A/N: Hello everyone! So bale sa Raging Star Academy na story ko na ieexplain kung anong klaseng school iyon at kung anong ability ang meron sa kanila. Focus lang muna ako dito sa magiging mission ng students council. Yun lang, thank you!
***
Chapter 40: Warm Welcome
Thalia's P.O.V
"Welcome to Raging Star Academy!"
Nakaramdam ako ng goosebumps nang sabihin nila iyon. Eto na naman ang magkahalong pakiramdam ng saya at kaba. Pero nangingibabaw ang kuryosidad dahil gusto ko ng makita ang loob ng Academy na ito.
Kung merong limang Academy dito sa sinasabi nilang Celestial World, posible bang mapuntahan ko silang lahat?
I hope so...
"We are the faculty members of Raging Star Academy, my name is Urie.." Pakilala nung babae.
"And I am Wenson... Once again, welcome to our Academy, students of Sun Flare Academy.." Pakilala naman nung lalaki sa amin at iginaya niya na kami papasok sa loob kaya mas lalong na-eexcite tuloy ako.
Malapit lang kami sa gate, as in sa tapat na mismo kaya hindi na kami naglakad ng malayo. Napagsara ko ang dalawang palad ko nang makitang dahan dahan na nilang binubuksan ang mataas at malapad nilang gate, hindi naman sila nahirapan sa pagbukas.
Eto na talaga!!!
Nahalata ko din ang pagka-excite ni Sasha nung humawak siya sa balikat ko at pinisil pisil iyon.
At nang tuluyan ng bumukas, doon ako mas lalong namangha.
Una kong napansin ang matataas na building na pinaghalong kulay na itim at gray. Ang mga pinto ay kulay fuschia. Maliit lang ang kanilang quadrangle, mas malaki pa sa amin at ang nasa gitna nito ay malaking star na statue.
Medyo nagulat pa nga ako nang makitang wala akong sky na nakikita dahil nababalutan ang buong quadrangle ng mataas na kisame. Tanging mga wall lamp lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Para tuloy kaming nasa isang napakalaking museum. Kahit kulob at wala masyadong bintana, malamig pa din.
Tapos, every building ay may pangalan tapos may logo para mas madaling maintindihan. Hindi ko alam kung anong klaseng pangalan ang mga nakapangalan sa bawat isa.
"Woah... ang ganda..." Hindi ko maiwasang marinig ang pagkamanghang reaksyon ni Sasha na nasa aking tabi na.
"This is so amazing.." Rinig ko namang komento ni Ami.
"Thank you..." Ani nung isang faculty member ng school na ito na si Ms. Urie. ".. So, bago kayo mag campaign, hatid ko muna kayo sa inyong temporary room para makapagpahinga din kayo galing sa byahe.."
Tumango tango naman kami at sumunod sa kanila papasok pa loob.
Habang naglalakad, nagsisilabasan na din ang mga ibang estudyante. Ang ilan ay nakatingin sa amin habang ang iilan ay may sari-sariling ginagawa.
Nagdidisenyo sila bawat room. Doon lang ulit pumasok sa isip ko na magkakaroon pala sila ng selebrasyon ngayon na tinatawag nilang...
Foundation day anniversary.
Maya maya'y naramdaman kong kumapit sa aking braso si Sasha at sinabayan niya akong maglakad.
"... Alam mo bang, walang ganito sa Sun Flare Academy.." She said out of nowhere.
Napakunot naman ang noo ko. "Alin?"
"Iyan!" Tinuro niya ang mga nadadaanan naming estudyanteng dito na busy sa pagdecorate ng kanilang room. "Walang ganap na ganyan sa Academy natin.." Bulong niya pa.
BINABASA MO ANG
Sun Flare Academy (C.A Series #2)
Fantasy[COMPLETED] [EDITING] Celestial Academy Series #2 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy "An academy that represents a power within the sun and possesses a taming ability." -- Genre: Fantasy, Drama and Romance Language: Filipino and English Date Sta...