Chapter 38: Off To Academy
Thalia's P.O.V
Malamig, tahimik at medyo madilim. Iyon ang nilalakaran namin ni Nora papunta sa labas ng gate ng Academy para maghanda sa mission naming magaganap ngayon.
Inatasan ang mission na ito sa mga students council lamang. At ang mission na iyon ay I-tame ang lost dragon na maaaring makasira sa celebration ng foundation anniversary ng pupuntahan naming school na Raging Star Academy.
Eto na... Magaganap na talaga...
"Thalia.." Biglang tawag sa akin ni Nora.
Nilingon ko naman siya. "Hmm?"
"A-Anong nangyari sa iyo habang nasa loob ka ng nakaraan?" Hindi ko inaasahang tanong niya. "... Nakita mo ba ang mga... magulang mo?
Napatigil ako sa paglalakad dahil doon. Sandali kong inalala ang mga nasaksihan ko sa nakaraan.
Mula sa unang pagkikita nang magulang ko. Ang pagtuklas nila ay Prinsesa Miren. Sa pagpunta nila sa dragon Island para ipagamot si Prinsesa Miren. Ang muling pagkikita nila ni Ms. Flerika. Ang panahon kung saan ako ipinapanganak.
At ang...
Marahan kong tinampal ang noo ko para kalimutan ang susunod non. Nagulat si Nora sa naging aksyon ko.
"Thalia--"
"Mmm.." Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad. "... Na-meet ko sila. Alam mo, napakaswerte ko sa kanila dahil napakabuti at napaka-responsable nilang magulang. Yung tipong, gagawin nila ang lahat makita kalang ligtas at masaya..."
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman sa akin si Nora.
"Thalia.... M-Masaya ka ba ngayong, nakita at nakilala mo na sila?" Tanong niya pa.
Hindi ako nagdalawang isip na tumango. "Oo naman... Mula nung isilang ako, inakala kong si Lola lang ang magulang ko. Siya lang talaga at wala ng iba dahil siya ang nagpalaki sa akin..." Tumingin ako sa taas. "... Tapos nung time na, sinabi niya na meron akong mga magulang, meron akong ina at ama, pinagka-interesan ko iyon. Syempre, nito ko lang nalaman nag katotohanan, hindi naman pwedeng magsinungaling sa akin si Lola."
Dahil malaki ang tiwala ko sa kanya...
Tumango tango si Nora sa naging sagot ko. Ilang segundo pa muna siyang tumahimik bago muling nagsalita.
"Alam mo, Thalia... Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa iyo... I mean, syempre, kaibigan kita at naging malaking parte ka sa buhay ko..." Bahagya pa siyang tumungo.
Napangiti naman ako dahil don. "Kaibigan din kita, Nora. Nagpapasalamat ako dahil, nakilala kita at naging magkaibigan tayo."
Alam ko ang sakit na dinanas sa nakaraan niya. Ang mawala ang dalawang taong pinakamamahal niya... At ngayon ay mas naintindihan ko na ang pakiramdam non.
Nakakapangulila...
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil nalalabas ko yung mga gusto kong sabihin.
At nadyan sa tabi ko ang kaibigan ko para makinig sa akin.
Nakalampas na kami sa quadrangle kaya mas lalong lumamig ang paligid. Kahit nakasuot na ako ng makapal na jacket ay tumatagos pa din sa tela ang lamig. Ganito pala kalamig tuwing madaling araw.
Medyo nakaka-antok lang hehe..
Habang nagpapatuloy sa paglalakad ay mas lumapit sa akin si Nora at niyakap niya ang kaliwang braso ko. Nilingon ko siya at nang makita ko kung gaano kaaliwalas ng mukha niya ay napangiti na lang ako at hinayaan siya.
BINABASA MO ANG
Sun Flare Academy (C.A Series #2)
Fantasy[COMPLETED] [EDITING] Celestial Academy Series #2 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy "An academy that represents a power within the sun and possesses a taming ability." -- Genre: Fantasy, Drama and Romance Language: Filipino and English Date Sta...