Chapter 10

1.2K 45 7
                                    

Dapit hapon na ng makakita sila ng isang bahay kubo sa hindi kalayuan.Nakailang tao po na sila pero walang sumasagot kaya naman nangahas ng pumasok si Giuseppe nang malamang hindi naman ito nakalock.

"Hoy anong ginagawa mo dyan?"pinigilan niya ang binatang pumasok dito baka kasi makita sila ng may ari ng bahay at habulin sila ng itak.Mapagkamalang magnanakaw or akyat bahay.

Hindi naman siya nito sinagot kaya naman sa labas lang siya naghintay baka mamaya dumating ang may ari.

".. Hey come here!" tawag nito sa kaniya at muling lumabas ng bahay kubo.

"..Halika ka na." aya nito sa dalaga.

"Ayoko, Baliw ka ba mamaya dumating iyong may ari at mataga tayo.Tresspassing ginagawa natin."

"..Ms.Lee sa tingin ko naman hindi pupunta dito ang may ari nitong kubo.

Walang nakatira dito sa palagay ko pahingahan lang ito ng magsasaka.Iilang piraso lang ng gamit ang meron sila sa loob.

"...C'mon may poso sa likod bahay.Maligo ka na away laway ka na!" tukso nito.

"Hoy Lieutenant Laguardia laway mo ang naamoy mo.Paliguan mo ba naman ako ng laway mo!" asar na sagot niya at masamang tingin ang pinukol sa nakangising binata.

Hinatak na siya ni Giuseppe papasok ng kubo.

"...Gusto mo bang paliguan kita?"nakangising tanong nito.

" Hindi na!Iyang ngiti mo mukhang hindi lang paliligo ang gagawin mo."nakairap niyang tugon na tinawanan nito.

"...Go!" Tinuro nito ang maliit na banyo na may timba na puno ng tubig.Galing sa poso ang tubig na binomba ng binata.

May inabot itong nakatuping tela isang lumang duster na mukhang malinis at isang scarf.

"...Oh saan mo naman ito kinuha naku mayayari talaga tayo sa may ari nito."

"That scarf is mine nakalagay lang siya sa bulsa ng jacket.Kay Mommy iyan naiwan lang sa kotse.Use it as towel iyong daster nakatupi diyan niya lang nakuha sa isang plastik.

Go maligo ka na." anito na mahinang hinampas ang pwet niya.Tatarayan niya sana ito ng warningan siya nito.

"...Ah ah Im warning you,I will kiss you if you dont stop." He wink inirapan niya na lang ito at nagtuloy sa banyo na wala namang pinto.

Isinampay niya sa sampayan na nasa loob ng banyo ang dala niya.

"..Wag na wag kang titingin dito." anang dalaga.

"..I already saw it nahawakan ko pa nga!" tugon nito.

"...Laguardia!!!" warning niya.

"Alright, mamaya na lang."nakangising tugon nito habang abala sa abuhan(kusina)

"...Anong sabi mo?"

"...Wala, maligo ka lang diyan."anito na abala sa pag papaapoy at nag salang ng mainit na tubig para sa salabat.

Wala siyang ibang nakitang laman ng kusina.Asukal at luya lang ang meron kaya nag salang siya sa maliit at malinis na kaldero.

Kung nasa sariling bahay ang dalaga malamang kulang ang isang timbang tubig pampaligo niya.

Dahil isang timbang tubig lang ang nasa banyo kaya pinag tiyagaan niya.Hindi na niya ginamit ang maliit na sabon na nakita.

Hindi siya gumagamit ng sabon na ginamit ng iba.Ang sachet ng shampoo ang ginamit niyang pang sabon sa kaniyang katawan.Hindi na niya binasa ang kaniyang buhok.

The Heartless GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon