Kabanata 11

1 1 0
                                    

Kabanata 11



As I step in that prestigious gate shouting Ateneo De Manila University. I already plan everything and when I say everything it means Everything.


"Pres, dito daw po." pagtawag sa'kin ng vice president naming si Jehannah. Nginitian ko lang siya at sinundan.

Mamataan ang asul na bandera sa paligid kahit sa hallway na dinaraanan namin. Maraming nakatingin sa'min na para bang artista kami. Hindi paghanga ang hinahanap ko ngayon na gaya ng nakikita ko sa mga mata nila.

Nagtataka kong inilibot ang mata habang binabaybay ang mahabang pasilyo ng paaralang yun. Tumama ang mata ko sa lalaking nagpakilalang vice president ng student council, may mga sinasabi siya tungkol sa mga plano nila sa araw na ito. Nakapagtataka na hindi ang mismong presidente ng asosasyon ang sumalubong sa'min na siyang inaasahan ko. Expectation vs reality, it is.


"I think we be-"


"Avannah!"


Naputol ang sasabihin niya ng may tumawag sa'kin mula sa di kalayuang parte ng hallway. Sa likod namin exactly. With his Atenian blue eagles jersey shouts that he's a basketball player.


Nagsilingunan din ang mga kasamahan namin at nagtatakang tumingin sa'kin kung kilala ko ba ang lalaking yun. Nangunot ang noo ko tinatanong sa sarili kung kilala ko ba siya. Kumakaway ito sa gawi namin, sa gawi ko mismo. Kung hindi ko nakita ang singkit nitong mata at ang nagmamalaki nitong dimples hindi ko pa siya makikilala. Taga rito pala to.


"Oh, Grayson anong kailangan mo? Bisita natin ang team ni Ms. Avannah." tanong ng vice pres nila kay Grayson na kadarating lang. Yes, si Grayson ang papansin.


Hindi man lang nito pinansin ang vice pres nila at diretsong tumingin sa'kin. Hindi ako interesado sa presensiyang binibigay niya. Tinago ko ang pag-irap at tiningnan siya ng may pagtataka.

"Namiss mo ba ko?"malambing niyang tanong at biglang inilapit ang mukha sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang bench cologne niya. Pinanligo na ata nito ang cologne.


Nagsinghapan ang mga taong nakakita sa inakto niya. Hindi ako gumalaw at matapang na nilabanan ang titig niya.


"Hindi. Why would I?" sarkastiko kong tugon.

Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mukha niya at siya rin ang sumuko sa sinimulan niyang laban. Tumayo na siya ng tuwid pero hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa mukha nito.


"I know I'm the reason of your presence in here." mayabang na saad nito.


"Grayson, would you please may gagawin pa kaming mas importante."pag-agaw atensyon ng vp nila.

Hindi na rin siya pumalag at hinayaan kaming lampasan siya.

"Next time, I won't let you run away from me in the middle of our date. Avannah" I heared him chuckle.

Nilingon ko siya at nakatalikod na ito sa'min. Pabalik sa pasilyong pinanggalingan niya. Naglantaran ang mga bubuyog sa paligid ng sinabi niya yun. Napabuntung-hininga ako at nagpatuloy na sa ginagawa.


Nakakapagtaka ang inakto niya kanina. It's different from the first we met. Mas sumeryoso siya. I don't think magbabago ang personality ng isang tao sa loob ng dalawang buwan.

Sinenyasan ko ang grupo kong magpatuloy na. Hindi sila nagtanong pero alam kong kating-kati na sila magtanong knowing them madadabil ang dila nila pero minabuti nilang manahimik but still walang dapat ipaliwanag dahil wala naman yun.

His Property (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon