Chapter 3: Sun Flare Academy
Thalia's P.O.V
"Welcome to our Academy, Thalia.."
Pagkasabi niyang 'yon ay namamangha kong inilibot muli ang aking paningin. Alam kong hindi wala pa kami sa pinakaloob dahil magkabilang wall pa ang nasa pagitan namin at nakabukas na malaking gate ang nakaabang sa amin pero halata mo na ang ganda at ayos nito sa labas pa lang.
I've never been in any places before. Lagi lang ako nasa loob ng aming munting tahanan at nirerestrict ang aking paglabas. Kaya naman hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Ang ganda! Ang daming nagsililiparang mga maliit na hayop na kumikintab, hindi ko alam ang tawag sa kanila pero ang saya nilang pagmasdan.
"This is our home, the Sun Flare Academy, where every of us has a power to tame animals." Dagdag pa ni Sasha.
Hindi ko maiwasang matuwa. Nasa bagong lugar na ako ngayon lola, lugar kung saan bagong bago sa paningin ko at ang magic ay nage-exists. Eto na ba ang tinutukoy mo sa akin lola? Eto na ba ang sinasabi mo na, mundo kung saan ako nararapat?
Kung eto na nga, lola, nakarating na ako, gaya ng gusto mong mangyari.
Sana maging masaya ka para sa akin...
"Thalia, ayos ka lang?" Tanong ni Sasha nang mapansin niyang natahimik ako.
"Ah, O-Oo..." Giit ko. "N-Ngayon lang ako nakapunta dito. Ang ganda pala ng lugar na ito."
Napangiti siya sa akin. "Tama ka dyan. Pero bago mo malibot ang school namin, kailangan mo mung pumuntang head office para sa mga tanong about sa iyo at sa kwintas na suot mo."
Bigla akong kinabahan dahil don. Pero kahit ganon ay kailangan kong magpakatatag.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa loob. Habang papasok nang papasok ay mas lalo akong humahanga.
Habang naglalakad papasok ay hindi ko pa din maiwasang pagmasdan ang bawat anggulo na nadadaanan namin.
Para akong papasok sa loob ng kastilyo sa sobrang lawak at linis ng paligid. Ang dami ding magagandang halaman na nakatanim sa gilid. May mga matataas na puno din na kakaiba ang disenyo at itsura. At hindi mawawala ang iba't ibang uri ng hayop na nagkalat sa paligid at parang nakikisama sila sa amin.
Bigla na lang may dumapo na malaking ibon sa aking balikat. Crow ata ang tawag dito. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang nakapatong sa aking balikat.
"Gustong gusto ka na agad ng mga hayop dito ah." Sabi ni Sasha nang mapansin niya din ang ibon.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya napangiti na lamang ako.
I also like them.
"Mas marami ka pang makikitang mga hayop kapag nakapunta na tayo sa quadrangle. Tara!" Aniya sabay hinila ang kamay ko at tumakbo kami para mabilis na makarating sa lugar na sinasabi niya.
Nang makarating kami sa quadrangle na sinasabi niya ay mas lalo akong namangha sa ganda.
Tig-iisang malalaking building ang nasa harap at magkabilang gilid namin. Kulay puti iyon na may halong orange at yellow. Tapos, sa gitna ng quadrangle ay may malaking fountain na pinaliligiran ng maraming umiilaw na malilit na hayop.
Wow! This is the first time I saw this kind of beautiful scenery. And I love it!
Ang linis din ng kapaligiran. At, tama nga ang sinabi ni Sasha, mas maraming iba't ibang klase ng hayop ang narito at pagala gala, nakikisama sila sa mga estudyante sa loob.
BINABASA MO ANG
Sun Flare Academy (C.A Series #2)
Fantasía[COMPLETED] [EDITING] Celestial Academy Series #2 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy "An academy that represents a power within the sun and possesses a taming ability." -- Genre: Fantasy, Drama and Romance Language: Filipino and English Date Sta...