Chapter 30: Family
Thalia's P.O.V
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang Presidenteng walang malay na nakahiga sa aking lap. Mas hinigpitan ko ang hawak nang nanlalamig niyang kamay.
"Pres.." I whispered. Nililipad ang mahaba kong buhok dala ng malakas na hangin sa himpapawid.
Inutusan ko pa ang dragong sinasakyan namin para bilisan ang paglipad pabalik ng Academy.
Pinagmaddan ko ang nakapikit at walang kupas na gwapo niyang mukha. Ngayon ko lamg napagmasdan nang ganito kalapit ang itsura niya.
Mula sa mahaba nitong pilikmata na aakalain mong babae, ang katatamtamang tangas ng kanyang ilong at ang mapula pula niyang labi.
Hindi ko maalis ang mata ko sa itsura niya lalo pa ngayong nasisinagan ng liwanag ng bilog na buwan ang mukha niya at nililipad pa ng bahagya ang magulo niyang buhok.
A brave and handsome president!
Hindi na ako magtataka kung bakit may nararamdaman ako sa taong ito. At hindi ko na kailangan pang itanggi.
Alam ko namang maraming nagkakagusto sa Presidenteng ito at napakaswerte ng babaeng mamahalin niya. Hindi lang dahil sa gwapo siya kundi dahil alam kong gagawin niya ang lahat maprotektahan ka lang.
Kaya nga siya ang pinili at pinagkatiwala nilang maging students council President, kasi alam nilang magagawa niyang ang mga tungkulin niya.
"Kaya please lang Pres.." Halos bulong na bigkas ko kasabay ng pagpatak ng aking luha sa kanyang pisngi, "... p-please be alive and well. Kailangan ka pa ng Academy..."
"K-Kailangan pa kita..." I bit my lower lip. Alam kong bulong lang iyon at hindi niya yon maririnig kaya sinabi ko.
Call me overacting or weird pero nag-aalala talaga ako sa kanya. Alam kong ayos lang siya pero hindi mawala yung kaba ko hangga't hindi siya nakikitang nakadilat ang mata.
Epekto na ba ito ng pag-ibig?
Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating kami sa gate ng Academy. Mabuti na lang ay may nakaabang na nurses at guard doon kaya hindi na akong nahirapang dalhin siya sa loob.
"Please... Pakigamot siya.." Naihiga na si Sunlyre sa emergency bed at tinulak papasok ng Academy. Nagmamadali naman akong sumunod sa kanila.
Nakapasok na kami ng quadrangle at nakita ko na may nagkukumpulang mga estudyante. Mga lima sila. Malayo pa lang ay alam ko na kung sino sino ito.
"THALIA!!" Natanaw ko si Nora na tumatakbo papalapit sa akin.
"N-Nora--- huk!" Nang makalapit ay bigla niya akong niyakap ng sobrang higit.
"Buti na lang... Buti na lang at ligtas ka. H-Hndi ko alam ang gagawin ko kapag hindi ka nakauwi ng buhay dito, Thalia... Sobra mo akong pinag-alala.." Ramdam na ramdam ko sa boses ni Nora ang pag-aalala at lubos na takot. Pero ngayon, tila ba ay nabunutan siya ng tinik.
Humiwalay siya sa pagkakayakap at agad kong pinunasan ang mga luhang nagkalat sa kanyang pisngi.
"I'm sorry for making you worry. Hindi ko maipapangako pero, magiging maingat na ako. At s-susubukan kong maging m-matapang..." I said those words without any doubt.
Ngumiti naman siya at muling yumakap sa akin. Pansin kong lumapit sa amin ang natirang apat. Sina Bert, Ami, Kent at Miss Agnes.
"I'm glad you're doing well now Miss Garcia. The specialist really took care of you. By the way, where is she?" Tanong ni Miss Agnes.
BINABASA MO ANG
Sun Flare Academy (C.A Series #2)
Fantasy[COMPLETED] [EDITING] Celestial Academy Series #2 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy "An academy that represents a power within the sun and possesses a taming ability." -- Genre: Fantasy, Drama and Romance Language: Filipino and English Date Sta...