Kabanata 1

1.1K 94 115
                                    

Pauwi na ako sa bahay nang tumawag si Diana sa akin, galing pa ako sa HQ namin para ipasa ang mga papeles para sa vacation extension ko dahil deserve kong mag-relax kahit minsan sa buhay ko. Siguro natunugan niya ang tungkol sa vacation leave ko kaya napatawag siya sa'kin. Ang sabi niya ay kung okay lang daw ba sa akin na sa kanila nalang ako sasabay pabalik sa Gibraltar. Ku, gagawin lang naman niya akong chaperone sa mga bata. Naniningil siguro siya lalo na at pagkatapos ng ilang mga araw  na pagtatago ay naisipan ko nang umuwi.

Nagtago ako dahil doon sa ginawa kong pagsuka sa pinsan niya. Akala ko nga si Gab iyon, pinagmumura kasi ako, ibang pinsan niya pala. Mabuti nalang at nawalan ako ng malay nang gabing 'yon.

Nang magising ako, nasa isla na nila ako. Doon muna ako namalagi lalo pa at kaarawan ni Serene, hindi naman ako pinayagan na umuwi lalo pa at birthday ng anak niya. Natakot kasi ako lalo pa at teritoryo nila 'yon. Who knows, they might kill me there dahil nakagawa ako ng kasalanan sa kapamilya nila.

Pagbaba ko pa lang sa grand sala nila, sinalubong ako ni Percy at tinawanan. Atalanta daw pala ang pangalan ng pinsan nilang nasukahan ko. I defended myself, it was just an accident and Diana forgot that I have sea sickness. But they assured me that Atalanta didn't stay that long, umalis lang din daw ito pagkatapos silang ihatid nito sa isla.

Percy toured me around in their 15th-century old mansion para daw hindi ako mawala ulit. Alam kong inaalaw-aliw niya lang ako dahil abot sa langit ang kaba ko dahil baka balikan ako ng pinsan niya. Kaya lang ang bruha, tinatawanan pa rin ako at nagpapakuwento pa sa buong nangyari. Hindi ako bumigay, wala din naman kasi akong maalala maliban sa mukha ng pinsan nilang kulang nalang ay katayin ako ng buhay.

"She loves the sea so much kaya sa yate na 'yon nakatira," kuwento ni Percy. Nalaman ko na kapitan sa barko pala iyon at ang kasalukuyang presidente ng Valerio Cruises. "Mabait naman si Lanta," dagdag pa niya.

"Hindi ko yata tinatanong 'yon, Percy," kontra ko. I don't care, basta hindi lang kami magkakasalubong dahil nakakahiya. Nagreklamo ako, kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mansiyon, sumasakit na paa ko. Hindi niya ako pinakinggan, iginiya pa niya ako papasok sa isang malawak na kuwarto na puno ng mga larawan. Tinanong ko siya kung ano ito, sabi niya ay painting hall. Napatango-tanong ako, "wala bang food hall dito? Nagugutom na rin kasi ako."

Napapailing siya. Nagugutom na kasi talaga ako, ang dami naming pinuntahan at pinasukan — parang kulang ang tatlong araw sa pag-iikot sa buong mansiyon nila. Niyakag na niya ako sa grand dining hall kung saan nagpahanda na pala siya ng makakain ko.

Mabuti nalang talaga at hindi ko nakita iyong Atalanta, baka kung ano pa ang mangyari kapag nagkita kami. Sa totoo lang naman, pamilyar iyong mukha niya. I really have a gut feeling that I've seen her somewhere outside the Isla Memorata grounds. O baka nag-i-ilusyon lang ako.

I stayed with the Valerios for three days. Hindi talaga ako pinauwi ni Diana at tinakot pa ako na may bagyo, parang tanga talaga siya minsan. Isa pa, ayaw ko rin namang palampasin ang first birthday ng pamangkin ko. It was a special day after all.

Pagbaba ko sa sasakyan, ay isinara ko agad ang gate ng ancestral house at baka makalabas ng bahay ang mga bata. Pagharap ko ay sinalubong agad ako ni Serene at pinupog ng halik. Oh, she's really the cutest! Ang sarap panggigilan, eh.

Kinarga ko siya habang papasok ng bahay. "Nasaan ang dalawa mong nanay?" Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako, hindi kasi sinanay sa wikang Pilipino kaya ayan, nakatingin lang sa akin. "Jusko naman, bakit kasi Ingles ang itinuturo sa iyo?"

Naglakad ako papasok ng bahay habang kinakausap ang pamangkin ko, her cute emerald eyes just stared back at me. May pa-kunot-noo pa siyang ginawa bago humilig sa balikat ko at nagdaldal ng kung ano. Dumeretso ako sa living room at nadatnan ko ang isa ko pang pamangkin na si Demeter, na nakahiga sa couch at nagbibilang yata ng butiki sa kisame.

We've Got TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon