Nagising ako sa sunod-sunod na ring ng phone, sa sobrang antok ay hindi ko naabutan ang kung sinong poncio pilatong isturbo sa masarap na tulog ko. Mabagal kong tinungo ang center table, kinuha ang phone at binasa ang halos trienta ka-mensahe mula sa Grand Guardian namin.
I read the last message.
Vacation's over, sleeping beauty. See me at the HQ immediately. —H
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahil sa text niya. What? I just extended my vacation yesterday! Ano na namang masamang espiritu ang sumapi sa kaniya at ako na naman ang nakita?
I inhaled deeply and stared at her message for a while. Why does it have to happen now? I need a stress-free environment just this once! Wala na naman akong tsansang makita ang wagas na pag-ibig!
Darn it, maniningil talaga ako!
Pagkatapos kong maligo't magbihis ay gumayak na ako. Pagkalabas ko sa unit ay agad akong napatingin sa katapat na pintuan, mabuti nalang at sarado. Thank God that I don't have to shit my pants just by the mere presence of that woman. I raked my hair with my fingers and rode the elevator. Pagsandal ko sa dingding ay naalala ko ang nangyari kagabi, Atalanta shot dagger looks at me like I'm the target of her dart contest.
Grabe, nakakakilabot ang mga tingin niya kagabi sa akin. It felt like I was really going to pee. Pero...kahit ganoon ay parang may nakatagong lungkot sa mga mata niya. O baka nag-i-ilusyon na naman ako? Well, I'm just thankful she didn't throw a fist at me. Pagbukas kasi ng elevator ay nauna siyang lumabas at hindi ako nilingon man lang pagkatapos.
Nalungkot ako bigla dahil doon.
What the hell? Bakit ako nakaramdam ng lungkot, hindi ko naman siya masiyadong kilala? At isa pa, hindi ko gusto ang vibes niya — very domineering. Ipinilig ko nalang ang ulo at naglakad na papunta sa parking lot, saka lang ako nag-reply sa head namin na papunta na ako sa HQ, nakalimutan ko kasi kanina dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano.
Kinse minutos lang ay narating ko na ang HQ ng Guardians. Isa itong hotel-casino building na pagmamay-ari din ng mga Valerio but deep within the walls, lies a secret agency where no one knows. At dapat pala nag-retire na ako, parang ako nalang kasi ang natirang aktibo sa paksiyon na kinabibilangan ko. Orpheus is already settled down and so is Diana. Si Raj Arezmendez, nasa hibernation ang missions niya dahil buntis ang asawa.
Ako nalang talaga ang active member na walang buhay-pag-ibig.
"Good morning, Agent Hawk," bati ni Mavis sa akin. He's that robotic voice who always greets anyone who would enter the HQ. "Have a nice day!"
Hopefully, I silently wished.
Nilakad ko ang mahabang pasilyo papunta sa opisina ng grand guardian. Pasipol-sipol pa ako habang pinapaikot ang susi ng kotse sa daliri nang makasalubong ko si Agent Phoenix. Nakilala ko siya dahil sa kaniyang suot na maskara. She always wore her signature mask and pin and so I am. Whenever we are inside, tinatakpan namin ang aming mga mukha para na rin maprotektahan ang aming tunay na pagkatao.
Hindi naman ito ganito dati, but a certain incident changed everything.
Tinawag ko si Agent Phoenix, ito pa lang ang pangalawang beses na nagkasalubong kaming dalawa kahit na iisa lang ang paksiyon na kinabibilangan namin. "Nabuhay ka?"
"I'm never dead, Agent Hawk."
I shook my head, of course — Phoenix, the fire bird — the legendary bird that never dies. Nilagpasan niya ako at lumabas na. Ako naman ang pumasok sa opisina ng head at pasalampak na umupo sa couch. "Ano na naman ngayon ang misyon, maghuhugas ng puwet ng manok?"
![](https://img.wattpad.com/cover/215592922-288-k694598.jpg)
BINABASA MO ANG
We've Got Tonight
Fiksi UmumWhat could go wrong when you're stuck with the person who embodied the three things you despise the most? Well, Babelita Dating-Ginoo will surely have all the night to answer that.