Chapter 2

14 1 0
                                    

(Georgina)

Ang sarap talagang mahiga sa malambot na kama. Feel na feel ko rin ang lamig ng kwarto ko dahil sa aircon. Kinapa ko ang cellphone ko at napabangon ng wala sa oras ng mapansing 7:45 na ng umaga.

“Holly Crap!” agad na inipon ko ang ilang papel sa mesa ko. Mamayang 8:00 eh may iprepresent kami. Kumuha din ako ng damit sa cabinet, toothbrush na nilagyan ko ng tootpaste, tumbler, susi ng kotse. Lumabas na ako at tumakbo papuntang elevator para mkapuntang parking lot. Agad na ipinasok ko sa sasakyan ang lahat ng gamit ko. 5 minutes lang naman ang layo ng kumpanyang pinagtratrabahuhan ko lalo na kapag nagmamadali ako at mabilis ang paandar ng kotse. 10 minutes kapag hindi pa ako late at walang meeting. Habang nasa kotse eh nagtotoothbrush ako. Buti nalang at may lamang tubig yung tumbler.

“Manong Arthur pakipark please.” Itinapon ko ang susi ng kotse ko sa lumapit na guard.

“Ingat po.” Sigaw niya kase muntik na akong matumba. Tumakbo nalang ako.

*BBBLLLLLLAAAAAAAAAGGGGGGG

Bigla nalang tumilapon ang lahat ng bitbit ko ng may mabunggo ako malapit sa may lift.

“I’m sorry.” Agad na pinagpupulot ko ang gamit ko.

“YOU CAN’T MARRY SOMEONE YOU MEET FOR ONLY A WEEK!” napatingin ako sa taong nabunggo ko. Nakatalikod siya at may sinisigawan sa phone. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagpupulot ng gamit.

“I won’t let you! Kelan ka ba magtitino. You’re not a kid!” Tumayo na ako ng mapulot ang lahat ng gamit. Sarado yung Lift at nakaharang sa harap yung lalaki.

“Let’s see.” Tapos ibinaba na nito ang tawag at humarap saakin. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ng makilala ito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

“You reek of alcohol and you look drunk. Wearing pyjama in your work, can’t you at least wear something decent? How very unprofessional. I need staffs that are respectable and resilient those who are capable enough of doing simple stuff like taking care of themselves. How can you work here when you can’t even handle yourself right? If you still don’t get what I’m saying I’ll make it short.” Napanganga ako sa haba ng sinabi ng boss ko at sa ganda ng pagkakabigkas niya kahit pa panlalait yung lumalabas sa bibig niya. Bumukas ang lift kaya sabay kaming napatingin duon. Muli niya akong tinapunan ng tingin. Wow tama nga ang  tsismis sa opisina na sobrang gwapo niya. Ngayon ko lang kasi nakita ng malapitan si Mr. Martin Herrera. Nakikita ko naman siyang dumaan sa hallway at nasisilayan pero iba pala talaga pag malapitan.

“You’re Fired.” Sa gulat nabitawan ko ang lahat ng bitbit ko. Pumasok siya sa lift at naiwan akong nakatulala hanggang sa sumara nalang iyon.

“WHAT I’M FIRED??!!!!!!” Inis na pinagpupulot ko yung mga gamit ko at pumasok sa kakabukas lang na lift. Nakakainis akala ko pa naman magtatagal ako sa trabahong to. Pinagsisisihan kung pinupuri ko siya ng konti sa isip ko, kasi maganda yung pagpapatakbo niya ng kumpanya tapos ganito. I’m fired, wow ha nakakainis. First time ever, madalas kasi ako ang hindi nakakatagal

“Maria Georgina Hernandez! Ano pa bang hinihintay mo! Mag-ayos kana. Gosh bakit ngayon mo pa naisipang kumapad-kupad ng kilos girl!” Tili ng head designer namin na si Sir Geoff. I mean Madam Gee.

“Tse. Wag ka ngang tumili at masakit sa tenga. Isa pa ba’t ako magmamadali eh wala na akong trabaho.” Padabog na ibinaba ko ang mga gamit ko.

“Aba. Hindi pa ba natutunaw ang alak sa sistema mo?”

“Ikaw ba naman masalubong at mabunggo ang isang Mr. Martin Herrera malamang mawala talaga lahat ng alak sa katawang lupa ko, matapos siyang gumawa ng not so enticing na speech ay isinamarize sa katagang ‘You’re fired!’!” Panggagaya ko sa huling sinabi niya na ikanalaki ng mata ng bakla.

She Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon