Chapter 11

1.2K 35 4
                                    

..."Mga Tonto!Mga Inutil!!!Ang lalaki niyong tanga!Mga hangal!iisang babae lang hindi niyo pa nagawa ang trabaho niyo?"

Pinagsasampal ni Black Rose ang mga ito sa galit.

Nakasuot ito ng black mask na nagtatakip sa totoong mukha nito.Nakasuot din ito ng lampas tuhod na black coat na akala mo ang lamig lamig sa Pilipinas.

"Eh Boss nakialam si Laguardia.Kung hindi sana nakialam ang lalaking iyon napasakamay niyo na sana si Ms.Lee." ani Brando ang kanang kamay ni Black Rose.

".....Laguardia?At sinong impakto naman iyan?"anito na hawak ang pamaypay at pinapaypayan ang sarili.

".... Boss si Lieutenant Giuseppe Laguardia ang team leader ng Elite Warrior Agent." anang tauhan na biglang yumuko hindi magawang tumingin sa kaniyang amo sa pag aakalang ito ang mabuntunan ng galit.

"..Uhm...Elite Warrior Agent huh!

So, sila pala ang Agent na may hawak ng kaso ng grupo natin.

..uhh Lieutenant Laguardia let's see.Hindi ako tanga para mapabagsak ng isang Elite Warrior Agent.

Ang mga lintik na Elite Agent na iyan ang sisira sa mga plano.Kung mapapatay niyo siya gawin mo mga hangal."

"Yes Boss!" sabay sabay na tugon nang mga ito.

"Sige mag silayas kayo sa harapan ko."pasigaw na utos nito.

" Sarah!"sigaw nito.

"Yes Ate may iuutos ka ba sa akin?" ani Sarah kay Black Rose.

..."Ikuha mo ako ng juice!"utos nito.

"Opo Ate,ah nga pala Ate may package na dumating para sa iyo.Pinasok ko na sa kwarto mo."ani Sarah.

" Hindi mo ba binuksan ang package ko?"naghihinalang tanong nito.

"No, alam mong hindi ko ugaling makialam ng mga gamit mo." ani Sarah.

"Good! Sige na ikuha mo na ako ng juice." taboy nito sa dalaga.

Si Sarah G Lasoy ay kapatid nila sa ina ito ang bunso na sumunod kay Bianca.

Ginagawa niyang utusan ito na wala namang reklamong sinusunod nito ang mga pinagagawa niya.

Hindi magaan ang loob niya kay Sarah dahil ito hindi naman anak ng kanilang tatay pero mas ito pa ang itinuturing na anak sa kanilang dalawa ni Bianca.

Galit na galit ang tatay nila dahil sa pagiging bakla nila.

Wala namang nakakaalam na kapatid nila ni Bianca ang dalaga dahil anak ito ng pangalawang asawa ng tatay nila.Walang dugong nanalantay na nag uugnay sa kanila.

Mas mahal ito ng tatay nila dahil ito ang mabait at mapag mahal na anak.

Sila ni Bianca ang madalas pagalitan at bugbugin ng kanilang ama.Hindi nito matanggap na ang mga anak nitong lalaki ay mga bakla, salot at nagbibigay ng kamalasan sa kanilang ama.

Kaya naman naisipan nilang magbukod na mag kapatid.Si Bianca silang dalawa ang mag kasangga sa lahat ng problema.Silang dalawa ang close at compatible sa lahat ng bagay.

Mahal na mahal nila ang isa't isa kaya naman ng malamang pinatay ang kapatid niya sinumpa niyang gaganti siya.

Babalikan niya ay may kagagawan ng ito.Itutuloy niya ang mga pangarap nilang magkapatid.

Mababaw lang naman ang mga pangarap nila.

Ang maging isang ganap na dyosa.Maging isang totoong babae na mamahalin din ng mga lalaki at hindi iiwan.

Dahil gipit din sila sa buhay kaya hanggang pangarap lang sila pero unti unti nilang tinutupad sa pamamagitan ng iba't ibang raket.

Plano nila ni Bianca na mag pa opera upang maging tunay na babae.

Dahil nagipit silang magkapatid nagkaroon sila ng malaking pag kakautang kaya naman iba't ibang raket ang pinapasok nila upang makakalap ng pera.

Dahil sa pera kumapit sila sa patalim, merong nang scam sila gamit ang iba't ibang account at identity.Unti unti nilang binabago ang itsura upang hindi makilala ng mga taong nabiktima nila.

Dahil hindi naman ganun kalaki ang pera nila naisipan nilang magkapatid na humanap na sasali sa grupo nila na may pagka ambisyoso na tulad nilang bakla.Kaya naman lahat ng paraan ay ginawa nila upang mapapayag ang mga ito na umanib sa binubuong organisasyon.

Ang perang kinikita ng mga bakla ay pinagsasama sama nila.Ginagamit nila sa pampa opera upang gumanda, pinambabayad sa lahat gastusin at iba ibang pangangailangan.

Kaya naman mas lumalawak ang mga gawaing nakakapinsala na sa iba.

Nag papalakas sa loob ni Black Rose ay ang pagtatago ng totoong katauhan sa iba.

Maliban kay Sarah at Brando na siyang kanang kamay slash secret lover ni Black Rose.

Pinagmamasdan niya ang sariling mukha sa isang malaking salamin.

Sa unang tingin walang mag aakalang isa siyang transgender.

May malaking boobs siya na katulad ng mga babae.

Mas proud pa nga siya sa boobs niya na tayong tayo kumpara sa mga babaeng hindi pantay ang mga hinaharap at lumaylay na.

Marahan niyang hinihimas ang magkabilang dibdib sa harap ng salamin.

Pinagmamasdan mabuti ang angking kagandahan.

Pero nadidismaya na ito pag tumitingin sa ibaibang parte ng katawan.Sinong hindi madidismaya kung ang magandang mukha at sexy na katawan ay may lantang talong na nanlulumo sa kaniyang ibaba.

Nagtagis ang mga ipin niya dahil sa pesting Elite Agent na mga iyon hindi natuloy ang operasyon niya.

Inuna niyang asikasuhin ang burol ng kapatid niya.

Gumastos siya ng malaking halaga upang madagdagan ang mga tauhan at ang pag bili ng mga smuggling fire arms na ginagamit ng kaniyang tauhan.

Gumastos siya upang makapag higanti.Gusto niyang pag bayaran ng kung sino man ang pagkamatay ng pinaka mamahal na kapatid.

Malaki rin ang utang na binabayaran niya sa isang negosyanteng nag pahiram sa kaniya ng pera.Habang tumatagal lumalaki ang interest ng utang nito kaya naman plinano nilang kidnapin ang anak ng isang business tycoon.

Hindi lang malaking pera ang makukuha nila sa ransom kung hindi limpak limpak na salapi kung hindi lang pumalpak ang mga tauhan niya.

Makakabayad na sana siya sa malaking pagkaka utang sa matandang iyon.

Nag tayo rin siya ng isang Night bar para sa mga mala dyosang bakla na itatalaga sa Precious Night Bar.

Malaki-laki din ang papasok sa kaniyang kaban kung hindi papalpak ang baklang pina hired niya.

Mas magandang hindi malaman ng mga customer nang mga ito na hindi totoong babae ang mga nag gagandahang dyosa ng Precious Night Bar.

Target ng Bar na ito ang mayayamang negosyante na hayok sa laman.Ang mala Venus na ito na ang bahalang rumaket kung paano nila mahuhuthotan ng pera ang mga customer.

Binuksan na niya ang package na sinasabi ni Sarah.

Napangiti siya sa dalawang fake na prosthetic mask na magagamit niya upang walang makakilala sa kaniya.Hindi na niya kailangang mag suot ng pesting mask na madalas niyang gamitin.

Pinagmasdan niyang mabuti ang prosthetic mask na hawak.Mukha itong totoong totoo.Hindi agad mapagkakamalang mask lang ito dahil mukhang balat talaga ito ng isang magandang babae.

May mga mamahaling wig din siya na magagamit.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at pinag masdan ang larawang pinadala ng mga tauhan.

Kahit anong gawing search niya sa internet wala siyang makitang larawan ni Lieutenant Giuseppe Laguardia.

"....uhm..not bad you're hot and yummy I think makakaharap din kita Laguardia.Let's wait and see kung kaya mo akong pabagsakin."

The Heartless GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon