•17•

5.7K 145 23
                                    

MARIA

"C-calum..." Napalingon ako sa paligid.

Paano niya ako nasundan?

"A-anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ko sa kanya.

Ini-spread niya ang kanyang mga kamay sa akin, sumunod ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"You're doing great, baby." Bulong nito sa akin.

"P-paano mo nalaman?" Pagtatanong ko rito.

"Sinundan kita, alam kong may tumatakbo sa isip mo, hindi nga ako nagkamali. For sure, gagaling siya, ha? Don't worry about him, okay?"

Tumingala ako para tignan siya, nagkatinginan kaming dalawa, "I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo, ha? I'm sorry, okay? Nag-aalala kasi ano sa sinabi ni Gia, kahit papaano naging magkakaibigan kaming tatlo."

Humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin, "don't worry, I'm not mad at you. I'm so proud of you. So, come on, let's work together?" Tumango ako sa kanya.

Pero, hindi pa ako nakakadalawang hakbang papunta sa kanyang kotse ng umikot ang mundo ko at siyang paglabo ng aking mga mata.

"C-calum..." Isang salita lang ang nabitawan ko bago dumilim ang aking paningin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog basta nagising na lang ako dahil sa ingay na tumutunog na television.

Ibinuka ko ang aking bibig pero ni-isang tinig ay walang lumabas sa akin. Pinilit kong umupo sa kamang hinihigaan ko at doon, doon palang niya ako napansin.

"A-ate..." Agad niya akong dinaluhan at tinulungan sa aking pag-upo.

"Ayos ka na ba, ate?" Tumingin lang ako sa kanya at tinitignan sa kanyang mga mata kung anong nangyari sa akin.

"T-tubig..." Putol-putol na sabi ko sa kanya at tinuro ang isang bottled water sa may lamesa.

"Ay, oo nga pala," binuksan niya ito at saka binigay sa akin.

"D'yan ka lang, ate, ha? Tatawag lang akong nurse. Tatawagan ko rin si kuya Calum, ilang days na iyon walang tulog, e. Kaya pinalitan ko ngayong araw." Saka ito lumabas sa loob ng k'wartong kinalalagyan ko.

Ilang days? Ilang araw akong tulog?

Anong nangyayari sa katawan ko? Anong nagyari sa akin habang tulog ako?

Bumalik ang kapatid ko na may kasamang dalawang nurse at agad akong dinaluhan ng mga ito. Tinanong lang nila ako kung anong masakit sa akin, kung maayos na ba ang pakiramdam ko at may kung anong chine-check sa akin.

Nagtataka lamang ako sa kanilang mga ginagawa. Nang matapos sila sa akin, naglakas loob akong magtanong sa kanila, "nurse, ilang araw akong tulog?" Kasi kung sa kapatid ako magtatanong hindi niya ako sasagutin, buti na lang lumabas siya para tawagan si Calum.

Nagkatinginan silang dalawa, "two days po, Ma'am." Saka sila nagpaalam na lalabas.

Two days? Two days akong tulog.

May sakit ba ako? Anong nangyayari sa katawan ko?

Napalingon ako sa pinto ng pumasok ulit ang aking kapatid, "ate, papunta na si kuya Calum. Sinabihan ko na rin sila Mama na gising ka na." Tumango ako rito.

"A-anong sakit ko?" Pagtatanong ko ng diretsahan dito.

Umiling siya sa akin, "hindi ko alam, ate. Basta narinig ko tungkol sa mata mo. Iyon lang. Si kuya Calum at sila Mama ang kausap ng doctor." Sabay kamot nito sa kanyang ulo.

Inabot niya sa akin ang pagkain na nasa lamesa, "ate, kain ka muna. Buti na lang 'di ko kinain niyan. Hehe." Sabay lapag niya sa akin sa harapan.

Nanonood na kami rito ng pumasok na humahangos si Calum, malamlam ang kanyang mga mata at bakas dito ang kanyang madilim na bahagi sa ilalim ng mga ito.

Nang makita niya ako ay agad niya akong sinugod ng kanyang yakap, "chineck ka na ba nila?" Tumango ako sa kanya.

"Ikaw nakatulog ka ba?" Trinace ko ang kanyang eyebags.

Ramdam kong umiling siya sa akin kahit nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Lalabas muna ako, ate. Usap muna kayo ni Kuya." Tumango ako sa kapatid ko.

"Calum, okay naman ako diba?" Kinakabahan man tinanong ko pa rin siya.

Tumingala ito sa akin, "yes, you are okay. You're okay, baby. You're fine."

"Anong sinabi ng doctor sa inyo?" Naalala ko iyong sinabi ng kapatid ko, sa kanila Calum sinabi kung anong nangyari sa akin.

"You have Refractive errors," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Refractive errors sa mata iyon, baby. Lumalabo ba ang mga mata mo?" Tumango ako sa kanya.

Madalas ngang lumalabo ang mga mata ko, lalo na kapag matagal na akong nakatutok sa monitor ng computer ko, pinaglagyan ko na nga iyon ng screen, e. Pero, gano'n pa rin.

"That's Refractive errors, baby. Kaya magpapacheck din tayo sa Opthalmologist kung anong klaseng Refractive errors ang mayro'n ka, ha? And last thing, hindi ka na magwo-work sa akin delikado ang work mo,"

Kumunot ang noo ko sa kanya, "eh, paano ako magkakaroon ng sweldo kung hindi ako magtatrabaho? Hindi naman delikado ang bilang secretary mo, ha?" Ungot ko rito.

"Sa mata mo delikado, alagaan mo na lang ako mas lalakihan ko ang sweldo mo. Kung gusto mo pakasalan mo na ako para sa'yo na pati sweldo ko," sabay taas niya ng kanyang mga kilay.

Sinuntok ko nga sa kanyang braso.

"Iyon lang sinabi ni doctor, wala ng iba?" Tumango ito sa akin.

"And, fatigue. That's all. Kaya 'wag ka na magwork, ako na lang alagaan mo." Sabay yakap nito sa akin ng mahigpit.

"Sobrang tinakot mo ko, baby. Sobrang natakot ako, ayokong mawala ka sa akin, ayoko. Kung mawawala ka, isama mo na ako. Gusto kong laging nasa tabi mo, baby. I love you, Maria."

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, Cat-ties! 😸💛

[ Last chapter tomorrow.
Don't forget to follow me on Dreame apps: KenTin_12 ]

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon