Chapter 18

1.1K 47 9
                                    

"Hey,lalim ng iniisip natin ah!" puna ni Storm kay Giuseppe kasunod nito si Josh na naupo sa bakanteng upuan at nag salin ng alak sa wine glass ganun din si Storm.

Nilingon lang ito ng binata at muling ibinaba ang paningin sa basong may alak.

"Is it about your job or a woman?"tanong ni Storm sa binatang nanahimik.

Hindi pa rin ito kumibo naiiling lang sa isang tabi si Josh.

" Now you know the feeling how I felt when you asked me to stay away from the woman I loved.

"You know that I have a reason!" Maiksing tugon nito.

"...Yeah!Thanks God Im not in your situation right now, yours is more complicated.Ako at least isang babae lang pinagkaganun ko pero ikaw Brod tsskk...malupit ka!" ani Storm na nakangisi.

"You know that Lieutenant Laguardia loves to swim." biro ni Josh kay Storm.

"I know that!Mahilig lumangoy at mamangka sa dalawang ilog!Tinalo niya pa si Hunter" Sabay tawa ni Storm.

Masamang tingin ang pinukol ng binata sa dalawa.

"You two get out of here!" He said na tinawanan lang nang dalawa.

"So, tuloy ba ang kasal niyo ni Lauren?Its been five years nang magplano kayong mag pakasal.Ngayong buhay pala siya siguro naman matutuloy na ang naudlot niyong kasal, especially now that you have a child." ani Storm.

"I dont know!"simpleng tugon nito na muling tinungga ang alak.

" Syempre saan pa ba mapupunta 'yan kundi sa kasal din naman.Buhay na buhay si Lauren plus may anak kayo si Niccolo.Five years ang nasayang kung hindi niyo naman itutuloy ang naudlot niyong kasal."ani Josh.

"Tama si Josh, alam naman naming lahat sa Elite kung gaano mo kamahal si Lauren.Walang ibang babae pumalit sa kaniya kahit alam ng lahat na patay na siya, pero ikaw you still love here.Isang babae lang naman ang na attach sa iyo sa tagal ng panahon.Siguro naman ay wala lang sa iyo si Ms.Lee." ani Storm.

Tahimik lang na umiinom si Giuseppe nakikinig lang sa dalawa.

"I heard that she is dating her ex-boyfriend." ani Josh na kumindat kay Storm.

"What is the name of her ex boyfriend?" tanong ni Storm kay Josh.

"Jared Benitez,balita ko nga magkasundo ang dalawang iyon.Laging mag kasama Jared always there for Kristine." ani Josh na nakangisi.

"Pati ata sa pakikipag karera ng sasakyan suportado niya si Kristine." ani Storm.

"Yup, nakakatuwa hindi ba?" Nakangisi si Josh habang sinasabi iyon.

Mariing nakakuyom ang kamao ng binata sa mga naririnig kahit tahimik lang na umiinom.

Mula nung gabi na umalis siya hindi na niya nakakausap ang dalaga.Nagpalit din ito ng number kaya hindi niya makontak.

Ito na rin ang kusang umiiwas sa kaniya.

Hindi niya rin magawang puntahan ang dalaga dahil kay Lauren at Niccolo na lagi niyang kasama.

"Anong nakakatuwa dun?Hindi ba dapat pa niyang pigilan si Kristine?Her Dad is right, what if she had an accident in car racing?"biglang singit ni Giuseppe sa paangil na tono.

Nagkatinginan lang ang dalawa at hindi pinansin ang binata.

" Actually Im a fan of Kristine,I always see her in magazines.kung sakali ba na manligaw ako kay Kristine papasa kaya akong maging boyfriend niya?"tanong ni Josh sa kausap na si Storm.

"Well, you're good looking sa tingin ko naman may pag asa ka brod try mo lang ligawan."

"Kayong dalawa wala ba kayong ibang topic na mapag uusapan at dito niyo pa talaga pinag usapan iyong tao." Galit na tumayo ito upang iwanan sana sila ng dumating naman si Xavi na may dalang newspaper.

"Hey Lieutenant Laguardia aalis ka agad?kararating ko lang, anyway I have something for you." ani Xavi.

Tahimik na umupo muli si Giuseppe sa kinauupuan.

Pero instead na harapin nito si Giuseppe ang dalawa ang binalingan nito.

"I have a good news mga brod!" anito.

"And what is that?" ani Josh

"Ms.Lee is getting married to her boyfriend named Jared Benitez. Ito basahin niyo nakalathala sa newspaper ngayong araw lang.I heard minamadali ang kasal nila." balita ni Xavi na inilapag ang hawak na news paper sa table.

Hindi ito dinampot ni Storm at Josh na nagkatinginan pa bago muling sinulyapan ang kaibigan na tahimik lang.

Madilim ang mukhang dinampot ni Giuseppe ang dyaryong nakalapag sa mesa.Sinulyapan ang nasa front page na nagsasabing ikakasal na nga ito.

"..Kristine Lee the only child of a multi millionaire business tycoon is getting married soon to her boyfiend Jared Benitez."

Nalamukos ng binata ang hawak niyang dyaryo at hindi na binasa pa kuyom ang kamao at umiigting ang panga nito.

"Ikakasal agad agad?Hindi kaya buntis si Ms.Lee kaya minamadali ang kasal?" parinig ni Josh na pigil ang matawa.

"Well baka nga naman,pwedeng minamadali nila baka maunahan sila ng media na kakalat kung sakaling pregnant nga si Ms.Lee not bad kasi may boyfriend naman siya." sakay naman ni Storm.

"Baka isa sa reason niya eh kung buntis siya tapos makakaladkad nga naman ang Daddy niya sa iskandalo kaya minabuti na mag pakasal na lang sa kaniyang boyfriend." openion ni Josh na pinaparinig sa binata.

Madilim ang mukha na umalis ang binata na walang paalam sa kaniyang mga kaibigan.Pinaharurot nito ang kotse paalis.

Nagtawanan sila Josh at Storm sa kanilang kalukuhan.

"Shit! Turn between two lovers si brod!"ani Josh na tumawa.

Pati sila ay naguguluhan kung sino ba talaga ang gusto nito si Kristine o si Lauren na alam nilang mahal na mahal ng binata but everything can change ika nga.

" Saan mo naman nakuha iyong newspaper na dinala mo?"tanong ni Storm kay Xavi.

"Binili ko sa tindahan kanina, Akala ko nga namali lang ako ng tingin."

"...hum..there's something in the news,bakit naman ipapalathala ni Ms.Lee iyan kung hindi totoo?So ibig bang sabihin talagang nakipag balikan siya sa ex niya at agad mag papakasal?" ani Storm.

"Kanina biruan lang nating dalawa iyong pinag uusapan natin para inisin si Giuseppe dahil kung may Lauren na siya hindi niya kailangan saktan pa si Ms.Lee set her free.

May Lauren na nga may Niccolo pa." ani Josh.

She like Kristine more than Lauren, for five year na akala ng marami patay na ito, sana man lang nag paramdam ito sa kaibigan nila na buhay naman pala ito despite na mahal mahal siya ng kaibigan nila.

For five years they know na walang ibang minahal ang kaibigan nila.

Naging cold and heartless ang binata, naging mas strikto ito sa mga tauhan at sa kanilang trabaho.

The Heartless GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon