Kabanata 3

1K 109 101
                                    

Naalimpungatan ako sa mga mahihinang ingay sa paligid, para silang mga bubuyog na nagtsitsismisan. Unti-unti ko na ring binuksan ang isa kong mata dahil pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa alapaap. Napakagaan ng pakiramdam ko, it's almost as if I'm at the gates of heaven and I saw deities - drop dead, gorgeous deities staring at me.

"Sabi nila, si San Pedro ang nakaabang sa gate pero, bakit mga diwata ang nakikita ko?" And with that realization, napabangon ako at napadaing. Ang sakit ng ulo ko, para itong mabibiyak. Sapo ko pa ito nang may naalala ako bigla. Si Atalanta na nakangisi sa akin at ang sandwich na may lason! "Nasaan siya?!"

"I told you, she's going to live," wika ng isang babae, tiningnan ko ang nakaupo sa dulo ng kinahihigaan kong kama. Napadaing ulit ako sa sakit ng ulo, I just realized that I'm in a gray room with only one window. May isang ceiling fan na tanging umiingit at pumapaypay sa amin dito. Sinipat ko ulit ang babaeng nakaupo sa paanan ko, nakasuot siya ng puting coat at may nakasampay na stethoscope sa kaniyang leeg. A doctor perhaps? Nakahalukipkip siya at seryosong nakatunghay sa akin. Nang ibaling ko sa kaliwa ang paningin ay may dalawa pa pala kaming kasama na iba. Nakatingin lang din sila sa akin na parang bida ako sa isang pelikula; may dala pang popcorn ang babaeng nakapulang jacket habang ngumunguya ng bubble gum naman ang nakasuot ng blue jacket. I looked back at the woman with the stethoscope, she's wearing a yellow button-up top. Kung pagsasamahin ang kulay ng kanilang suot ay nagmimistulang Philippine flag. "I'm Jael Sanzio. Thanks to me, you're still alive."

Napamata ako sa kaniya, biglang may nag-flash sa isip ko. Right, nagising pala ako kanina pero hindi ko naigalaw ang katawan dahil sa pamamanhid at-oh, shit. "Teka, ikaw 'yong humampas sa ulo ko!" Nagkibit-balikat siya at napabuga ako ng hangin. "Bakit mo ako hinampas?!"

"I need you to stay awake and I had to make you puke," sagot niya na parang normal lang ang lahat ng nangyari. "Atalanta told me that you had this mukbang challenge and you had to eat rat poison to gain views. That's awesomely insane, dude. But, don't do that again. I'm not always Dr. Frankenstein that revives dead people."

Sa lahat ng sinabi niya, ang pangalan lang ng babaeng iyon ang rumehistro sa utak ko. At ano daw? Nag-mukbang challenge ako ng rat poison para maka-gain ng views? Why would I do that? I'm a secret agent and not some stupid fame-sucking loser!

"Nasaan nga siya?!" Tumayo ako kahit na medyo nahihilo, kailangan kong makita at makausap ang babaeng iyon. She poisoned me! "Idedemanda ko siya!" Muntik pa akong mabuwal, mabuti nalang at nakahawak agad ako sa pader bilang suporta sa bigat ng katawan ko. May salaming nakadikit, at natakot ako bigla sa nakita ko. "What the hell happened to my head?!"

Jesus Christ! My beautiful face! My smart brain is damaged! May bendang nakapalibot sa ulo ko at sa kanang bahagi ay may pulang marka. This is a horrifying scene!

"Anong ginawa mo sa ulo ko?!" Naiiyak kong hinawakan ang benda. Jesus, akala ko ba I'm poisoned pero, bakit ulo ko ang may benda? "Idedemanda din kita!"

"And what would that be?" She challenged. Aba, hindi man lang nasindak sa sinabi ko. "In fact, I saved your life," dagdag niya pa na may kasamang diin sa mga salita.

"Physical abuse! Torture! Everything!"

She clicked her tongue and shook her head. "In a weighing scale, saving a life is much more heavier than hitting someone's head, right? So, if it weren't for me, you'd be dead by now. If I didn't hit you, you'd also be dead by now. In short, you owe me your life."

Napabuga ako ng hangin, anong klaseng doctor ba ito? Did she hit her head or something too? "Doktor ka ba talaga? Sinong doktor ang nananakit ng pasyente? Ikaw lang!"

"I don't care. I still saved your life."

Gusto ko siyang sabunutan. Pagliligtas ba iyong hinampas niya ang ulo ko? Paano pala kung nagka-amnesia ako? Edi, wala na akong maalala! At ang mas malala, baka hindi na ako makakauwi sa amin. "I don't care too! Basta, iharap niyo sa akin ang Atalanta Diez na iyon! Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!"

We've Got TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon