Kabanata 5

231 19 21
                                        

“Wala bang magsasalita sa inyong dalawa?”

Lagpas na yata ng dalawampung minuto simula nang magkagulatan kami ng kapatid kong si Aphrodite. I thought she was doing her modelling work across the globe pero mukhang iba yata ang trabahong pinagkakaabalahan niya. I even asked her about it but she was just silent. Limang beses ko pa siyang tinanong pero  tikom lang talaga ang bibig niya. Even the woman beside her, tawagin nalang natin sa pangalang Atalanta, ay wala ring kibo.

“May paligsahan ba kayo sa pagiging pipi?”

Again, they both didn't answer me. I gave Aphrodite a suspicious look who was seated across from me. Nagsalubong ang dalawa kong kilay lalo nang ignorahin ako ng kapatid ko, painom-inom pa siya ng kape at ayaw salubungin ang mga mata ko.  Malapit na akong ma-stress sa kanilang dalawa, dumagdag pa itong nararamdaman kong lamig pero nilalabanan ko kasi gusto kong malaman kung bakit nandito ang kapatid ko. Pati na rin kung bakit tanging damit ni Atalanta lang ang suot niya ay gusto ko ring malaman. Ito namang hilaw na amo ko, nakabalot pa rin ng tuwalya at walang balak na magpalit.

She was—like my sister, even sipping her black coffee without any facial reactions. Ako lang yata ang napapangiwi dahil sa tapang ng amoy ng kape niya. “Hello? Baka gusto niyong paliwanagan ako sa sitwasyon niyo.”

“What do you mean, Babe? What situation were you referring to?”

I scoffed at my sister, mabuti naman at nahanap na niya ang boses niya. She gave me silent treatment for nearly thirty minutes! I leaned on the table and pointed at her only cloth. Medyo exposed pa ang chest area niya kaya pinandilatan ko siya. “Bakit mo suot ‘yan at bakit mo hinahanap ang bra mo sa kaniya?” turo ko naman sa katabi niya na mukhang bored na.

“She took it off last night, that's why,” Aphrodite replied as if it's the most normal answer in the world. Hindi ko tuloy napigilang mapasinghap dahil sa sinabi niya. “What?”

“Wala ka bang kamay at in-asa mo pa sa iba ang pag-aalis ng bra mo?” I scowled at her.

She rolled her eyes at me. “And how about you? What are you doing here? Bakit nakasuot ka pa ng wig?”

“Ano ba sa'yo kung magsuot ako ng wig?” asik ko. Mabuti nga at sinuot ko ito kaya hindi niya nakikita ang benda sa ulo ko. Medyo makapal kasi ang wig at may mahahabang bangs na halos sakupin na ang buo kong mukha. “Hindi ako ang issue rito, Aphrodite. Ano ba, akala ko ay nasa Africa ka para sa isang tv project? Bakit ka ba nandito?”

“You asked as if I did something dirty.” depensa niya sa sarili sabay tayo at lumapit sa coffee maker. Napailing ako, paano ko ba naman hindi iisipin kung ganiyan lang ang suot niya at hinanap pa ang bra niya? Sa tono pa niya, mukha siyang may itinatago. At defensive ang sagot niya. “And wait, where are your manners, Babelita? I'm your elder sister.”

Napasandal ako sa upuan, palagi nalang may palusot sa lahat. Huling-huli na, pilit pang umiiwas. “Ano naman kung mas matanda ka sa akin? No wonder you’re not my role model, duh.”

“Whatever.” bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ni Atalanta na may tangan na coffee creamer. Kumuha siya ng isang kutsarita at naglagay ng kaunti sa kape ni Atalanta. Napaismid ako, napaghahalataan tuloy. "So, who invited you here?"

I crossed my arms and clicked my tongue. Ito ang ayaw ko sa ugali niya. Binabaliktad ako kapag malapit na siyang mahuli. “Why don't you ask your...” sinadya kong bitinin ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanila. But for me, I think there’s more to them.

Aphrodite’s brows furrowed as if she was not aware of what I’m trying to imply. Hinayaan ko nalang, wala rin akong maggagawa kapag pinanindigan niya ang pagiging clueless. “I don’t get you, Babe. Who?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We've Got TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon