CHAPTER 2

7.5K 134 1
                                    

"WHAT!?pero Uncle Sam hindi ko trabaho ang maging bodyguard.Lalo na sa isang iyon No way!!.For sure walang ginawa kundi ang magbigay ng sakit ng ulo sa kaniyang Ama."reklamo ni Giuseppe sa kausap sa telepono.

Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kanyang pad sa West Virginia ng bulabugin ng tawag ng kanyang Uncle Sam na nasa Pilipinas.

Hindi talaga siya tinantanan ng matanda hanggat hindi siya pumapayag.

"Eh Uncle mayaman naman iyang kaibigan niyong iyon bakit hindi na lang mag hired ng magagaling na bodyguard para sa anak niya?Im sure kahit gaano pa kamahal ang ibayad nila ay barya lang kay Mr.Lee iyon.

Ikaw ang naatasan kong gagawa nun Giuseppe at sa iyo ko lang pwede ipagkakatiwala ang anak ng kaibigan kong iyon.Hindi mo pwedeng ipasa sa iba tandaan mo iyan.Dahil pag may nangyari sa kanyang hindi maganda ikaw ang sisisihin ko.Isa pa may kinalaman din ang bagay na ito sa hawak niyong kaso ng Black Poison Syndicate.

Pinadala ko na sa opisina niyo sa Colorado ang mga kakailanganin at ang ibang mahalagang impormasiyon laban sa kanilang grupo.Ikaw Giuseppe ang bahala sa grupo mo kung anong dapat gawin.Make sure si Kristine ang nakatoka sa iyo."

Walang paalam na tinapos na nito ang usapan.

"Tsskk....A bastard old man!Pati ba naman ako Old man gagamitan mo ng ganiyang trick fuck! Hmm how can I refuse kung binabaan na agad ako ng telepono tssk.."

Nagkagulo ang grupo sa nakitang mga picture sa monitor.Kanya kaniyang reaksyon ang bawat isa sa kanila..

" What if kung baog pala ung babae?transgender na ba agad agad? Kulit ni Hunter. 

"Nice asking bro" kung baog man mga babaeng napatulan mo magpakasaya ka na dahil hindi dadami ang lahi mo!" kantiyaw ni Skye dito.

" Ulol" binato ito ni Hunter ng nilamukos na papel kahit kailan ka talaga panira ka!"

" Guys listen,hindi ko sinabing baog iyong girl eh transgender agad.Kaya may list tayo ng target natin hindi ba?kaya nga mina-manmanan na sila ng ibang tauhan ni Uncle Sam.

Kahit kailan talaga kahit anong seryoso ang meeting nila napupunta pa rin sa mga kalukuhan ng mga ito lalo na pag babae ang pinag uusapan.Ilang araw pa lang sila sa Pilipinas kaya naisipan nila na mag relax muna sa kanilang teritorio at mag lagi sa Camp Site at matulog sa log cabin ng grupo.

Ginabi na si Kristine galing sa kanyang mga kaibigan ng makitang pinapara siya ng tatlong babae.Malayo pa lang nakita na niyang tumatakbo ang mga ito na para bang hinahabol ng kung sino.Walang pag- alinlangan niyang hininto ang kanyang sasakyan.Mukhang tama ang hinala niyang may humahabol sa mga ito kaya walang tanong tanong na pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan.Walay lubay ang pagsunod sa kanila ng dalawang sasakyan na mabilis din ang takbo pilit na pinapantayan ang sasakyan nila.Sa mukha palang ng mga ito hindi sila tatantanan.Tumulong na rin lang siya lulubusin na niya.Nababakas sa mga mukha ng mga babaeng isinakay niya ang takot.

Ilang beses na binabangga ang kanilang sasakyan na nag papasigaw sa takot ng isa sa tatlong isinakay niya.Hindi siya papayag na makorner sila ng dalawang sasakyan ng mga ito kaya naman nagbwelo siya at binangga niya rin ang isang sasakyan na nagawang humarang sa isa pang sasakyan kaya nag karoon siya ng pagkakataon na patakbuhin ng matulin ang dala niyang Subaru Impreza.

Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan na para bang nasa racetrak lang at nakikipagkarera.Kung kasama niya lang ng mga oras na iyon ang Daddy niya tiyak na magagalit na naman ito sa kanya.Ayaw na ayaw nito na nagmamaneho siya na para daw hinahabol ni kamatayan.Galit ito sa kanya pag nalalaman nitong sumasali siya sa mga car racing.Masyado daw delikado ang ganung bagay lalo na at babae siya at nag- iisang anak lang nito.

The Heartless GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon