Kabanata 4

555 51 26
                                    

Naglapat ang mga labi ko habang naghihintay na tumila ang ulan at mag-iisang oras na akong nakatayo dito sa shed na nakita ko. After Atalanta left me with Ambassador Argoncillo, I never saw her, not even her exasperating shadow again. Tuluyan na talaga akong iniwan ng basta ng babaeng iyon, hindi rin naman ako nagtagal sa bahay ng ambassador dahil nahihiya ako; sinabihan ko na nga lang siya na susundan si Atalanta at ako na ang bahala.

Nakalimutan ko lang itanong kung saang parte ng lugar na ito nagkukuta ang 21st-century descendant ni Gabriela Silang. For the duration of almost an hour, I saw no one around here. Ano ba naman kasi ang in-expect ko kung ganito kalakas ang ulan? Daig ko pa ang mga bida sa telenobela na sawi sa pag-ibig. Ang lakas maka-senti ng panahon at ng ulan.

I waited for another fifteen minutes, medyo kumalma na ang pag-iyak ng langit at nakikita ko na ang bakas nito sa sementadong daan at sa mga punong basang-basa. Sinilip ko ang kalsada, wala pa ring mga taong nagpapakita. Napabuntong-hininga ako at napagdesisyunan nalang na maghanap ng mga tao rito o ang tinatawag na Society Girls na siyang mga residents sa islang ito.

Kanina, bago ako umalis sa bahay ni Ambassador Argoncillo ay nabanggit niya ang kinaroroonan namin ngayon. The island is called Isla Mujeres and the place is the home of women in all statuses in life. Nabanggit niya rin na residente si Atalanta sa islang ito at dito ito naglalagi kapag hindi ito naglilibot sa buong mundo kasama ang pinakamamahal nitong Armageddon.

Napailing ako, tunog end of the world talaga. Why would she name her ship like that? According to ancient sailor beliefs, ipinapangalan sa babae ang mga barko para iwas malas at disgrasya. Pero tingnan mo itong si Atalanta, pinangangatawanan ang disgrasya. Napailing ulit ako at naglakad na. Maingat kong tinahak ang daan, medyo madulas kaya dobleng ingat talaga sa akin lalo pa at naka-tsinelas lang ako.

Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng paligid, puro kasi punong-kahoy ang nakikita ko na nakahilera sa gilid ng daan. They looked coniferous to my eyes, parang sa Baguio. Ano ba itong lugar na 'to? Puro gubat, hindi ko na nga rin nakita ang bahay ni Ambassador Argoncillo na nasa ituktok lang ng slope na ito.


"What in the green inferno is this place?"

Wala yatang katapusang daan ito. It stretched as far as my eyes can see. Wala pa rin akong nakikitang ibang sign na may bahay o kabihasnan. Parang uulan pa naman ulit dahil makulimlim pa rin ang kalangitan. Low pressure is real nga yata.

I walked and walked until I saw a sign.

"Fifty meters to Sentro Sociedad," basa ko sa karatula. "Hay, salamat! Finally, may sign rin lalo pa at nagugutom na rin ako."

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad and I kept on seeing the same view over and over again. Ang generic naman ng lugar na ito, wala man lang ibang makikita kundi itong berdeng kapaligiran. Baka sa susunod ay magkulay-green na ang paningin ko dahil dito.

Napahawak ako sa ulo, kumikirot na naman kasi. Walang hiya 'yong Dok Kwak-kwak na iyon, kapag nakalabas ako sa islang ito ay pupunta agad ako sa totoong ospital at magpapa-issue ng tunay na medical certificate. Pagbabayarin ko silang dalawa ni Atalanta Diez sa ginawa nila sa akin. I didn't die because of my past missions that were grave-digging tapos sa simpleng pagsampa lang ng barko ay saka ako nadali ng lason. Isa itong malaking kahihiyan sa buo kong pagkatao. At sa buo kong trabaho na rin bilang isang agent.

Biglang kumulog na nagpagulat sa akin, nagbabadya na naman ang kalangitan. Dumidilim na naman ang ibang parte kaya binilisan ko na ang paglalakad. Mga ilang metro rin ang nilakad ko hanggang nasa gitna na ako ng isang fork, wala akong nakitang karatula kaya hindi ko alam kung saan ang daan papunta sa sentro. Kumulog ulit ng napakalakas, napangiwi ako. Bahala na, tinahak ko nalang ang daan na nasa kanan at umusad na.

We've Got TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon