MARIA
"Sino iyong katabi ng kuya mo, Calum?" Pagtatanong ko sa kanya.
Abala siya sa aking mga daliri at pinaglalaruan ang mga ito.
"She's Mecca, kuya's wife." Aniya na hindi tumitingin sa akin. Nakapokus pa rin ang kanyang mga mata sa mga daliri ko.
"P-parang ang bata pa niya para sa kuya mo?" Kasi iyong nakita ko iyong Mecca parang nasa twenty-two or twenty-three palang ang isang iyon.
Akala ko nga kapatid nila, e. Eh, naalala kong wala pa silang kapatid na babae.
"Yeah, she's to young for him. But, we don't care."
Oo nga naman. Mahal mo edi mahal mo. Gano'n naman iyon, e.
Naging tahimik ang paligid namin. Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Dinadama lang namin ang malamig na ihip ng hangin habang pinaglalaruan pa rin niya ang mga daliri ko.
"Maria, baby," napalingon ako sa kanya ng basagin ang katahimikan.
"I'm really sorry if I do this to you. I can't wait to hear your answer, I can't wait to longer, baby..." Hinawakan niya nang mahigpit ang aking mga kamay at hinila papalapit sa kanyang dibdib.
Napalunok ako dahil sa lapit naming dalawa. Nakatingin lamang siya sa akin ng mabuti na akala mo'y isang bagay na babasagin ako.
"C-calum..."
At, ang kasunod ko na lang na naramdaman ay ang paglapat niya ng kanyang labi sa aking labi.
Lumaki ang aking mga mata ng gumalaw ang kanyang labi sa akin na waring pinapasunod ako sa kanya.
Hindi ko naman first time ang ganitong bagay.
Hanggang sinundan ko na ang kanyang galaw sa aking labi. Isang mabilis, marubdob na halik ang aming pinagsaluhan dito sa garden nila na pinapanalangin kong walang nanonood or nakakita sa ginagawa naming dalawa.
"I love you so much, Maria..." Pagtatapos nito ng aming halikan at pinagdikit ang aming mga noo at ginawaran niya ulit ako nang isang mabilis na halik.
Ngumiti ako sa kanya at tumango rito, "I love you too, Calum." Sabay yakap sa kanya. Nahiya ako bigla.
"Y-you love me? I-it's a yes, baby?" Sunod-sunod ang naging tango ko rito habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Oh fck! Oh fck!" Sabay mahigpit na yakap ang ginawad niya sa akin.
"I love you so much, baby. I love you. I love you. I never tired to say you I love you."
Sa huling pagkakataon, isang halik na naman ang aming pinagsaluhang dalawa.
Hinatid niya rin ako ng gabing iyon, sinabi ko na rin kila Papa na boyfriend ko na si Calum. Hindi nga sila makapaniwala, e. Kilala kasi nila ang pamilya ni Calum. Baka raw saktan lang daw nila ako pero sabi ko mababait ang mga magulang ni Calum kaya pumayag na sila. Pero, sa isang kondisyon kapag nasaktan daw ako ni Calum, mawawala ako sa kanya.
Kinaumagahan, pagkalabas ko ng bahay namin laking gulat ko na nasa labas na siya.
"Anong ginagawa mo rito? Kaya ko namang pumasok, e." Aniya ko sa kanya.
Kinuha niya sa akin ang bitbit kong shoulder bag at pinagbuksan ng pinto sa passenger seat.
"It's my duty, baby." Sabay ngiti niya sa akin.
"And, by the way, you are my new secretary." Dugtong nito sabay sarado ng pinto.
"W-what? Anong nangyari sa dati mong secretary, ha?" Pagtatanong ko rito ng makapasok siya.
Pero, kibit-balikat lamang ang sinagot nito sa akin.
"Tinanggal mo, Calum?"
Umiling siya sa akin, "nope, baby. Kinuha siya ni Kuya Connor bilang assistant staff sa company niya. So, pumayag na ako."
"Really? Hindi mo siya sinisante para ilagay mo ko roon?" Pangungulit ko rito.
Tumango siya sa akin, "of course, baby."
Nang makarating sa company nila, nakatingin sa akin ang ibang empleyado na nakasabay namin sa elevator, mukhang naguguluhan kung bakit sabay kaming pumasok ng boss nila at kung bakit magkasama kami sa kotse.
Tanging Finance department lamang ang may alam tungkol sa aming dalawa. Tungkol sa real score namin.
"Don't mind them..." Bulong nito sa akin sapat na para marinig ko.
Tumingala ako sa kanya at tumango rito.
Nang makarating sa floor niya, agad kaming gumawi sa kanyang office.
Bakante na siguro iyong magiging table ko. Sino kaya pumalit sa akin?
"Nasa'n ang table ng secretary mo rito? Diba rito nakalagay iyon?" Pagtatanong ko sa kanya at tinuro ang p'westo kung sa'n nakalagay ang table ng secretary niya kapag pumupunta ako rito.
Hindi siya sumagot bagkus binuksan niya ang pinto ng kanyang office at nakita ko roon ang table ng kanyang secretary.
"Come on, baby. Let's do our work." Napamaang ako sa kanya.
Magiging katulad ba ako ni Klare? Nu'ng naging secretary siya ni Case nasa loob din niyon ang table niya.
"S-sino pumalit sa akin sa work ko? Eh, kanino ko ibibigay ang mga ito after kong matapos?" Tanong ko rito at umupo sa table ko.
Ang lambot at ang linis na. Napatingin ako sa baba ng makitang nandito na ang mga gamit ko sa table kong dati.
"Sino humakot ng gamit ko, Calum?" I asked habang inaayos na ang mga ito.
"Nicole's help me for that." He said habang nakatapat ang kanyang paningin sa laptop niya.
"Si Nicole rin pumalit sa akin?"
Tumingala siya at umiling, "no, baby. I don't know her name. But, she's from kuya Connor's company." Sabay balik sa kanyang ginagawa.
Pagkatapos kong maayos ang gamit ko, tumingin ako kay Calum, wala pa akong ginagawa. Mukhang tinapos muna nu'ng secretary ni Calum ang mga gawain bago umalis.
Kaya heto ako sitting pretty dito habang nakatingin sa kanya. Nakaka-antok. Hindi man lang niya ako tinirhan ng gagawin.
Buong maghapon yata akong tutunganga ngayong araw. At, buong araw akong titig kay Calum. Hays.
•••
Let me know your thoughts through comments and please votes.
Thank you, loves!! 😸💛
[ Road to 9K followers na tayo, Cat-ties! 😸💛🤘 Also, don't forget to follow meon Dreame apps. ]
BINABASA MO ANG
Carson's Series #3: Calum Carson ✓
Tiểu Thuyết ChungCOMPLETED. UNEDITED R-18. MATURE CONTENT. SPG. Carson's Series #3 "Football is my life and my goals is to make you fall inlove to me, Maria."