Chapter 18: Your Mission

1.4K 72 4
                                    

Chapter 18: Your Mission

Thalia's P.O.V

"Maraming salamat sa tulong mo sa amin, Miss Charmy. Babalik ulit kami dito kapag medyo maluwag na ang schedule namin.." Sabi ni Sasha kay Miss Charmy.

Bigla naman siyang napatingin sa akin. "Student council din si Thalia?" Sabay turo niya sa'kin.

Medyo nagulat ako dahil don.

Ha? Hindi po---

Narinig ko naman ang agad na paghagikgik ni Sasha. "Ikaw naman Miss Charmy, masyado kang spoiler.." Natatawang sabi niya pa na may kasamang mahinang paghampas. Natawa din si Miss Charmy sa kanya.

Anong spoiler?

"Hahaha! Ganun ba? Pasensya, excited lang kasi eh.." Tawang sagot naman ni Miss Charmy.

"I know right, hahahaha!" At nagtawanan na naman sila.

Napanguso ako. Close na close talaga sila sa isa't isa at ang saya nilang tignan.

"Pero bago kami bumalik sa school, may tanong muna kamj sayo Miss Charmy..." Maya maya'y sabi ni Sasha na ikinalingon naman niya.

"Sure! Ano yun?"

"Sa mga nakaraang oras kanina, wala ka bang napansing estudyante dito pumunta? Bago pa kami nakarating dito?" Tanong ni Sasha sa kanya. Sumang-ayon naman ako.

Uh-huh. We need to find the culprit!

"Hmm..." Nagkibit balikat siya at nag-isip. "Wala ako kanina dito sa loob ng mahigit three hours. Sumisisid ako malayo banda dito kasi wala ng masyadong seaweed dito..." Aniya. 

"Ganun ba...?" Dismayadong saad ni Sasha. 

"Pero wait!" Bawi pa ni Miss Charmy at saglit na umalis. Pagdating niya ay may hawak hawak na siya na agad niyang ibinigay sa amin.

Kinuha iyon ni Sasha. "Bracelet?" 

Tinignan ko naman ang hawak niya at binigay niya iyon sa akin. She's right, its a bracelet. Its a silver bracelet tapos sa gitna ay may pendant na krus na kulay itim naman. 

"Nakita ko yan papasok dito, nasa lapag. Siguro siya yung naglabas ng dalawang golden fish dito at dinala don sa quadrangle.." Pagbigay niya ng impormasyon.

"Pero p-paano niya naman nailabas yun nang ganoon kadali?" Tanong ko.

"Oo nga, diba nasa iyo yung susi?" Dugtong naman ni Sasha.

Bumali ang leeg ko nang nag-iwas siya ng tingin bago siya sumagot sa amin. "H-Hindi ako nagdadala ng susi kapag sumisisid ako. Nakatago yan sa maliit na kabinet, siguro don niya hinalungkat. Magkasama kasi yang susi at bracelet sa lapag pagkakita ko.." Mahaba niyang paliwanag.

"Hmm, ganun ba.." Tinig ni Sasha. Nagpabuntong hininga naman ako at pinagmasdan ang bracelet na hawak.

Maybe if we find the owner of this bracelet, we will get the real culprit.

"Sige, malaking tulong na itong information na binigay mo. We can us this para malaman ang tunay na may sala.." Saad ni Sasha.

Sinulyapan ko saglit si Miss Charmy.

"Yeah, I'm sure you will find him.."

"Him?" Sabay naming tanong ni Sasha. "Lalaki? Ibig sabihin, kilala mo siya?" Agad agad na tanong niya.

Pansin kong bahagyang natawa si Miss Charmy at medyo.. nataranta. "A-Ah, of course not! Lalaki kasi, base sa bracelet na yan. Panglalaki." Agara niyang dipensa.

Sun Flare Academy (C.A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon