•18•

9.6K 216 32
                                    

MARIA

Maraming nangyari sa akin. Sa loob ng isang taon, nagkaroon ng ups and downs ang buhay ko.

Marami akong nakilalang bagong mga kaibigan na naging mga kapatid ko na ang turing sa kanila. Maraming sumubok sa akin sa matapos ang hiwalayan namin ni Karl.

Naging magulo ang mundo ko ng mga panahon na iyon, kung sa'n-sa'n ako nakarating na lalawagin para ibalik ang sarili ko sa mismong ako rati, kung sa'n-sa'n akong napadpad na bundok para makita ang pagmamahal ng sarili ko. Sobrang tagal ko naghanap para sa self-love, sa sobrang tagal nakilala ko pa si Klare - dahil sa kanya nakilala ko ang pamilyang Carson lalo na ang nagpabago sa akin si Calum.

Sa loob ng isang taon, akala ko isang paghanga lang itong nararamdaman ko sa kanya. Ikaw ba naman magkagusto sa boss mo, ang imposible diba? Lalo na't alam mong may ex-girlfriend siyang sunod na sunod sa kanya. Parang linta na laging nakadikit kay Calum. Kaya heto ako hanggang tingin sa malayo, kumbaga langit siya, lupa ako. Gano'n ang pagitan naming dalawa. Hindi ko rin hinihiling nu'ng araw na iyon na magkagusto rin siya sa akin, empleyado lang naman ako sa kanila at marami pang mas maganda kaysa sa akin doon.

Isama mo pa iyong ex-girlfriend niyang si Kesha na pinagbantaan ako. Oo, aaminin kong sobra kong hinahangaan si Calum to the point na iniisip kong boyfriend ko si Calum sa panaginip pero sobrang labo ngang mangyari. Pero, malakas yata ako kay Bro dahil iyong hinihiling ko nagkatotoo. Para akong si Rapunzel na nasa mataas na tore at hinihiling na ibaba ang aking buhok para mailigtas niya ako, gano'n ang aking naramdaman nu'ng magtapat sa akin si Calum.

Sobrang saya ko ng panahon na iyon, parang may mga bulate sa tiyan ko na nagseselebrate dahil sa pagtapat ni Calum, at lalong nagkaroon ng fireworks sa aking mga isip nang pati mga magulang niya ay tanggap at gusto ako. Sobrang bait nila na akala mo'y hindi mayayaman ang mga angkan nila.

Ang akala kong masayang pangyayari na sa buhay ko ay biglang gumuho. Nang malaman ang tungkol kay Karl, ang tungkol sa totoong pag-alis nila ni Gia. Sabi ko nu'ng una kahit anong mangyari hindi ko sila papansinin at kakausapin, kahit lumuhod pa sila sa akin hindi ko sila mapapatawad dahil sa nagawa nilang kataksilan pero balat sibuyas nga ako, dahil sa pakiusap lang ni Gia at sa sinabi niya biglang nagkaroon ng hiwa ang aking puso parang lahat bumalik sa akin.

Pinag-isipan ko ang aking pagpunta pero  pusong mamon ako, sa pagpunta ko roon ko nalaman ang lahat-lahat kung bakit nila nagawa niyon sa akin. Daming tumakbo sa isipan ko, bakit hindi na lang nila sinabi ang totoo sa akin? Kung sinabi man nila ang totoo sana pati ako nakilaban sa sakit niya, sa sakit niyang pangmayaman. Sa sobrang daming gumugulo sa aking utak, hindi ko namalayang dumilim na aking paningin.

Ang dami kong natuklasan, ang dami kong nalaman at ang dami kong natutunan: unang-una sa lahat ay maging matatag tayo sa ating buhay, ilaban natin ang buhay na mayro'n tayo, ang buhay na binigay ng maykapal sa atin, ika nga nila You Only Live Once. Pangalawa, ang magpatawad sa kapwa natin. Ang diyos nga nagpapatawad kahit sobrang dami ng mga kasalanan natin. Tayo pa kayang mga alagad niya? Pangatlo, ang magmahal muli. Kung nabigo ka man sa unang pagmamahal mo, hindi ibigsabihin maging ang susunod na mamahalin ay mabibigo ka rin. Iba-iba ang mga tao kung paano magmahal, may nagmamahal na binibigay ang lahat, may nagmamahal na masakit magmahal at higit sa lahat may nagmamahal ng patago. Ikaw saan ka roon? Kung ako, wala sa nabanggit dahil ang totoong nagmamahal nararamdaman sa puso. Iyong purong pagmamahal.

Sa loob ng ilang buwan na tinagal ni Karl, naging masaya ako na bumalik kami sa dati. Na bumalik ang pagiging magkaibigan naming tatlo hindi man buo na bumalik sa amin ang pagkakaibigan atleast nagkaayos kaming tatlo bago kinuha ng tuluyan si Karl sa amin. Sobrang sakit dahil ilang buwan lang ng magkita ulit kami at nagkaayos pero agad na siyang kinuha. Siguro, natadhana na talagang ganito kaming tatlo, ganito talaga ang magiging buhay namin. Kinuha man siya sa amin, alam naming dalawa ni Gia na masaya na siya para sa aming dalawa.

"Maria? Nasa'n na raw si Calum?" Pagtatanong ni Gia na nasa aking gilid.

Nandito kasi kami sa mall, lumabas kami para makapagmasyal ng kaming dalawa lang. Isang linggo na rin kasing hindi pumapasok si Nicole, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kapag tinatawagan ko naman ang kanyang phone number, cannot be reached ang kanyang number, operator ang sumasagot sa akin. Nu'ng pinuntahan ko naman siya sa kanyang inuupahan, ilang araw na raw siyang hindi roon umuuwi. Kaya lalo akong kinabahan kay Nicole pero nawala rin niyong kaba ko nu'ng may nagtext sa akin, unknown number na okay lang daw siya. Huwag na raw akong mabahala sa kanya. Sana nga lang okay talaga siya.

"Nagtext na siya sa akin kanina, malapit na raw siyang dumating." Sagot ko rito habang nakatanaw sa mga dumadaan na kotse baka kasi kay Calum na iyong isa.

Tumango na lang siya sa akin at tinitignan na rin ang mga dumadaan. "Nalaman mo na ba kung nasa'n si Nicole?"

Napatingin ako sa kanya at umiling dito, "hindi, e. Pero, may nagtext na number sa akin, sabi roon sa text, okay lang daw siya. Huwag ko raw siya alahanin, maayos ang kanyang lagay."

"Pakiramdam ko may pinoproblema si Nicole, kasi nu'ng huling nakasama natin siya. Balisa siya, Maria. Palingon-lingon sa paligid."

Napansin ko rin kay Nicole niyon pero hindi ko pinansin, gano'n naman kasi siya minsan. Lumilinga-linga para humanap ng mga gwapo.

"Oh, ayan na yata si Calum," bulalas ni Gia at tinuro ang papalapit na itim na BMW.

Huminto ito sa tapat namin at bumaba sa kabilang pinto ang naka-longsleeve na blue na may necktie na itim at puti. Naka-angat ang kanyang sleeve ng kanyang suot na hanggang sa kanyang mga siko.

Lumapit ito sa amin ni Gia habang nakapaskil ang kanyang mga ngiti sa kanyang labi, "tapos na kayong mamili?" Ngumiti at tumango ako sa kanya sabay pakita sa mga binili kong naka-paperbag. Kinuha niya ito sa akin at nilagay sa backseat ng kanyang kotse.

Pinasakay muna namin si Gia sa isang grab car at saka kaming umalis na dalawa.

"Nakausap mo na si Nicole, baby?" Binabaybay namin ang pauwi sa aming bahay. May sarili na rin kaming bahay.

Sa loob ng isang taon, kinasal na kaming dalawa. Ayoko sana ng magarbong kasal pero hindi pumayag sila Tita Cynthia. Kaya ayoko man ng magarbong kasal, tinuloy ko na rin kasi iyon ang gusto nila.

"Hindi ko pa siya nakakausap pero may nagtext sa akin na number, okay lang naman daw siya. Huwag na raw ako mag-alala." Aniya ko habang nakatingin sa paligid.

"Matatag naman niyang si Nicole paniguradong may dahilan kung bakit siya nawawala ngayon." Tumango na lang ako sa kanya.

Sana nga lang talaga, ayos lang siya.

Mabilis kaming nakarating sa bahay namin, kahilera lang nito ang bahay ng parents niya. Si Cassian na nga lang daw ang single sa kanilang magkakapatid. Pati kasi iyong pang-apat nilang kapatid na si Craig kasal na sa pinsan ni Klare.

Nilapag niya ang mga pinamili namin sa isang k'warto na puno ng mga kulay bughaw, maging ang dingding nito ay kulay bughaw at mga dekorasyon na nandito ay gano'n din.

"Malapit na siya lumabas," aniya ko sa kanya.

Ngumiting pabalik siya sa akin, "hindi na ako makapaghintay na maiduyan ang aking magiging kamukha at magmamana ng aming surname. Sabik na rin akong lumabas siya, baby." Hinaplos niya ang aking anim na buwan na tiyan.

Sa bagong simulang ito, alam kong lalo niya kaming pagtitibayin at patatagtagin sa aming pagsasama.

Sa bunga ng aming pagmamahalan, alam kong lalago at lalago pa kaming dalawa dahil alam naming ito pa lang ang simula naming dalawa.

Ako si Maria Isshi Santos - Carson. Marami mang pagsubok ang pinagdaanan ko, bumangon pa rin ako sa aking pagkakadapa. Hindi habang buhay nasa putikan ka dahil sabi nga nila habang may buhay may pag-asa.

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, Cat-ties!! 😸💛

- THE END -

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon