Chapter 22

1.2K 48 7
                                    

Malayo na ang agwat ng Aston Martin na ginagamit ni Kristine siya ang nangunguna sa lahat ng kapwa niya racers ng makaramdam ng pagkahilo, nag slown down ng speed nang sasakyan ang dalaga upang hindi siya maaksidente, malapit na rin naman siya sa finish line.Ilang dipa na lang ang layo niya sa finish line nang maunahan ng isang humahagibis na black ferrari.

Nang makarating sa finish line itinabi niya ang sasakyan dahil sa hilong nararamdaman.

Ilang minuto ang pinalipas niya upang magpalipas ng pagkahilo.

Flash ng mga camera at kaniya kaniyang interview ang mga reporter sa naging Champion ng Grand Prix.

Lumabas siya Aston Martin ni Diego nang maging okay na ang pakiramdam niya.Tinanggal niya ang kaniyang helmet, may mga reporter na lumapit sa kaniya upang mainterview siya.

Flash ng camera sa kaliwa't kanan niya, ang iba naman ay nagpapakuha lang ng mga larawan.

Hindi nawawala ang pag igting ng panga ni Giuseppe habang nakatingin sa mga racing car napansin niya ang isang sport car na malapit sa finish line na biglang nag slow dowm kaya naman naabutan ito ng isang black ferrari at nalampasan ito.

Wala siyang idea kung anong kotse ang gamit ni Kristine.

Napansin niya lang ang sports car na Aston Martin na red, nakalampas na ito sa finish line at itinabi lang ang sasakyan sa gilid at matagal bago lumabas ang sakay nito.

Malakas na kabog ng dibdib niya ng makitang lumabas ang sakay nito.

Hinuhubad nito ang helmet para bang biglang huminto ang pag inog ng mundo ng makita si Kristine.

Nagmamadaling nilapitan niya ang dalaga.Maraming nakapaligid dito na mga reporter at mga taong gustong magpakuha ng picture sa dalaga.

Madilim ang mukha niya at kuyom ang kamao na nilapitan ito.

Mahigpit na hinawakan sa braso ang dalaga na napasinghap ng makita siya.

Wala siyang pakialam sa mga taong nakapaligid dito.

Hinila niya ito palayo dahil hindi sila magkakaintindihan sa sobrang ingay ng palaigid.

"Aray ano ba!Saan mo na naman ako dadalhin?"piglas nito pero hindi magawang makawala dito.

" ....Sakay!"mariing utos nito sa nakakatakot na tono.

Sumakay naman ang dalaga at hindi man lang tinapunan ito ng tingin.

"What do you think you're doing ha?Putang ina naman!Hindi ka dapat sumasali sa ganiyan.

Hindi mo ba iniisip iyang nasa nasa sinapupunan mo ha?

Ano, sa sobrang galit mo sa akin pati anak ko idadamay mo?"

Sa galit nito sinuntok nito ang manibela kaya biglang tumunog ang busina ng sasakyan.

Napaigtad ang dalaga sa gulat.

Ganiyan ba kalaki ang galit mo sa akin ha, para gumanti ng ganiyan?Sige oh ito saktan mo ako, sampalin mo ako kung iyan ang gusto mo, pero wag mo lang idadamay iyang anak ko.Hindi mo inisip habang nakikipag karera ka baka maaksidente ka.

Hindi mo inisip na may batang madadamay paano kung nakunan ka?Sige nga hindi mo iniisip iyan.

Oh ayan galit ka sa 'kin di ba ayan kung gusto mo ko sampalin gawin mo."

"I don't want to waste my time with you, Besides,I don't want to see you anymore, do I?your not supposed to be here!

Sa tingin ko naman mag kasama kayo!Hindi ko nga alam kung bakit nandito ka pa.

Hindi mo na lang ibuhos iyang oras mo dun sa mag ina mo?"

"Anak ko rin iyang dinadala mo kaya may karapatan ako!"

"Wala kang karapatan sa baby ko, kaya pwede ba tantanan mo na ako!

This is the last time I will talk to you.

From now on I don't wanna see your face anymore, kumukulo ang dugo ko."

Nakaramdam ng kirot sa dibdib ang binata sa mga binitiwan nitong salita.Hindi niya kakayaning hindi niya ito makita lalo na ngayon at magkakaanak pa sila.

Iyong naiisip niya sa iba ito mag papakasal ay hindi niya matatanggap.

Naihilamos niya ang palad sa mukha, mabigat ang dibdib niya.

Baba na sana sa kaniyang sasakyan si Kristine ng pigilan niya sa braso.

"..Come on ihahatid kita sa bahay niyo."

Nanahimik na lang ang dalaga sa kinauupuan.

She closed her eyes because she was dizzy again.Ngayon pa lang niya nararamdaman ang mga senyales ng pag dadalangtao.

Tahimik lang na nag mamaneho ang binata.

Nang makarating sa bahay ng dalaga ay agad itong bumaba na walang paalam sa kaniya.

Hindi na rin bumaba pa si Giuseppe ng kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ang kaniyang kotse.

Nagtuloy siya sa isang bar na madalas nilang puntahang mag kakaibigan.

"Hey," bati ni Hunter na nilapitan si Giuseppe na umiinom ng alak.

Sinulyapan lang siya nito at muling tinungga ang alak na nasa bote.

"We all know si Lauren ang nag iisang babae sa buhay mo.Lauren is here alive and kicking, hindi ba dapat masaya ka bakit mukhang pinag bagsakan ka na naman ng langit dyan!" ani Hunter kay Giuseppe na nilulunod ng alak ang sarili.

"Yeah, I still loved her for five years na alam kong patay na siya but now everything change.I dont know everytime Im with Lauren, Kristine always in my mind." anito na muling tinungga ang alak.

"Always remember bro you had a son.Bukod kay Lauren may Niccolo ka pa, just leave kristine alone.Hayaan mong mag pakasal iyong tao sa lalaking gusto niya."ani Storm na bagong dating.

" No!..I cant!, I love Kristine!biglang bulalas nito.

Nagkatinginan si Storm at Hunter.

Naiiling sa kaibigan nilang nagpapakalunod sa alak.

"If you love Kristine how about Lauren and Niccolo?brod hindi pwedeng dalawa silang babae sa buhay mo.If I were you pipiliin ko iyong mas matimbang sa aking puso at kung saan ako liligaya hindi iyong responsibilidad mo lang kaya mo pinipili." payo ni Storm sa kaibigan.


"Mam Kristine si Sir Giuseppe po hinahanap kayo." anang isang katulong niya sa bahay.

"Hayaan mo siya sabihin mo tulog na kamo."

"Eh Mam lasing na lasing si Sir mukhang nakatulog na sa labas ng pintuan."

Pinuntahan ito ng dalaga kasunod ang kaniyang kasambahay.

Lasing na lasing nga ang binata na nasandig sa gilid ng pintuan.

"Tawagin mo si Carla tulungan niyo iakyat iyan sa kwarto." Utos niya.

Inakyat nila ito sa taas habang siya nakayakap sa katawan nito para alalayan ang binata, si Carla sa gilid nakaalay at ang isa naman ang nasa likod.

Hirap na hirap sila dahil malaking tao ito at mas matangkad, dinala nila ito sa isang guestroom.

"Iinom inom hindi mo naman pala kaya, tapos ako ang iistorbohin mo." naiinis niyang pinunasan ito at hinubad ang tshirt na suot ng binata.

Pinunasan niya ang hubad na katawan nito.

"Sunod na maglalasing ka dun ka sa Lauren mo magpunta!"maktol niya.

Naramdaman niyang pumulupot ang braso nito sa baywang niya at hinatak siya kaya naman bumagak siya sa katawan nito.Mariing halik sa labi ang ginawad nito.



The Heartless GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon