Chapter 13: Wild Animals
Thalia's P.O.V
Break time na pero wala akong balak kumain ngayon dahil sa mga nangyari kanina.
After non ay hindi na kami nag-usap ni Nora. Ewan ko ba sakanya, parang ang dami dami niyang tinatago. At sa tuwing tinatanong ko naman siya, iniiba niya yung usapan.
Alam kong may mali sa kanya eh. Hindi naman siya ganito nung una kong pagkilala sa kanya. Pero after kong ma-meet yung Presidente nilang si Sunlyre ay parang nag-iba na siya. Para bang, ayaw na ayaw niya kay Sunlyre.
At hindi ko alam kung bakit..
Naghiwalay kami ni Nora saktong break time. Nauna kasi siyang lumabas pero hindi ko na siya sinundan. Hayaan ko muna siya sa ngayon.
Imbis na pumunta ako sa cafeteria para kumain ay dinala ako ng sarili kong mga paa sa ibang direksyon.
At habang papalayo ako ng papalayo sa lugar ay papaunti ng papaunti na din ang mga sumusunod sa aking mga hayop.
Para bang natatakot sila sa mga susunod na mangyari o sa mga susunod na pupuntahan ko.
Palayo na ng palayo ako sa buildings pero alam kong part pa din ito ng Sun Flare Academy. Hindi ko din alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.
Hanggang sa, matanaw ko sa di kalayuan ang isang lugar.
Halos magmukha itong gubat sa sobrang daming puno at sanga ang nakapalibot dito.
Tapos, sa di kalayuan ay may isang malaking silid na halos matabunan na ng mga puno at sanga. Sa gitna non ay may pintong halos matakpan na dib ng mga sanga at may kaunting bahid ng dugo. Medyo tahimik din ang lugar.
Hmm, ano kayang lugar to'?
Nang ihakbang ko muli ang mga paa ko papunta don ay bigla na lang lumakas ang ihip ng hangin.
Kanina naman sa quadrangle ay hindi mahangin pero pag dating dito, parang may paparating na malakas na bagyo.
Pero buti na lang, narating ko ang pinto sa kabila nang malakas na hangin.
Tinignan ko ang halos masira na na pinto. Don ko lang napansin na may nakasabit na maliit na karatola sa bandang itaas non. Kunot noo ko iyong binasa.
Do not enter, dangerous inside!
Dangerous? Ibig sabihin, delikado pala ang sa loob nito. At bakit halos malapit lang ito sa paaralan kung delikado?
Naku-curious ako sa lahat ng bagay at lugar dito aa kinatatayuang lugar ko ngayon. Syempre, eto na ang bago kong tirahan, libangan at kabuhayan. Bago lang ako dito kaya nararapat lang na alamin ko ang mga bagay na tungkol sa paaralang ito.
Hindi lang sa paaralan, maging sa aking sarili.
Pero kung totoong delikado nga ang nasa loob nito, kailangan ko ng umalis.
Paplanuhin ko na sanang umalis pero nagulat na lang ako nang bigla itong bumukas mag-isa.
What the hell was that!?
I'm sure I didn't open it. Kusa itong bumukas. Dahil ba sa malakas na hangin kaya ito bumukas? Or, may nagbukas nito?
But, impossible na may nagbukas. Ako lang ang tao dito, and I'm pretty sure na walang kahit na sinong tao ang nasa loob niyan dahil nga may warning na nakalagay sa pinto umpisa pa lang.
Ang walang taong gugustuhing pumasok sa isang lugar na alam nilang delikado.
Sinilip ko ang nasa loob ng pinto dahil nga kusa itong bumukas pero puro kulay itim lang ang naaanigan ko.
BINABASA MO ANG
Sun Flare Academy (C.A Series #2)
Fantasy[COMPLETED] [EDITING] Celestial Academy Series #2 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy "An academy that represents a power within the sun and possesses a taming ability." -- Genre: Fantasy, Drama and Romance Language: Filipino and English Date Sta...