Kabanata 6

5 5 0
                                    

Kabanata 6



Tinulak ko siya gamit ang buong lakas ko at walang lingon-lingong tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko na binalak pang lingunin siya dahil sa kabang nararamdaman ko.

I compost myself before proceeding to my friends. Hindi ko na kaya ang gabing to. Uuwi na ko sa ayaw at gusto nila.

Si Gray ang unang nakapansin sa paglapit ko na agad akong kinawayan. Inalok niya pa akong umupo na agad kong tinanggihan.

" Why? Do you want to leave already?" takang tanong niya. Nagsitinginan naman sa gawi namin ang iba naming kasama.

Isa-isa kong kinuha ang mga pinamili ko at sinulyapan sila. " I need to go, bye." Tsaka tinalikuran sila I know it's rude pero ayaw ko na talagang magstay sa lugar na yun.

Nagpara ako ng taxi at hindi naman ako nahirapang gawin yun. "Saan tayo, ma'am?" tanong ng mamang driver. Magalang kong sinabi ang address ko.

Nakakapagtaka ang kinikilos ko hindi naman ako dating ganito. Ng dahil sa lalaking yun nagkakaganito ako. Kinapa ko ang dibdib ko hanggang ngayon mabilis pa rin ang pagtibok nito.

Para bang kabadong kabado ako sa hindi malamang dahilan. " Mawalang galang na po ma'am pero sa itsura mo ngayon para kang may tinakbuhan. Nag-aaway ba kayo ng nobyo mo, hija?" nabigla ako sa biglang pagsalita niya sa totoo lang hindi ako nagulat sa pagsalita niya dahil kanina ko pa siya nakikitang sumusulyap sa rearview mirror. Nabigla ako sa huling sinabi niya. Nobyo daw.

"Wala po akong boyfriend. Kailangan ko lang pong makauwi." sensero kong sagot. Totoo naman kaseng wala akong boyfriend. Napakaano ni mamang driver.

"Sa panahon ngayon kahit elementary palang may boyfriend-boyfriend na. Wag ka ng magdeny hija alam ko na yan." humalakhak pa si manong pagkatapos magsalita.

"Wala po talaga." matapang kong sagot. Pero tawa lang ang isinagot sakin at umiiling-iling pa. Halatang ayaw pa rin maniwala pero hindi na nagbalak pang magsalita.

Mabuti at hindi na nangulit pa si manong baka talaga masigawan ko siya. Ngayong hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman ko kung kaba ba talaga to.

Patihaya akong humiga sa kama ko at tinitigan ang kisame na para bang may magandang makikita ron. Kinapa ko ang dibdib ko at nakahinga ng maluwag ng sa wakas ay kalmado na ulit ang pagpintig nito.

Napapaisip ako sa mga inaakto ko hindi ito ako. Bumalik sakin ang nangyari kanina muntik na kaming maghalikan. Sa paraan ng pagtitig niya sakin parang hinahalukay niya ang kaluluwa ko. Ang abo niyang mga mata ay nangungusap, kay sarap tingnan.


"Your date is cheap, so are you?"



Natauhan ako sa alaalang yun. Ininsulto pa ang pagkatao ko, bakit ko ba iniisip ang walang kwentang lalaking yun.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Galing ito sa group chat namin. Tinatanong kung bakit daw ako nagwalk-out kanina. Hindi naman ako nagwalk-out.

Hindi ko na nireplyan at dumiretso sa cr para gawin ang evening rituals ko.


"Hindi ka nagreply kagabi." pambungad na tanong ni Juliana pagkapasok ko sa room.

Sinabayan niya ko hanggang sa upuan ko na nakaabang na pala ang dalawa. Nagbabasa si Serene which is minsan niya lang gawin. Matalino naman niya hindi lang nagbabasa para more resources. Marione is on her phone again, chatting.

Parehong naagaw ang atensyon ng marinig ang pangungulit ni Juliana. Wala rin naman akong balak sagutin ang tanong niya kaya inayos ko ang pagkakaupo ko at binuklat ang chemistry book ko.

At kabaliktaran ng plano ko ang plano nila kaya napilit rin nila akong magkwento.

"So, porket nagkita lang kayo ni Mr Garcia from Ateneo nagbalak ka ng umuwi ng hindi nagpapaalam ng maayos samin?." sarkastikong tanong ni Serene. She's like me na medyo sarcastic all the time.

"For sure namiss niya lang ang mga libro niya kaya umuwi yan kagabi, we all know boyfriend niya ang mga yun."lintanya ni Marione at tumawa pa. Tumingin ito sakin ng may kahulugan na hindi ko naman mawari kung ano.

"Let's end this conversation, parating na si Mr. Gomez." sabi ni Juliana na medyo nagpapanic. Maraming takot kay Mr. Gomez napakaistrikto kasi nito at laging nakasimangot kaya nakakatakot ang presensya nito.

"Before I start, Ms. Cortez your presence in the Principal's office is needed. You will excuse." diretsayahang sabi nito.

Inayos ko ang gamit ko para lumabas. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga kaklase ko tungkol sakin at sa posisyon ko.


'perks of being the sc president.' lagi kong naririnig ang ganyang lintanya sa tuwing pinalalabas ako ng klase para umatend ng meeting at palaging sumasakto yun sa quiz namin.

It's not a perks for me kung pwede lang na manatili ako sa loob ng room buong maghapon ginawa ko na. Nakakapagsisi rin minsa ang pagtakbo bilang sc president gusto ko lang noon na maexperience ang pakiramdam ng maging sc president at hindi rin maganda.

Palaging busy at kung hindi ka magaling humawak ng oras mo mawawala ka talaga sa pag-aaral. Mas marami pa ata ang existence ko sa mga meeting kesa pag-aatend ng klase sa buong taon.

"Di bale Avannah this is your last year naman, you can handle this."sabi ko sa sarili habang nasa harap ng pinto ng Principal's office.

Kumatok muna ako bilang paggalang at ng marinig ang boses na yun at pinihit ko ang door knob nito.

Inaasahan ko ang nasa kanyang table ang principal at nagbabasa ng mga reports pero naabutan ko siyang nakikipagtawanan sa mga bisita niya.

Isang lalaki at isang babae ang bisita niya kapwa nakacorporate attire. Sa suot palang nagsisigawan ng paggalang para bang automatic kang yuyuko kapag nakita ka nila.

Kung hindi lang silang nakapang-opisina iisipin kong isa silang hari at reyna na dumadalaw. They both move in a prim and proper way.

Naagaw ko ang atensyon nila at agad akong tinapunan ng tingin. Maingat kong sinarado pabalik ang pintuan at naglakad sa harap nilang lahat.

Nakangiting tumayo si Mrs. Tan ang principal namin at malambing na hinawakan ang balikat ko.

"This is Avannah Rhaine Cortez our campus President." pagpapakilala niya sakin. Ngumiti ako kahit naiilang.

"Good morning ma'am and sir." pagbati ko sa kanila. At tinanguan lang ako pabalik.

"Ms Cortez, this is Mr and Mrs Johnson one of the coordinator para sa gagawing festival natin. They are from Ateneo." paliwanag niya. At hinila ako sa bakanteng sofa kaharap ng sa bisita.

At tama ang hinala kong tungkol ito sa festival. Maraming excited para rito dahil sa taon taon itong inaabangan kaya pressure kasi dapat bago ang mga pasabog.

Tumingin tingin si Mr. Johnson sa kanyang relong Rolex at para bang may hinihintay siya. Tahimik lang ako kase ang nakikipag-usap sila kay Mrs. Tan sa hindi ko malamang bagay.

"I'm sorry Ms. Cortez, I guess you will wait fo a minute. The Atenean President is not here yet." magalang na paumanhin ni Mr. Johnson.

********
Yan muna for now. Inaantok na talaga ako.  Vote and comment. Kamsa!🧡




















His Property (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon