Chapter 3

9 0 0
                                    

(Martin)

"boss . . ." Napakunot ang nuo niya ng tawagin siyang ganun ni Gee. 

"I'm sorry hindi ko po macontact si Georgina. Nevah in my whole life na may nang indian ng tawag ko. Hindi ko na mabilang kung nakailang misscall at text ako. Ang lola mo iniisnob lahat at walang reply."Napapikit ako at napamasahe sa sintido. Another problem, kung madali lang makahanap ng matitinong empleyado ginawa ko na.

"Ano ho ba kasi yung sinabi niyo? Hindi naman sa sinisisi ko kayo, pero aba it takes really rude words to get on that girl nerves." Wala akong sinabing hindi totoo.

"Okay, done. Go now." Pagtataboy ko at ginamit ng kamay para isign yun. Sumasakit lalo ang ulo ko kapag nakikita ang animal printed niyang suot. Ipinatong ko ang ulo sa mesa at pinindot ang isang buton.

"Maria, give Maria Georgina Hernandez's files."

Mayamaya lang pumasok na ang secretary ko na may hawak na folder at ibinaba iyon sa desk kasama ng isang tasang kape.

Hinigop ko ang kape saka binuksan ang folder at unang bumulaga ang resume niya.

*pppffffftttttt

Muntik ko ng maibuga sa mismong folder ang kape kaya inilapag ko muna ang tasa sa mesa. Takaw atensiyon ang picture nito sa resume na nakayellow wig at kalat ang eyeliner. Yun lang ata ang pangit sa resume niya dahil kung titingnan ang mga achievents niya eh pag-aagawan ito ng ibang kompanya. I decided na ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapabalik siya.

Madali ko namang nahanap yung bahay niya dahil sa GPS. I was surprised na ang lapit lang pala sa opisina. Siniguro kung nakapark ng maayos ang kotse at tinanaw ang building. Nasa ika walong palapag ang unit nito. Maglalakad na sana ako papasok ng makuha ang atensiyon ko ng babaeng bumaba ng kotse sa tabi ko mismo.

"No way Meg! Ayoko na ngang maging sexytary ni David " Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Muli ko itong pinagmasdan at napansing pareho lang ang suot nito mula kanina. Hindi pa marunong mahiya at maligo to?

"Oo na. Pakisabi bukas na bukas isosoli ko yung phone niya, baka kasi ikahirap niya." May kinukuha ito sa kotse. Junkfoods habang sa kanang kamay nito eh natutunaw na popsicle. Hindi na siya magtataka kung magsipaglaglagan ang hawak nito dahil sa dami.

"Holly sh*t Megan." Sigaw niya sa harap ko at nanlalaki ang mata."call you later."

"Mr. Martin Herrera?." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"I'm here to tell you that. . . you're hired . . . Again"

Natigilan siya at matagal bago nakasagot.

"Hhmmmkaayy.." Tango tango niya dahilan para maglaglagan ang bitbit niya. Nahihirapan siyang kunin ito kaya tinulungan kung pumulot pero useless kasi nahuhulog ulit kapag inaabot ko sa kanya.

"I'll help." Ako na yung humawak ng iba.

"Gee thanks." Sumunod ako papuntang elevator.

"You didn't lock or even close the door?" Hindi makapaniwala kong tanong ko ng pumasok siya sa isang nakabukas na unit.

"Nanakawan ka ata." Natawa siya sa sinabi ko.

"No. Ganda no." Reffering to the view. Habang ako nilibot ang tingin sa kabuuan ng condo niya. Wala ngang magtatangkang magnakaw. Sa gulo ba naman mapapagkamalan mong nererenovate o storage.

"Kakalipat mo lang?"

"Nope staying here for almost a year." Siya na ata ang pinakamakalat na taong kilala niya. I don't even know if I can stay here for a night. Walang panel or sections yung condo niya. Isang malaking cabinet na bukas at nakakalat ang damit, ilang mesa, sofa, ilang upuan, at isang puti at magulong kama. Nagkalat ang papel at iba't ibang klase ng pen, kanina nga lang ay may naapakan siya.

She Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon