the table. Matapos niyang nagpakilala bumalik na naman sa pakikipagbiruan kina Adonis at Jehannah. Tahimik nalang ulit akong kumakain.

Besides naalala ko pa rin ang text message ng ulupong na to. He has the courage to pissed me after sending that corny pick up lines. Kung titingnan siya ngayon para siyang walang ginawang nakakainis.

"Since, tapos na tayong kumain lahat. Baka pwede tayong gumala muna. By partner, game?" suggestion ni Adonis Laurent. Agad nitong inakbayan si Jehannah na kulang nalang sumabog sa sobrang pula ng mukha.

"Wait lang pare, lugi ako nyan. Wala akong partner. Di ako pwedeng magsolo. Trio nalang tayo at hayaan na natin ang dalawang presidente at gagawa pa ng PSG mga yan." mahabang lintanya ni Jhay. Nagtawanan sila na para bang nakakatawa yun.

"Oo nga pala" sang-ayon naman ni Adonis tsaka kumindat pa.

Nagkasalubong ang mga kilay ko ng makitang nag-aakbayan na silang tatlo. Nagpapanic ako,hindi ako pwedeng iwan ni Jehannah kasama ang ulupong na to.

"Jeha-" hindi na ako nakatapos sa pagtawag sa kanya dahil sa mabilis na pagkawala ng tatlo. Napamaang ako sa reyalidad, iniwan talaga ako ni Jehannah kasama ang lalaking to. Hindi ko naman kailangan ng kasama para makagala. Tama, mabuti pang umalis na'ko. Mabuti pa nga.

Agad akong tumayo at hinarap siya para magsabi sana na hindi ako gagala kasama siya. Pero, nauntog lang ako sa pader, sandali kailan pa nagkaroon ng pader sa gitna ng food court. Hawak ang noong tiningala ko ang pader.

His Property (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon