MARIA
"Aba! Fresh na fresh, ha? Ilang beses kang nadiligan?" Tinakpan ko ang boses ni Nicole baka may makarinig.
Lumingon ako sa paligid namin, wala naman yata.
"Iyong bunganga mo talaga, Nicole. Fresh ba ako today?" Sabay harap sa kanya.
"Oo gaga! Ilang beses, ha?"
Hindi ko siya pinansin at naghulog ako ng coins sa coffee vending machine na nandito. Ibibigay ko siya kay Calum, puyat ang isang iyon, e. Sinabi ko na kasing tumigil na siya kaka-ulos pero patuloy pa rin siya. Kaya ayan, puyat.
Kinalabit niya ako, "huy, alam mo ba ang tungkol kay Gia? Umalis iyon nu'ng friday na natataranta at umiiyak. Hindi nga namin alam kung anong nangyari sa kanya, e. Maging si Supervisor kinausap siya at tinatanong kung anong nangyari pero puro iling at iyak lang ang sinasagot niya. Basta ang sabi niya need niya raw pumunta agad sa hospital."
Kinuha ko ang kape ni Calum, "b-baka may na-hospital sa kamag-anak niya?"
Napaisip naman siya sa sinabi ko, "baka nga, Maria. Pero, grabe kasi iyong nginig niya nu'ng Friday. Maging ako natakot sa kanya. Nag-iinsist na nga kaming ihatid siya that time baka mapano pa siya kapag nag-commute. Tumanggi ulit sa alok namin, pinag-grab na lang namin. Atleast, kahit papaano alam naming safe siya, diba?" Tumango ako sa kanya.
Ano kayang nangyari sa kanya? Naging mag-bestfriend naman kami kaya nag-aalala ako sa kanya.
"Sige na, Nicole, maya na lang ulit ibibigay ko pa 'to kay Calum. Ang dami kong aasikasuhin ngayon. Oo nga pala, kanino ko ibibigay ang mga papers?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Baka papasok naman na siya? Baka nandyan na si Gia sa floor natin."
"Oh, sige, Maria! Sabay tayong mag-lunch, ha?" Tumango ako sa kanya at nag-iba ng daan.
'Pagkapasok ko sa office ni Calum nadatnan ko siyang nakasubsob sa kanyang table.
Ayan ang napapala niya. Sabing matulog na kasi puro kalikot pa rin sa ibabang bahagi ko.
Napailing na lang talaga ako sa kanya, lumapit ako sa kanya at ti-nap ang kanyang pisngi.
"Wake up, Calum. May binili akong coffee sa may canteen. Inumin mo na 'to. Ang kulit mo kasi," panenermon ko rito at nilapag sa table ang coffee.
"Hmm..." Ungot niya at tumingin sa akin tinuro ko na lang ang coffee sa malapit niya.
"Inumin mo na iyan habang mainit pa, Calum. Kung hindi mo talaga kaya umuwi ka lang kaya? Wala ka namang meeting today, e." Aniya ko rito habang tinatrabaho na itong mga papers na naiwan sa table ko nu'ng friday.
Umiling siya sa aking habang naniningkit ang kanyang mga mata, "tatawagan na lang kita kapag uuwi na ako. Tignan mo iyang mata mo sa salamin namumungay na dahil sa antok. Magpahatid ka sa driver niyo hindi ka p'wede magdrive baka kung ano pang mangyari sa'yo sa daan." Nakatingin lang ito sa akin na akala mo hindi ko siya pinagsasabihang umuwi na.
"Calum, narinig mo ba iyong sinabi ko sa'yo?" Tumango ito sa akin.
"Tawagan niyo na si kuya driver para maihatid ka sa inyo, ha?" Tumango na naman siya sa akin.
Bandang alas-diyes ng umaga, sinundo nga siya rito pero ang kapatid niyang si Cassian ang sumundo.
"I will fetch you later, baby. Wait for me, okay?" I nodded at him.
"Matulog ka roon, ha? Iyong mata mo namumungay," sabay iling ko sa kanya saka siya tumango sa akin.
He kissed me at my forehead at saka lumabas ng kanyang office room.
Ako na lang ang nasa office niya. Inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos ng kanyang schedule at sa magiging meeting niya bukas. Buti na lang talaga wala siyang meeting ngayon.
Inayos ko rin ang mga paperworks niya para maihatid ko mamaya sa finance department pagka-lunch break.
Nagpatugtog na lang ako rito sa office niya, mahina lang naman para hindi ako mabagot.
Nang sumapit ang lunch break, lumabas na ako ng makarinig na may kumakatok sa labas.
"Tagal mong lumabas, Maria." Inip niyang sabi sa akin.
"Tinapos ko lang iyong isa, samahan mo muna ako sa inyo ibibigay ko ito," sabay turo ng mga paperworks na natapos ko na.
"Umuwi si Sir Calum?" Tumango ako rito.
"Pinagod mo kasi," inangilan ko nga.
"Tumahimik ka nga, Nicole. Baka gusto mong magsalita ako ngayon, ha?" Nakita kong natakot siya sa sinabi ko.
"A-alam mo?" Ningisihan ko na lang siya.
"Ako pa ba, Nicole? Ako pa ba matataguan mo ng sikreto, ha? Susunduin pala ng tatay ko ha? Naghihintay sa baba iyong tatay ko. Lumang gimik," aniya ko sa kanya.
"Uy, huwag mong sasabihin kahit kanino niyan? Atin-atin lang iyon."
Tumango ako sa kanya at binaba na ang aking bitbit sa table ni Gia. Wala siya rito, pumasok ba siya?
"Pumasok ba si Gia?" Tumango ang isa sa akin.
"Oo, hinahanap ka nga, e. Hindi ko alam kung anong pakay niya sa'yo pero importante raw ang sasabihin niya." Sabay kibit-balikat niya sa akin.
Iniwan na namin doon ang mga paper at saka na pumunta para sa canteen. Nagugutom na talaga ako.
Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa canteen nang salubungin kami ni Gia na humahangos na tumatakbo papunta sa aming direksyon.
Anong nangyayari sa kanya?
"M-maria? Maria, kailangan kita... Kailangan ka niya makita, may sasabihin siya sayo..." Hindi ko alam kung anong sinasabi niya.
"A-ano bang nangyayari sa'yo, Gia? Huminahon ka nga!" Malakas na sabi ko sa kanya at hinila siya sa tagong lugar dito.
"Ano bang pinagsasabi mo, ha?" Ulit na tanong ko rito.
"S-si Karl, Maria. Si Karl kailangan ka niya, e. Kailangan ka niya makausap. N-nasa hospital siya nag-aagaw buhay."
Dahil sa sinabi niyang iyon, napaatras at gulat akong nakatingin sa kanya.
"B-bakit? P-paano?" Hindi ko na alam kung anong masasabi ko.
"May sakit siya, Maria. Mayro'n siya stage 3 Colon Cancer..." Napaupo na siya at doon siya napahagulgol.
"Kailan pa?" Nakahawak sa aking braso si Nicole.
"N-noong naghiwalay kayong dalawa. Nang malaman niya ang tungkol doon, pinakiusapan niya ako,"
"Pinakiusapan ka niya na gamitin ka? Na ipamukha sa akin na kayong dalawa dahil sa sakit niya?" Tumango siya sa sinabi ko.
"B-bakit hindi niyo na lang sinabi sa akin, ha? Bakit, Gia?" Pinantayan ko siya at saka hinawakan ang dalawang balikat niya, "bakit, Gia?"
"Kailangan ka niya, Maria. Kailangan ka ni Karl."
•••
Let me know your thoughts through comments and please votes.
Thank you, Cat-ties!! 😸💛
[ Dreame account: KenTin_12 ]
BINABASA MO ANG
Carson's Series #3: Calum Carson ✓
Tiểu Thuyết ChungCOMPLETED. UNEDITED R-18. MATURE CONTENT. SPG. Carson's Series #3 "Football is my life and my goals is to make you fall inlove to me, Maria."