Chapter 7

1 0 0
                                    

“Please boss be my groom.”

Matinding katahimikan ang namayani.. gulat na gulat na nakatingin siya sakin habang nakaawang ang bibig. Kung sa ibang pagkakataon siguro to matatawa ako. Who would have thought na magagawa kung gulatin ng ganto ng isang Martin Herrera?

Bigla nalang may tumakbo palapit kay Martin.

“EEEEEHHHHHHHKKKKKKKK!!!!!!!!!!” sigaw ni Madam Gee.

Napatunganga ako sa sobrang gulat.

“FVCKING BASTARD WHAT DID YOU DO TO GEORGINA!” Sigaw ng galit na galit na si David habang sinusuntok si Sir Martin.

“BAKLAA PIGILAN MO!!” Hinatak ako ni Madam Gee at pinagtulakan sa dalawang nagsusuntukan. Si David lang yung nagwawala at sumusuntok habang sumasangga lang si Boss at halatang gulat.

“DDDAAAAAVVVVVIIIIDDD STOP!”

“DID THIS F*CKING BASTARD GET YOU PREGNANT?” David habang hawak si Boss Martin sa kwelyo at aambang susuntok.

“What? She’s not even my type!” Nanlalaking mata sabi ni Boss Martin.

Lalo atang nagalit si David sa sinabi ni Boss kaya muli niya itong pinagsusuntok.

“GEORGINA DO SOMETHING!!! SI PAPA MARTIN NABUBUGBOG NA!”

SYeeet hindi ko naman gustong pumagitna sa dalawa baka ako yung matamaan ng suntok ni David.

“Bakla saluhin mo ako.”

Tumingin na parang naguguluhan si Madam Gee. Umakto akong nahihilo. Tapos tumango tango  siya na parang gets. Pumikit ako at nagpatumba.

H&*()*%%^&*(!!!!

“Georgina!”

Gusto kung magmura ng tumama ang likod ko sa sahig sabing saluhin ako eh. Nagmulat ako ng kaliwang mata.

“Bakla ka sabi ko saluhin mo ako!” pabulong na galit kung sabi.

“Para mas makatutuhanan girl!” bulong niya din.

“Lakasan mo kaya ng marinig nila!” aba’t inirapan ako ng bakla.

“PAPA DAVID SI GEORGI NAWALAN NG MALAY! NAGHIHINGALO NA!”

Gustong-gusto kung manabunot pero naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa.

“WE ARE NOT YET DONE!” Sigaw ni David.

Pasimpleng nagmulat ako ng mata. Kita ko si bakla na naghandsign na call me.

She Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon