Chapter 25

1.3K 36 5
                                    

Bilisan mo ngang kumilos baka abutan ka ni Giuseppe."ani Lauren kay Brando.

Ang secret lover niya at kanang kamay sa mga tauhan ni Black Rose.

"Tang ina!bakit ba kasi dito ka naglalagi sa Condo na 'to meron ka namang bahay, kailangan ko tuloy pumuslit na pumunta dito." reklamo ni Brando.

"Gago wag ka na mag reklamo hindi ka pwede makita ni Laguardia kilala niya iyang mukha mo.Alalahanin mo nakita na niya ang mukha mo nung tangkain mong kunin si Ms.Lee kung hindi ba namn kasi kayo palpak." ani Lauren.

"Oo na sige na aalis na!" anito na lumabas na ng kaniyang Condo Unit.May usapan kasi sila ni Giuseppe na magkikita at susunduin siya nito.




Kumulo na naman ang dugo niya ng makitang magkasama ang dalawa.

Si Giuseppe at Lauren na kumakain sa isang Restaurant, hindi nila kasama ang anak nito.

Nakita naman siya ng binata pero hindi man lang ito lumapit sa kinaroroonan niya.

Nawalan na siya ng ganang kumain kaya naman niyaya na niya si Mai na umalis.Tinawagan niya si Jared at pinapunta sa kanilang bahay may pag uusapan sila.

Alam niyang makakarating sa binata na nagkikita sila ni Jared.

Ayaw naman niyang maging ikalawa lang sa buhay ni Giuseppe at patuloy lang na masasaktan.Hindi niya kayang makita ang mga ito na lagi na lang mag kasama.Hindi naman kasi imposible na lagi ngang magkasama ang mga ito.Dahil ito nga ang babaeng mahal ng binata siya ano ba nito?Hinahabol lang siya nito dahil sa dinadala niya.

Kung talagang ito ang mahal ng binata wala na siyang magagawa kung hindi hayaan na lang iyo sa totoong mahal nito.

Kung may nangyayari man sa kanilang dalawa ay dahil na rin sa init ng katawan hindi dahil sa mahal siya nito.

Nagiging marupok lang siya dahil mahal na mahal niya ito.

Nakapag pasya na siya na tuluyang umiwas sa binata at magagawa lang niya iyon kung magpapakalayo layo na siya.

Kung hindi niya gagawin iyon paano naman siya?Lagi na lang ba siya masasaktan?Everytime na magkikita sila hahantong na lang ba sa kama tapos ang ending hindi naman pala siya ang pipilin?

Nasasktan na naman siya hindi na naman niya mapigil ang kaniyang emosyon.

"Hey, umiiyak ka na naman ba?Si Laguardia na naman ba ang nagpaiyak sa iyo?" ani Jared na kararating lang.

Hindi kumibo ang dalaga na hindi maiwasang pumatak na naman ang luha.

"Stop crying makaksama sa baby iyan.Tang inang Laguardia na iyon, wala na ba siyang alam gawin sa iyo kung hindi ang paiyakin at saktan ka?"

"This the last time na iiyakan ko siya." ani Kristine na pinapahid ang luha.

"Pang ilang last time na iyan?Makikita niya kung anong pinakawalan niyang hayop siya.

Lets get married Im willing to be the father of your child.

Wag na wag makalapit sa iyo ang Laguardia na iyon." Galit na galit si Jared dahil nasasaktan din siya pag nakikitang nasasaktan ang kaibigan.

"Pwede tayong mag pakasal kahit civil lang tapos lilipad tayo ng Korea para makapag simula na walang laguardia na iyan ang makikialam.We can learn to love each other naman di ba?" ani Kristine na umiiyak.

"Tsk..stop crying okay, Im here to support you.

You're right we can learn to love each other for the sake of your baby." ani Jared na hinagod ang likod ng dalaga upang aluin.

"Nag pa book na ako ng flight for Korea, at sa isang araw na iyon." ani Kristine dito.

"Good!"

Tumambay pa ng ilang oras si Jared sa bahay ng dalaga upang samahan ito at libangin.

Nagkasundo na silang manirahan sa Korea for good.

Sa Korea din kasi naka base ang binata na may sariling negosyo sa Korea.

Wala naman problema kay Kristine kung ito ay matutunan niyang mahalin.Bukod sa naging boyfriend na niya dati ang binata.Mabait at thoughtful ito kaya hindi siya mahihirapang mahalin ito kung sakali.

Samantala, muling hinilot ni Giuseppe ang noo na bahagyang sumakit.Alam niyang galit na naman sa kaniya si Kristine.

Hindi nga niya maintindihan ang mga sinasabi ni Lauren dahil ang isip niya ay nasa dalaga.

Nagkataon pa na sobrang busy niya may mga ka meeting pa siya na dadaluhan.

"Tsst...sininyasan ni Maria Losel si Eunize na lumapit dito.

" Ano bakla alam mo na ba kung nasaan ang Bianca na iyon?Para malaman na natin kung saan niya dinala ang anak mo."ani Maria Losel.

"Iyon na nga eh paano ko mahahanap ang anak ko?Ayon sa mga bakla dito matagal ng patay si Bianca.Ni wala akong idea kung sino iyang Black Rose na iyan, siya lang nakakaalam kung nasaan ang anak ko.

Namimiss ko na ang baby ko Losel gusto ko na siyang mayakap at makita." Umiiyak na naman ito dahil nahihirapan na siyang hanapin ang nawawalang anak.

"Bakla wag ka ngang umiiyak, tiwala lang mahahanap din natin siya."

"Paano?Daig pa natin ang naghanap ng karayom sa bunton ng dayami."

"Bakla wag ka ngang nega, tiwala lang sa sarili mahahanap din natin si baby.

Lintik kasing mga bakla iyan mga salot sa lipunan.Ang laki ng pwerwesyong dala kala mo kasi mga dyosang nilalang.

Mga ambisyosong unggoy ang mga lintik may saging ng nakalawit gusto pang makatikim ng saging ng iba."nanggagalaiti si Maria Losel sa mga ito.

" sshh..iyang bibig mo bakla baka may makarinig sa iyo maaga tayong matigiboom nito.Hindi ko pa nga nahahanap ang anak ko."

Nagmamasid lang sa paligid ng Precious Night bar si Josh.Madalas siyang magpunta rito.Alam niyang kay Black Rose ang nasabing bar.May tao siyang hinahanap, gusto niya ring makilala at malaman ang totoong identity ni Black Rose dahil masyado itong mailap.

Mag dadalawang buwan pa lang siya sa grupo ng Black Poison Syndicate.

Maraming mga nakapaligid sa kanila ang may kaniya kaniyang sekreto.Bukod kay Black Rose may isang babae rin siyang hinahanap.

Umorder siya ng alak nagpapanggap siyang customer upang hindi mapansin ang kaniyang pag mamatyag sa mga taong nakapaligid.

Napansin niya na mga big time ang mga customer ng nasabing Bar.

Maraming magagandang babae ang empleyado ang Precious Night Bar na alam naman niyang hindi totoong mga babae.

Mga bakla ito na nagpapanggap na totoong babae at piling pili lang ang mga baklang pinapasok nila sa nasabing Bar.

The Heartless GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon