Chapter 6

15 0 0
                                    

" Boss anong nangyare?" Nanlalaki ang mata kong tanong mg magising sa ospital.

"You're that alcoholic that you almost died. You where poisoined because of too much alcohol." Nakabusangot  nitong sagot.

"Wow! Good thing i'm still alive!" Natatawang biro ko ngunit natigil sa pagtawa ng di man lang ngumiti ang boss ko. Napakaseryuso talaga kahit kailan. Dapat dito nilalasing para maging mabait. Magsasalita pa sana ako ng pumasok si nurse jen na ikinalaki ng mata ko. Agad na tinakpan ko ng kumot yung mukha ko.

'Waaahhh papatayin at mamamatay ng maaga si mama kapag nalaman ang nangyari saakin.bakit kasi sa ospital pang ito ako dinala eh maraming nakakakilala saakin dito.!'

"ahemm.. George di mo na kailangang magtago. Kagabi pa kita nakilalala habang nagingisay ka. Wag ka mag-alala wala akong balak isumbong ka pati narin ang ilang nakakilala sayo." Agad na lumabas ako sa paglakatalukbong at sumimangot.

"Sigurado kang wala kang nabanggit kay mama?"

"Oo noh. Saka tulog pa yung hanggang ngayon dahil sa gamot. Sasabihan ko agad yung iba." Kumindat na sabi niya at inginuso si Boss Martin. Nanlaki ang mata ko ng magets ang pahiwatig niya.

"Hindi ko siya boyfriend." Lalo itong ngumisi sa sinabi ko.

"sir tinatanggi ka niya. Sige marami pa akong aasikasuhing pasyente. Maya-maya lang pwedi ng marelease ang baliw na yan."agad na sumimangot ako sa inasta ni Nurse Jen. Pareho pa kaming namula ni Boss Martin. lakas kasi mambintang ng loka.

"Akala ko puro lasing lang nakakakilala sayo. Ilang beses kana bang na alcohol poison?everyone here seems to know you."

"Haha. Nagkataon lang." Natural yun dahil dito nakaconfine ang mama. Ilang taon na din at sa pabalikbalik niya sa ospital na to marami na siyang kasundo at nakakwentuhan.

"I see. Okay it seems that you're fine. Nabayaran ko na ang bill mo. I need to go, i have an importantmeetong na hindi kelangang i cancel. See you at the office when you're totally healed. I hope hindi kana iinom kung hindi mo naman pala kaya."

"Yes boss! See you tomorrow" Nahihiya kong pahayag. Nakakahiya naman kasi talaga, nakakainis sa lahat ba naman ng pagkakataon ngayon pa ako trinaydor ng bestfriend kong alak. Naisipan kung maglibot-libot.

Silipin ko din kaya si Mama?

"Nurse Jen matutulog ulit ako. Pakisabi nalang sa anak ko pag dumating siya mamaya na wag na akong hintayin magising. Baka asi umagahin  ulit ako ng gising. Pagod na pagod kasi ang pakiramdam ko kahit kakagising ko lang."

Napatakip ako ng bibig.napaluha ako sa narinig ko. Malayung-malayo na ang itsura ni mama 2 years ago. Halos butot balat na at aakalain mong sobrang tanda niya na.

"Opo naman. Wag po kayong mag-alala Tita Flor. Nakilala ko po yung boyfriend ng anak niyo. Gwapo po, mukhang mayaman saka mukha pong mahal na mahal yung anak niyo."

"Talaga. Pakisabi ngang ipakilala saakin. Mabuti naman kung ganun. Nag-aalala kasi ako sa batang yun. Ako kasi ang dahilan kung bakit nagbreak sila nung dati niyang boyfriend." Malungkot nitong saad.

'Ma hindi po kayo ang dahilan.' Lalo akong naluha.

"Ay naku wag niyo na pong isipin yung ex niya. Sobrang gwapo po nung boyfriend niya ngayon.kasama niya kanina nakita ko sa-     ay tama nakasalubong ko sa - aahh coffee shop  mag agahan po ako at mukhang nagdedate po."

"Talaga. Matutuwa talaga ako kung makikita ko siyang ikasal bago ako mamatay. Pero baka hindi ko na maabutan iyon."

Hindi ko na kinaya kaya tumakbo na ako paalis. Ayokong marinig kay mama ang mga salitang yun. Umiiwas ako tuwing maghahabilin siya dahil hindi ko ata kakayanin.

Paulit- ulit na nariringig ko ang sinabi niya...

Baliw na ata ako pero natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng opisina ni Boss Martin.

"Is Mr. Herrera in his office?" Tiningnan ako ng secretary niya ng nakakunot ang nuo. Halatang nagdadalawang isip itong sagutin ang tanong ko dahil siguro sa itsura kong naka hospital outfit pa. Kung hindi ko nga lang close ang guard baka hindi ako pinapasok.

"Teka miss bawal- I'm sorry sir"

Tumakbo at pumasok nalang kasi ako sa opisina ni Boss Martin. Sinubukan niya akong habulin pero nabuksan ko na yung pinto.

"Gosh Georgi ang sipag ha... Pasabog sa outfit akala ko naman bukas ka pa-" hindi naituloy ni Madam Gee ang sasabihin ng lumuhod ako sa harap ni Boss.

'Baliw na ata ako pero ito nalang ang tanging magagawa ko.'

Binigkas ko ang salitang nagpanganga sa kanilang tatlo. Nanatili lamang akong nakatingin kay Boss Martin  Hoping na papayag siya kahit imposible.

"Please Boss, be my groom."

------

She Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon