S I M U L A

1.6K 98 55
                                    

Sabi nila, bawat tao ay may nakalaan na pag-ibig na wagas. Iyong pag-ibig na masasabing para sa atin at ang natatanging nakatakda para sa atin lamang. Iyong pag-ibig na hindi mo aakalaing darating pa sa iyo pagkatapos ng ilang libong pagkabigo.

Well, that would be heaven — if ever I'll have the chance in love at first try. Nakakatakot na kasing maging single for twenty-nine years dito sa mundo. Kung saang lugar na ako napadpad, ilang milyong misyon na ang ang natapos ko pero wala pa ring sumasalubong na pag-ibig sa akin.

Paano kaya kung walang nakatakda para sa akin? Parang ang unfair naman yata ni destiny sa akin kapag nagkataon. Gusto ko lang din namang maranasan mahalin gaya ng ibang taong nangangarap ng wagas na pag-ibig.

Napahikab tuloy ako, nakakaantok palang mag-isip kung may taong nakalaan para sa akin. Imagine, marami na akong nakilala, nakasalubong pero ni isa sa kanila ay wala. Baka magunaw nalang ang mundo at magkaroon ng bago ay wala pa din.

Tumingala ako sa langit, magbilang nalang kaya ako ng siyam na bituin sa loob ng siyam na araw? Then, I'll make a wish after. Kahit kuwentong-bata ay papatulan ko, makahiling lang na sana matagpuan ko na ang taong mamahalin at magmamahal sa akin.

Minsan, naiinggit ako sa mga bituin. Mapalad kasi sila kahit na magkakalayo ang bawat isa, may kasama naman silang lumulutang sa kalawakan, samantalang ako ay narito at nag-iisa pagkatapos ng misyon ko mula sa Croatia.

Heto ako, may bahay pero wala namang kasama. May inuuwian, wala namang madadatnan maliban sa kahungkagan ng puso ko. Nakakapagod pala ang ganito. Akala ko dati na kapag marami na akong pera, magiging masaya na ako. I guess I'm wrong. Tama nga sila, money can't always buy the things that would make you happy.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang phone ko. Nag-text si Diana, magpapatulong daw siya para sa birthday ng anak niyang si Serene. At gusto niyang ngayon na, ora mismo!

I sighed. Well, I guess that the lucky part of me is that I still have a family to cherish for all eternity. Sariling pamilya nalang ang kulang at masasabi ko nang kompleto na ako. Hindi na ako nag-reply pa sa kaniya, kinuha ko ang jacket at umalis na.

Nasa pantalan daw siya at naghihintay na sa akin. Ginamit ko nalang ang motor bike papunta sa pribadong port ng mga Valerio at pasado alas onse na ng gabi nang makarating ako doon.

Nasa malayo pa lang ay agad ko nang nakilala si Diana na nagbubuhat ng ilang mga malalaking kahon mula sa likod ng sasakyan niya. Baka 'yon na ang mga gagamitin para sa birthday party ng pamangkin ko.

As I stared at her, I couldn't stop myself from being envious. Mabuti pa siya, isang try lang sa pag-ibig ay nagkaroon agad ng happy ever after. Well, I can't blame destiny. Ang dami pa kasing pasikot-sikot, si Diana at Selene lang din naman pala ang ending.

Ipinarada ko na ang motor sa gilid ng sasakyan ng isang kulay pink na Ferrari Aventador. Napaka-girly naman, at ang kintab pa, mukhang bagong bili. Sino kaya ang may-ari nito?

"Oh, thank God, Babe!" Parang nakahinga siya ng maluwag nang makita ako. Lumapit ako kay Diana at nag-hand shake kami. Kinumusta pa niya ako na ipinagtaka ko pa.

"Parang tanga, Diana, nagkita pa tayo kahapon," sabi ko habang tinutulungan siyang magbuhat ng mga kahon.

She chuckled. "Sorry, it's a habit of mine."

"Teka, saan ba ang mga 'to ilalagay?" Ngumuso siya sa unahan, doon sa yateng naka-dock sa 'di kalayuan. Medyo napalunok ako. "Of course, nakalimutan kong may yate pala kayo."

And I hate it. Nakalimutan na naman siguro niyang takot akong sumakay sa mga sasakyang pandagat — the only trauma that I carry through the years. Tumaob kasi ang bangka na sinakyan namin noong minsang nagpunta kami sa Isla Amor, ang family island ng pamilya namin. Kahit na ilang dekada na ang nakalipas, palagi ko pa rin 'yon naaalala sa tuwing nakakakita ako ng mga barko. Pakiramdam ko ay malulunod ako kahit hindi naman.

Sumunod ako sa kaniya. Medyo may kabigatan pala itong mga box na dala ko, akala ko pa naman ay mga inflated balloons lang ang laman, mga party poppers at kung ano-ano pa. "Bongga naman ng birthday ni bunso, baka masusundan na siya agad kapag natuwa na naman si Selene."

"Dalian mo, naiinip na si Lanta."

Napasimangot ako, "segway ka, ha? Sino ba 'yon? Pinsan mo na naman?" tanong ko. Only her and her twin, Apollo, are my cousins from my mother's side, magkapatid ang nanay ko at tatay niya. Sa mother's side niya ay mas marami siyang pinsan at ang iba ay hindi na ako masiyadong pamilyar. "Sino pa ba ang hindi ko kilala?"

"You already knew all of them," she replied drily. Nagkibit-balikat ako, baka nga kilala ko na pero hindi ko lang matandaan kung sino doon ang Lanta na sinasabi niya. "Let's go."

Sumampa kami sa yate, napahinto ako saglit lalo na at gumewang ito dahil sa alon. Darn it, para akong masusuka. "Hmph!" Natutop ko agad ang bibig dahil sa biglang pagbaliktad ng sikmura ko. "The he—ulk!"

"Are you—oh! I'm sorry, Babe, I forgot that you're not a fan of sea carriers. Wait, tatawagin ko lang si Lanta. I can't carry you alone."

Umupo muna ako saglit sa gilid ng hagdan, para talagang babaliktad ang sikmura ko dahil sa hilo. Sanay akong sumuong sa laban at makipagpalitan ng bala pero ang sumakay talaga sa barko o kahit na anong pandagat na sasakyan ay hindi ko kaya. It makes me really feel sick. Kaya naman ay minsanan lang talaga akong sumasama kapag uuwi sila ng Isla Amor. Tinitiis ko nalang ang sermon ng lolo namin kapag hindi niya ako nakita.

"Babe!" Hilong-hilo na ako nang makabalik si Diana, may kasama na siyang babae. Hindi ko masiyadong makilala dahil medyo nanlalabo ang paningin ko. Ito na siguro ang pinsan niya. May binulong ito kay Diana na hindi ko naintindihan, ano kaya iyon? Pinilit ko ang sarili na tumayo pero nahihilo talaga ako, kaya kahit na umiikot na ang paningin ay nagawa ko pa ring mag-angat nang tingin na sana ay 'di ko nalang ginawa.

Wrong move, mas lalo pa akong nahilo.

"Tangina niyo, mga Valerio. Bakit ba ang tatangkad niyo?!"

"She's a curser, Diana. You know my rule, no cursing in my territory," sabi ng babae sa isang malumanay na boses.

Sino ba ito? Ang arte niya.

Kahit hilong-hilo na talaga ay pinilit kong tumayo pa rin. Kumapit ako sa railings at hinarap ang pinsan ni Diana, "ano naman kung nagmumu—" Hindi ko na natapos pa ang huling sasabihin dahil bigla nalang akong dumuwal at salong-salo ito ng pinsan ni Diana.

Napakapit pa ako sa kaniya dahil sa nanlalambot na ang tuhod ko, sinubukan ko pang tingnan ang mukha niya. The woman's face was red and ready to pop pero naunang naging itim ang paningin ko.

We've Got TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon