MARIA
"Maria? Hindi ka ba bibili? Para naman 'to sa company outing natin. Heto, oh, bagay sayo!" Sabay pakita sa akin ng red swimsuit.
Napailing ako sa kanya at sinauli ang kinuha niya sa tamang rack nito.
"Hindi ako nagsusuot niyan, Nicole. Never akong nagsuot niyan!"
"Sayang naman kung itatago mo ang iyong maganda at mala-coca cola-ng katawan mo, Maria. Sayang." Iling nito sa akin.
"Ayos na ako sa white tank top ko at cycling short, Nicole. Tapos kapag maliligo na, rashgard na lang. Mas comportable ako roon kaysa r'yan sa binibigay mo sa akin." Sagot ko rito.
Kapiranggot na nga lang ang tela, sobrang mahal pa ng presyo.
"Ang sabi-sabi ng iba sa department natin, nandoon daw iyong Kesha... Ayaw mo ba talaga?" Napalabi nitong sabi sa akin.
Umiling ako rito. Kahit anong sabihin niya hindi talaga ako magsusuot niyan.
"Kung nandoon naman siya, edi nandoon. Wala akong magagawa roon, Nicole. Malay mo nga nagkabalikan na silang dalawa. Saka, magkaibigan lang talaga kami ni Sir Calum."
Ano naman pake ko kung kasama siya sa Team Building. Hindi naman ako gumastos sa Team Building na iyon para magreklamo kung kasama siya.
Binangga ako nito sa aking kanang braso at saka naunang naglakad sa cashier sinundan ko rito agad ito.
"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo, Maria? Akala ko ba crush na crush mo siya?" Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Iyong gamit mo raw, Nicole..." Ani ko rito at tinuro niyong sa counter.
Siya na kasi next, ayaw pa ilagay iyong pinamili niya.
Nang matapos mamili, saka kami naghanap ng makakain. Kailangan agad namin makauwi. Bukas na rin kasi iyong Team Building.
May three days lang kaming preparation para sa Team Building na ito. Iyong araw na umuwi sila Sir Calum, iyon 'yong araw na sinabing magkakaroon ng Company Outing.
Nice.
Sa three days na iyon, sa department namin ngayon lang lahat kami nag-aasikaso dahil sa sobrang tambak ng mga pinagawa nila.
Kaya mas kailangan namin ang pahinga kaysa rito pero 'di raw p'wedeng hindi kasama.
"Sa McDonald's na lang tayo, Maria? Bet mo ba roon?" Pagtatanong sa akin ni Nicole habang nakatingin sa McDonald's, Jollibee at Greenwich.
Sila kasi iyong magkakatabi .
Nagtitipid ako. Gusto ko man kumain ngayon ng lasagna, kailangan ko magtipid.
"Sige, rito na lang tayo. Masarap naman fries dito." Sabay pasok namin dalawa.
Si Nicole na ang nag-order para sa akin, baka mawalan pa kami ng upuan kapag parehas kaming nag-order.
Nagpa-order lang ako ng spicy chicken with rice, large fries and sundae.
Ako lang ba iyong sinasawsaw ang fries sa sundae imbis sa ketchup? Masarap kami ang combination ng dalawa. Lalo na kung mainit pa ang fries.
Habang hinihintay si Nicole, naramdaman ko na naman ang paglabo ng aking paningin. Heto na naman siya.
Nakabili na ako ng salamin sa mata pero ginagamit ko lang iyon sa office. Hindi naman ako gumamit ng computer ngayon ha?
Pinikit ko na lamang muna ang aking mga mata. Hinayaan ko muna ng gano'n ng maramdamang nakabalik na si Nicole.
"Uy, ayos ka lang, Maria? Inaantok ka na ba?" Sabay tapik nito sa akin.
Umiling ako sa kanya at dahan-dahan minulat ang aking mga mata, "wala... Trinay ko lang kung anong pakiramdam kapag madilim ang nakikita. Saka kung gumagana ba ang senses ko. Gumana naman, naramdaman kitang bumalik, e." Ngiti ko rito.
Hindi ko sinasabi ang tungkol sa mata ko. Sobrang pagod lang ito at sa sobrang tagal ng pagkababad ng aking mata sa computer dahil nga sa trabaho ko.
Kumain na kaming dalawa. Pagdating sa pagkain, away kung away kaming dalawa ni Nicole. Walang kaming pansinin. Saka, nagugutom na rin kasi talaga ako.
Pagkatapos naming kumain, nagpasya na rin kaming umuwi. Maaga pa kasi ang call time bukas. By four in the morning dapat nasa company ka na. Doon kasi naghihintay ang mga bus na sasakyan namin.
Papalabas pa lang kami ng mall ng makita ko ang dalawang tao na ayokong makitang magkasama.
Totoo ba talaga ang tungkol doon? Totoo ba ang tungkol sa kanila?
Nilihis ko na lang tingin ko sa kanila.
"Huwag kang malungkot, Maria..." Lumingon ako kay Nicole na nakatingin din pala siya roon kanina.
Nakasakay na sila sa car. At, alam kong kay Calum niyon. Iyon 'yong sinakyan din namin nu'ng hinahanap namin si Klare.
Kaya hindi ako p'wedeng magkamali.
"Ah-eh? Anong pinagsasabi mo? Napuwing lang ako, Nicole! Oh sige, pipila na ako ha? See you tomorrow!" Ngiti ko rito at saka kumaway sa kanya.
Magkaibigan kami ng ruta ng Jeep kaya sa iba siya sasakay ng Jeep.
Eh, ano ngayon kung totoong engaged na sila? Pake ko naman sa kanilang dalawa. Si Karl at Gia nga nagawa rin ako lokohin.
Ang mga lalaki talaga hindi na nakuntento sa isang babae lang.
•••
Let me know your thoughts through comments and please votes.
Thank you, loves!! 😸💛
BINABASA MO ANG
Carson's Series #3: Calum Carson ✓
General FictionCOMPLETED. UNEDITED R-18. MATURE CONTENT. SPG. Carson's Series #3 "Football is my life and my goals is to make you fall inlove to me, Maria."